Municipality of Ballesteros

Municipality of Ballesteros Official FB page of the Local Government of BALLESTEROS led by the incumbent Municipal Mayor ROBERT H. OGALINO MD.
(3)

  | Pagdami ng Ulmog o Brown Plant Hopper, Binabantayan sa Ballesteros; Magsasaka, Hinikayat na Mag-ulat AgadBALLESTEROS...
07/09/2026

| Pagdami ng Ulmog o Brown Plant Hopper, Binabantayan sa Ballesteros; Magsasaka, Hinikayat na Mag-ulat Agad

BALLESTEROS, Cagayan, Setyembre 7, 2025 — Naitala ang pagdami ng ulmog o Brown Plant Hopper (BPH) sa mga palayan ng mga Barangay Nararagan, Zitanga, at Fugu, ayon sa patuloy na pagsubaybay ng Monitoring Team ng Municipal Agriculture Office (MAO).

Ang ulmog ay isang uri ng insekto na sumisira sa mga palay sa pamamagitan ng pagsipsip ng katas nito. Kapag hindi naagapan, maaari itong magdulot ng malawakang pagkatuyo ng mga palay na tinatawag na “hopper burn,” na magreresulta sa malaking pagbaba ng inaasahang ani at pagkalugi ng mga magsasaka.

Dahil dito, pinayuhan ni Municipal Agriculture Officer Engr. Roderick Lazo ang lahat ng magsasaka na maging mapagmatyag at agad na ipagbigay-alam sa MAO o sa pinakamalapit na opisina ng barangay kung may makikitang palatandaan ng pagdami ng ulmog sa kanilang mga taniman.

“Napakahalaga ng mabilis na pagtugon. Kapag naagapan ang infestation, maiiwasan natin ang malaking pagkawala ng ani. Huwag nang hintayin na lumala pa bago mag-ulat,” pahayag ni Engr. Lazo.

🔍 MGA PALATANDAAN NG PAGKAKAROON NG ULMOG SA PALAYAN:

• Pagkakaroon ng maliliit na kayumangging insekto sa ilalim ng mga dahon at puno ng palay

• Pagkakaroon ng itlog o puting batik-batik sa ilalim ng dahon

• Pagkulay dilaw at pagkatuyo ng mga dahon ng palay na nagsisimula sa ibabang bahagi

• Pagkakaroon ng maitim na amag o dumi sa mga puno ng palay

• Pagkakaroon ng patay o tuyong bahagi ng palayan na tila sinunog — tinatawag na “hopper burn”

🛡️ MGA PARAAN NG PAG-IWAS AT PAGKONTROL:

• Suriin palagi ang ilalim ng mga dahon at puno ng palay tuwing umaga at hapon

• Huwag magpataba ng sobrang pataba lalo na ang mayaman sa nitroheno — mas pinapadami nito ang ulmog

• Panatilihing malinis ang paligid ng palayan — alisin ang mga damo na maaaring pamahayan ng ulmog

• Magpalit ng tubig sa palayan at hayaang matuyo pansamantala ang lupa upang mamatay ang mga itlog at insekto

• Gumamit ng mga likas na kalaban ng ulmog tulad ng gagamba at iba pang insekto na kumakain nito

• Agad na ipagbigay-alam sa MAO kung lagpas na sa 10 hanggang 20 na ulmog ang makikita sa bawat puno ng palay — magbibigay ang opisina ng tamang gabay at lunas

Ang maagang pag-uulat ay magbibigay-daan upang makapagbigay ang pamahalaang bayan ng kaukulang tulong at tamang pamamaraan ng pagkontrol upang maprotektahan ang pananim at masiguro ang sapat na ani ng bawat magsasaka.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing pagsubaybay ang pangkat ng MAO sa iba pang mga barangay upang mapigilan ang pagkalat ng peste at masiguro ang seguridad sa pagkain at kabuhayan ng sektor ng agrikultura sa Ballesteros — na isa sa mga pangunahing layunin ng Sampung-Puntong Adhikain ni Mayor Robert H. Ogalino. (Ulat ni Julius Victor D. Ramos, Municipal Information Officer)

📱 PAANO MAG-ULAT?

