16/12/2024
๐๐๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ ๐๐๐ง๐ญ๐ก๐๐ซ๐ฌ, ๐ค๐ข๐ง๐ข๐๐ฅ๐๐ญ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐๐๐ง; ๐ค๐๐ฆ๐ฉ๐๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ค๐๐๐ค๐๐ง!
Itinanghal na kampeon ang Yellow Panthers sa katatapos na Intramurals 2024 na ginanap noong Nobyembre 5 at nagpatuloy mula Disyembre 4-7 hanggang Disyembre 11-13 sa Bangued, Abra.
Inuwi ng Yellow Panthers ang 22 ginto, 25 pilak at 12 tanso. Pumangalawa ang Green Slashers na nagtala ng 16 ginto, 12 pilak at 15 tanso. Sumunod ang Maroon Tamaraws na may 16 na ginto, 8 pilak at 13 tanso.
Ikaapat sa liderato ang Red Phoenix na may 8 ginto, 8 pilak at 6 na tanso. Sinundan ng Blue Eagles na sumungkit ng 7 ginto, 7 pilak at 11 tanso. Nakuha ng Gray Rhinos ang ikaanim na puwesto matapos lumasap ng 6 na ginto, 9 pilak at 10 tanso habang nalaglag ang White Wolves sa panghuling puwesto na may 3 ginto, 6 na pilak at 9 na tanso.
Tampok sa taong ito ang kauna-unahang Mobile Legends: Bang Bang Competition sa larangan ng e-sports. Maliban dito, bumida din ang Laro ng lahi, ang Sack Race at Tug of War.
Naantala man ng ilang beses ang Intramurals dahil sa maulang panahon, mas lalo namang naging determinado ang mga manlalaro na manalo. Walang oras na sinayang ang bawat koponan para mahasa ang kanilang mga kasanayan at gawing malakas ang kanilang mga taktika at diskarte.
Sa pagtatapos ng Intramurals 2024, ang pinakamahalagang tagumpay ay hindi nasusukat sa mga medalya bagkus makikita ito sa pagkakaisa, sportsmanship, at determinasyon ng bawat mag-aaral. Pinakita ng torneo na ang tunay na halaga ng kompetisyon ay nasa pagtutulungan, disiplina, at pagsusumikap, at iyon ang nagpapalakas sa Abra High School bilang Tahanan ng mga Kampeon.
Salita ni: Daniela Manangbao
Dibuho at Paglalapat ni: Wendel Sagun