01/09/2026
๐๐๐๐๐ง๐ | 2026 BNW, ipinagdiwang ng PSHS-NMC; etikal na paggamit ng AI, itinaguyod
Binigyang-diin ang papel ng wikang Filipino at Artificial Intelligence (AI) bilang kasangkapan sa pananaliksik at tulay sa pagpapalawak ng kaalaman sa pagdiriwang ng kulminasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 ng Philippine Science High SchoolโNorthern Mindanao Campus (PSHS-NMC), Agosto 24.
Alinsunod sa temang โ๐๐ช๐ฌ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ข๐ต ๐๐: ๐๐ข๐ด๐ข๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐ฌ๐ด๐ช๐ฌ ๐ข๐ต ๐๐ถ๐ญ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ช๐ด๐ช๐ฑ๐ข๐ฏ,โ itinampok sa selebrasyon ang responsableng paggamit ng AI at iba pang makabagong teknolohiya sa paghahanap, pagsusuri, at pagpapalaganap ng impormasyon.
Sa kanyang paunang mensahe, nagbigay paalala si Student Services Division (SSD) Chief Ian Cris Cadile ang mga mag-aaral na hindi lahat ng impormasyong mabilis na nakukuha sa AI ay tama, lalo na sa gitna ng paglaganap ng fake news, misinformation, manipulated images, at deep fakes.
Ayon kay Cadile, mahalagang gamitin ang teknolohiya kasabay ng mapanuring pag-iisip upang maging kapaki-pakinabang itong kasangkapan sa edukasyon, pananaliksik, agham, negosyo, at iba pang larangan.
โAng teknolohiya ay dapat gamitin upang matuto, ngunit hindi upang palitan ang ating sariling pag-iisip,โ ani Cadile.
Samantala, itinampok sa programa ang mga pagtatanghal ng mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang Baitang 10 sa pamamagitan ng ibaโt ibang anyo ng sining at pagtatanghal.
Ipinakita ng bawat baitang ang kanilang pinaghandaan na pagtatanghal, katulad ng sabayang pagbigkas, modern dance, cultural dance, at choral performance.
Sa mga patimpalak sa bawat baitang, nagkamit ng unang gantimpala ang mga seksiyong Baitang 7 - Diamond, Baitang 8 - Dahlia, Baitang 9 - Lithium, at Baitang 10 - Muon sa kani-kanilang kategorya.
Naghanda naman ang Baitang 11 at 12 ng mga booth na may ibaโt ibang tema ukol sa kultura at pambansang wika ng Pilipinas upang ipakita ang kahalagahan nito.
Nagtapos ang programa sa pangwakas na pananalita ni Bb. Pearl Joyce Gabot ay binigyang-diin na ang wika ay hindi lamang paraan ng komunikasyon kung hindi salamin din ng kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
โAng wika ay hindi lamang paraan ng komunikasyon; ito ay salamin ng ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino,โ ani Gabot.
Sa pagdiriwang, pinagsama ng buong komunidad ng PSHS-NMC ang pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino sa pagtalakay sa papel ng AI bilang makabagong kasangkapan sa pananaliksik at pagpapalawak ng kaalaman.
โ
โ: Khia Tawny Carandang
๐ท: Jazmine Requiroso, Kirshen Clyde Tutica