Maaaring magtungo sa Municipal Agriculture Office sa munisipyo o sa inyong Barangay Hall upang maiulat ang anumang palatandaan ng peste sa mga pananim. Huwag nang maghintay na lumala pa — ang maagang pagkilos ay pag-iwas sa pagkalugi!

  | PANGKABUHAYAN PARA SA MGA MANGINGISDA: PAMAMAHAGI NG MGA PANGISDA AT KAGAMITAN SA PAMAMAGITAN NG BFAR AT LGU BALLEST...
05/09/2026

| PANGKABUHAYAN PARA SA MGA MANGINGISDA: PAMAMAHAGI NG MGA PANGISDA AT KAGAMITAN SA PAMAMAGITAN NG BFAR AT LGU BALLESTEROS

Isang makabuluhang araw para sa ating mga mangingisda ng Ballesteros!

Sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office, pormal na ipinamahagi ang mga panghuling lambat at iba pang kagamitan sa pangingisda sa ating mga kababayang mangingisda — kasama na rin ang kinakailangang pagsasanay upang mas mapakinabangan nila ang mga ito.

Bahagi ito ng 10-point agenda ni Mayor Robert H. Ogalino na inihayag niya sa kanyang nakaraang Ulat sa Bayan (SOMA) — ang pag-angat sa antas ng pamumuhay ng ating mga mangingisda. Hindi lamang ito simpleng pamamahagi ng kagamitan, kundi pagbibigay ng pag-asa at mas matatag na kabuhayan para sa kanilang pamilya.

Personal na pinangasiwaan ni Mayor Ogalino ang pamamahagi kasama ang First Lady ng Ballesteros, Ginang Arceli E. Espiritu at ang masisipag na miyembro ng Sangguniang Bayan, na sabay-sabay na nagpatunay ng kanilang buong suporta at pagpapahalaga sa sektor ng pangingisda — isa sa pinakamahalagang yaman ng ating bayan.

📸 Mga larawan ay mula sa FB account ni SB Ali Ramirez

  | PAGSASAAYOS SA CORTEZ ST., 62 PORSIYENTO NA ANG NATATAPOSBALLESTEROS, Cagayan, Sep. 4, 2026 - Umabot na sa 62 porsye...
04/09/2026

| PAGSASAAYOS SA CORTEZ ST., 62 PORSIYENTO NA ANG NATATAPOS

BALLESTEROS, Cagayan, Sep. 4, 2026 - Umabot na sa 62 porsyento ang pagkakatapos ng proyektong “re-blocking” ng Cortez Street sa bayang ito. Ito ay isa sa mga pangunahing proyektong iniulat ni Mayor Robert H. Ogalino sa kanyang nakaraang Ulat sa Bayan (SOMA) noong Agosto 20, 2026.

Nagsagawa ng ocular inspection sa nasabing proyekto si Municipal Engineer Dan Godoy noong Setyembre 3, 2026, upang suriin ang kalidad ng gawa at masiguro na sumusunod ito sa itinakdang pamantayan ng Municipal Engineering Office.

Sa kanyang pagsusuri, nakumpirma ni Engr. Godoy na maayos ang takbo ng gawain at inaasahang matatapos ang proyekto sa itinakdang panahon.

Ang pagkukumpuni sa Cortez Street ay bahagi ng mas malawak na programa ng administrasyong Ogalino na mapabuti ang imprastraktura at daloy ng trapiko sa poblacion sentro ng bayan para sa mas maayos at ligtas na pamayanan. (Julius Victor D. Ramos, Municipal Information Officer)

TIGNAN | PANGAKONG MGA SOLAR STREET LAMP, NAKALAGAY NA SA PROVINCIAL ROAD MULA MABUTTAL BRIDGE HANGGANG BRGY. SANTA CRUZ...
03/09/2026

TIGNAN | PANGAKONG MGA SOLAR STREET LAMP, NAKALAGAY NA SA PROVINCIAL ROAD MULA MABUTTAL BRIDGE HANGGANG BRGY. SANTA CRUZ

Alinsunod sa tapat na pangako ni Mayor Robert H. Ogalino sa kanyang nakaraang Ulat sa Bayan (SOMA) noong Agosto 20, 2026 — nakalagay na ngayong araw ang mga automatic solar street lamps sa kahabaan ng madilim na bahagi ng Provincial Road, mula Mabuttal Bridge hanggang Barangay Santa Cruz!

Ito ay naging posible sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Provincial Government at sa mabuting hangarin ni Governor Edgar “Tatay Egay” Aglipay.

