08/11/2025
๐๐๐๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก: ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก ๐๐ข๐ก๐ง๐ฅ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ฃ๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก, ๐๐ก๐๐๐๐ฌ๐๐
โTalaga bang ulan ang problema? O binabaha na tayo ng korapsyon?โ Ito ang nakapupukaw na tanong na ibinato ni Gabriel Calaingan ng Kabataan Partylist (KPL) mula sa Mapua University, sa mga nakilahok sa Lakbayan ng Mamamayan Kontra Korapsyon kahapon, ika-7 ng Nobyembre, 2025, sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Bilang konteksto, ang Lakbayan ng Mamamayan Kontra Korapsyon na pinangunahan ng United People Against Corruption (UPAC), kasama ang ibaโt ibang sektor ng lipunan mula sa National Capital Region (NCR) ay isang malawakang kilos-protesta na naglalayong panagutin ang mga opisyal na sangkot sa katiwalian at bigyang hustisya ang mga krisis na kinakaharap ng mga komunidad. Kabilang dito ang pagbaha, proyektong reklamasyon, at militarisasyon sa ibaโt-ibang lugar, partikular sa paaralan. Mariin din nilang tinuligsa ang maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na resulta hinggil sa paggamit ng pondo at sa isinasagawang imbestigasyon.
Bilang pakikiisa, nagtipon ang mga mag-aaral mula sa ibaโt ibang pamantasan sa University Belt (U-Belt) sa kalsada ng Morayta upang magsagawa ng panawagan at sama-samang magmartsa patungong Recto Avenue upang makipagsanib puwersa sa mga progresibong organisasyon mula sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela) at mga estudyante mula sa South Manila.
Naglakbay patungong Liwasang Bonifacio ang pinagsanib puwersang grupo upang idaos ang pangunahing programa at pagkilos. Dito, ibinahagi ng mga kinatawan mula sa sektor ng kabataan, g**o, simbahan, manggagawa, at mga biktima ng flood control projects ang kanilang mga karanasan sa bumabahang katiwalian, harap-harapang nakawan, kawalang pananagutan ng mga nasa kapangyarihan, at kanilang paninindigan sa laban kontra korapsyon.
โHabang tumatagas ang mga bubong ng aming classroom, tumatagas din ang kaban ng bayan,โ pahayag ni Lena Ramos, isang g**o mula sa Bagbag Elementary School sa Novaliches, isa lamang sa libo-libong paaralan na naaapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha kung saan ang edukasyon ang pinaka apektado.
Bukod pa rito, binigyang-diin din ng mga sektor ang patuloy na pagkalunod ng mamamayan sa kasakiman ng mga taong nakaupo sa pwesto, kasama ang umanoโy alokasyon ng milyon-milyong pondo sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang pork barrel. Kanila ring tinuligsa ang 414 na flood control projects sa Cebu na nagdulot ng malawakan at mapaminsalang pagbaha nang tumama ang Bagyong Tino sa Visayas noong Martes, Nobyembre 4, 2025, na kumitil sa buhay ng humigit kumulang 204 katao at sumira sa kanilang mga kabuhayan.
Naghandog din ng ibaโt ibang kultural na pagtatanghal ang mga artista ng bayan, gaya ng pagtula, pagsasadula, at pag-awit upang iparating ang kanilang mga hinaing. Ilan sa mga tema ng pagtatanghal ay kung paano kinakamkam ng may makapangyarihan ang lupa ng mamamayan para sa kanilang imprastraktura at paano ito nakaapekto sa lipunan, partikular na sa pagbaha at red-tagging sa mga tumututol.
โSaksi sila sa kung paano pinapahirapan ang mahirap at pinapayaman ang mayaman,โ ayon sa isa sa mga linyang binitawan sa dulaan upang ilarawan ang tunay na kalagayan ng lipunan. Kasunod nito, nagsalita ang ilan pang kinatawan ng UPAC at Kilometro Zero.
Bilang huling bahagi ng programa, naglakbay muli ang mga pangkat pabalik sa Mendiola, simbolikong lugar ng protesta laban sa maling pamamahala, habang bitbit ang kanilang mga hinaing. Sa kabila ng malakas na presensya ng kapulisan sa Mendiola Peace Arch, hindi nagpatinag ang mga grupo. Humarap sila sa kalsada upang isigaw ang kanilang mga panawagan at maipaabot ito sa Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr. at sa ibang mamamayan.
Sa pagtatapos ng lakbayan, iwinagayway ng ibaโt ibang organisasyon ang kani-kanilang mga watawat habang umaawit. Ito ay tanda ng determinasyon at pagkakaisa upang ipagpatuloy ang pakikibaka laban sa korapsyon at katiwalian.
Para sa mga nakiisa, ang laban ay hindi natatapos sa lansangan. Hindi na lamang tungkol sa mga isyung kinahaharap ng bayan ang kanilang ipinaglalaban, kundi kung kailan maririnig ang tinig ng mamamayan at kung kailan magsisimula ang tunay at inaasam-asam na pagbabago sa lipunan.
๐๐๐จ๐๐ข๐ก๐ ๐ก๐ โ๐ฌ๐๐ก, ๐ ๐๐ ๐๐จ๐ฅ๐๐๐ข๐ง!
๐ก๐๐๐ฌ๐ข๐ก ๐ก๐, ๐ก๐๐๐ฌ๐ข๐ก ๐ก๐, ๐๐๐๐จ๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐ง๐๐ ๐!
(Istorya: Janna Federio, Jash Baylon Tagubase)
(Mga Larawan: Philip Andrei Cunanan, Reah Flaviano, Shyra Lovedorial)