29/06/2025
BALITA | Project L.O.U.D idiniin ang papel ng kabataan sa kalamidad; BERT ibinida
โ[Mahalaga ang boses ng kabataan, lalo na sa panahon ng kalamidad]โ, ang pagbibigay-diin ni Sir Omar Navarro Dimarucot, Division Disaster Risk Reduction Management (DDRRM) Officer at pambungad na tagapanalita sa Project L.O.U.D na iginanap ng Hunyo 26 - 28, 2025 sa Westwood Farm Resort and Accommodations, Tarlac City.
Ang Project L.O.U.D o Learning Opportunity for Understanding Disaster Preparedness ay aktibidad na ipinasabisa ng Division Memorandum 326 s. 2025 ng Schools Division Office of Tarlac.
Dinaluhan ito ng higit 200 na opisyales ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), Youth for the Environment in Schools Organization (YES-O), Barkada Kontra Bisyo (BKB) at iba pang student-leader organizations sa iba't ibang paaralan sa Cluster IV Federation ng SDO Tarlac.
Tila circle-back moment naman ito para kay Ma'am Lani Juanne Mae Puri, speaker sa aktibidad at dating Supreme Student Council (SSC) ng Tarlac State University, aniya noo'y nakikinig lamang siya sa seminars ngunit ngayo'y tagapagsalita na.
Dagdag pa niya, ang pamumuno ng kabataan o youth leadership ay malaki ang papel sa komunidad dahil ang kabataan ay matatag, digital-native, malaki ang impluwensiya sa kapwa kabataan, at may life long civic engagement.
Sa kabilang banda, ipinresenta naman ni Sir Renz B. Razon, Teacher III ang kanyang pinapayuhang organisasyong itinatawag na Batang Empowered and Resilience Team o BERT.
Wika niya, ang BERT ay nakapokus sa pagpapalago ng kaalaman ng mga mag-aaral para maghanda, tumugon, at bumangon sa mga kalamidad.
Habang ayon naman sa Division Memorandum 193 s. 2023 na nagpasabisa ng BERT sa probinsiya ng Tarlac, ang BERT ay itinatag para palawakin ang kapasidad at katatagan ng mga mag-aaral at sinisig**ong ligtas sila sa panahon ng emergencies at sakuna.
Bilang pangwakas naman ng kanyang pagsasalita, ibinida ni Sir Razon ang kanilang mga naganap na aktibidad tulad ng trainings, drills, at workshops.
Mula naman sa panayam kay Khailee Besa, SSLG President, posible at pinag-aaralan umano ng SSLG ang pagdala ng BERT sa paaralan.
| Mga salita at poster ni Zean Casindad
Litrato mula SRNHS Supreme Secondary Learner Government