18/11/2025
Makalipas ang limang taong pagala gala sa lansangan, sa wakas! makakauwi na si Tatay Jerry sa Butuan City sa tulong ng vlogger.
Marami ang naantig at naawa sa kwento ni tatay Jerry Mendoza dahil mahigit 5 years na syang namalaboy sa Luzon dahil sa umano'y nabiktima raw sya ng pangakong magkaka trabaho ngunit wala pala at pinabayaan na lamang sya, nagsusumikap sya at nangangalakal upang makaipon ng pamasahe pauwi sa kanila ngunit kahit anong kayod nya ay hindi ito sapat, kaya naman akala nya ay dito na sya sa lansangan LULUBUGAN NG ARAW at hindi na makakauwi sa kanila, ngunit sa tulong ng vlogger na si Sariwakwak TV ay natulungan sya nang makita sya sa kalsada, dahil dito dumagsa ang blessings para kay tatay Jerry matapos mag viral ang nakakalungkot na kwento na kanyang pinagdaanan, kaya naman makakauwi na sya sa Butuan at makakapiling na nya ang kanyang asawa't anak, ito na raw ang pinaka masayang Christmas Gift na kanyang natanggap sa buhay nya, kaya naman nagpapasalamat sya sa lahat ng tumulong lalo na sa isang vlogger.
Isa itong patunay na habang may buhay may pag-asa, basta't wag lang tayo susuko sa hamon ng buhay, palaging magdasal at manalig sa Panginoon, siguradong hindi nya tayo pababayaan at ipagkalaloob nya sa atin ang matagal na nating pinapangarap.
Β© Sariwakwak TV