01/08/2026
ANO RAW 'YAN BBM?
Binatikos ni Sen. Imee Marcos ang mga iniulat na accomplishments sa State of the Nation Address (SONA) ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Partikular niyang kinuwestiyon ang plano para sa isang space port o rocket launching pad sa Cagayan.
Ani Marcos, “Wala na ngang port doon sa Port Irene. Wala na ngang airport sa Lal-lo, hindi mabuksan-buksan, magkakaroon pa ng space port? Tapos 'yung Cagayan na 'yan eh halos kinain na ng buong dagat at ng ilog sa dami ng dumaan na bagyo. Lalagyan pa ng space port. Ano ba 'yung mga paglalaruan ng mga rocket, rocket ship?”