Ngayong maliwanag na ang daan, inaasahang maiiwasan na ang mga aksidente sa dati’y itinuturing na accident-prone area ng ating bayan. Mas ligtas na ang paglalakbay ng bawat Ballesterian, maging sa gabi man o sa madaling-araw.

Isang patunay na ang pangako ay tinutupad. Para sa ligtas, maunlad, at maaliwalas na Ballesteros! NARANIAG A BALLESTEROS!

  | Kampanya kontra Dengue, Pinag-iigting sa Ballesteros; Nag-iingat din laban sa sakit dulot ng bahaBALLESTEROS, Cagaya...
03/09/2026

| Kampanya kontra Dengue, Pinag-iigting sa Ballesteros; Nag-iingat din laban sa sakit dulot ng baha

BALLESTEROS, Cagayan, Sep. 3, 2026— Pinag-iigting ng pamunuan ng 19 barangay sa buong bayan ang kampanya upang mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga nagkaka-dengue, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Kilos-kilos ang mga opisyal ng bawat barangay kasama ang mga barangay health worker, tanod at boluntaryo upang mapuksa ang mga posibleng pamugaran ng lamok na nagdadala ng sakit.

Isinagawa ang malawakang paglilinis kung saan itinaob at kinolekta ang mga walang laman na bote, lata, lumang gulong, at iba pang mga bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig at maging pugad ng lamok.

Bukod sa nakamamatay na dengue, pinag-iingat din ang mga residente sa iba pang mga sakit na dulot ng tubig-baha na kontaminado ng dumi ng mga hayop tulad ng daga, lalo na ang leptospirosis na maaari ring makamatay kung hindi maaagapan.

Ipinapaalala ng pamunuan ng kalusugan na kung makaranas ng lagnat, pananakit ng ulo at katawan, o iba pang sintomas ilang araw matapos lumusong sa baha, agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o sa Municipal Health Office. Huwag nang hintayin na lumala pa ang pakiramdam.

Ang pagkilos ng mga barangay ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng LGU Ballesteros sa pangunguna ni Mayor Robert H. Ogalino, na panatilihing ligtas at malusog ang bawat pamilya sa kabila ng pabago-bagong panahon.

Ang pag-iwas at paglilinis ay nananatiling pinakamabisang sandata laban sa mga sakit na dala ng lamok at baha. (Mula sa information Office ng LGU Ballesteros)

02/09/2026

MISS PH EARTH OPPOSES PAX SILICA

Miss Philippines Earth 2026 Rina Andrea delos Santos expressed opposition to the proposed Pax Silica Hub, saying progress and investment should not come at the cost of environmental sustainability and public welfare.

Delos Santos also pointed to reports from communities near data centers abroad that have experienced water supply issues, noise pollution, and adverse effects on residents' mental, emotional, and physical well-being.

READ RELATED: https://inqnews.net/PaxSilica

September is World Tourism Month!
02/09/2026

September is World Tourism Month!

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛!

This September, the Provincial Government of Cagayan, through the Cagayan Tourism Office, joins the global celebration of World Tourism Month 2026, a month-long celebration of the tourism industry, its people, destinations, and experiences that make every journey meaningful.

Anchored on the theme, “Digital Agenda and Artificial Intelligence to Redesign Tourism,” this year’s celebration highlights the power of innovation, digital transformation, and Artificial Intelligence in creating new possibilities for tourism and transforming the way we discover, experience, promote, and connect with destinations.

For Cagayan, the future of tourism means taking Endless Fun to new heights by embracing technology and innovation while staying rooted in the people, culture, communities, nature, and experiences that make Cagayan truly special.

As we celebrate, let us continue to explore new possibilities, create meaningful experiences, and shape a more innovative, inclusive, and sustainable future for tourism.

𝗘𝗫𝗣𝗟𝗢𝗥𝗘 𝗠𝗢𝗥𝗘 𝗧𝗢 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗘𝗡𝗗𝗟𝗘𝗦𝗦 𝗙𝗨𝗡 𝗜𝗡 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡!

CONNECT WITH US:

Facebook: Cagayan Tourism
Instagram:
X:
Email: [email protected]
Website: www.endlessfuncagayan.com

Address

Centro East Poblacion
Ballesteros
3516

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Ballesteros posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share