
09/08/2025
RCAC nagturo ng Pagsasanay sa Pangunang Lunas
Nagturo ang Red Cross Aklan Chapter ng pagsasanay sa pangunang lunas sa Bacan National High School Covered Court, Agosto 8, 2025.
Ito ay nilahukan ng mga mag-aaral mula sa ibaโt ibang antas na naghahangad na matuto at mapaunlad ang kanilang kaalaman sa pagbibigay ng pangunang lunas. Ito'y naglalayong bigyang kaalaman at kasanayan ang mga estudyante sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga sitwasyong pang-emerhensiya.
Tagapagsalita sina Gng. Elisa Garcia, Chapter Service Representative para sa safety services, Gng. Rea Mae Zapatos at Gng. Melrose Panganiban, mga First Aid at BLS- CPR instructors. Sila ay nagbahagi ng panayam, talakayan, demonstration/practice at pagsasanay upang masiguro na lubos na mauunawaan ng mga kalahok ang mga konsepto at pamamaraan ng pagbibigay ng pangunang lunas.
Ang programang ito ay pinangunahan ng mga opisyales ng Bacan NHS Red Cross Youth, sa pangunguna ni Gng. Joan F. Zulueta, ang kanilang koordineytor, at Gng. May A. Fernandez, koordineytor ng DRRM sa paaralan.
โ๏ธ Aleah Marie Navarra
๐ท Jove Reloj