26/07/2025
๐๐ข๐ค๐๐ข ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ญ๐ข | ๐๐ฑ๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐น
Tuwing humahampas ang bagyo sa silangan, may tahimik na bayani ang sumasalo sa lahat ng galit ng panahonโang Sierra Madre. Hindi ito humihingi ng kapalit, ni naghihintay ng pasasalamat. Tahimik nitong ginagampanan ang tungkulin bilang panangga ng bayan. Ngunit habang abala tayo sa pagtatayo ng gusali at pagpapalawak ng daan, unti-unti nating binubura mula sa mapa ang mismong kalikasan na nagbibigay proteksyon sa atin. Sa bawat punong pinuputol at bawat lupang sinisira, unti-unti ring nawawala ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Lalong sumasakit ang katotohanang may mga may kapangyarihang maaaring pumigil sa pagkawasak ng Sierra Madre, ngunit nanatiling tahimik. Sa gitna ng pagguho ng kabundukan, abala ang ilan sa mga pulong, plano, at pangakong hindi agad tinutupad. Habang ang kalikasan ay naghihingalo, ang mga pinuno ay abala sa pagtalikod.
Ngunit hindi lamang gobyerno ang dapat managot. Ang pangkalahatang kawalan ng malasakit sa hanay ng mamamayan ay nagsisilbing tahimik na pagsang-ayon. Kapag walang pakialam, walang ginagawa, at walang tinig na pumipigil, ang pananahimik ay nagiging kasabwat sa unti-unting pagkasira ng ating kalikasan.
Hindi sapat ang pag-aalala kapag huli na ang lahat. Dapat ngayon pa lang, buksan na ang mga mata sa katotohanan. Dapat ngayon pa lang, pakinggan na ang panawagan ng kalikasan. Hindi sapat ang kaalaman kung walang kasunod na pagkilos. Hindi rin sapat ang malasakit kung walang paninindigan.
Ang Sierra Madre ay hindi lamang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinasโitoโy buhay, panangga, at pag-asa. Ngunit kahit ang pinakamalalaking bundok ay may hangganan. Kapag tuluyan itong bumigay, wala nang matitirhan, wala nang masisilungan, at wala nang matatakbuhan sa panahon ng sakuna.
Sa huli, ang pagkawala ng mga puno ay hindi ang tunay na ugat ng problema. Bunga lamang ito ng mas malalim na suliraninโang tahimik na pagpapabaya ng mga may kapangyarihan at ang patuloy na kawalang-pakialam ng marami. Hanggaโt hindi binubunot ang ugat ng kasakiman at kapabayaan, patuloy tayong mawawalan, hindi lang ng kagubatan, kundi ng kinabukasan.
โ๐ป : Chrรญs Brandon Nono
๐จ : Catherene Marquez