16/09/2021
Masayang Magbasa: A Guide for Parents to reading at home with young learners in Filipino
[Episode Summary: TEACHING BEGINNING READING]
WIKANG BINIBIGKAS AT TALASALITAAN
Mga maaaring gawin kasama ang bata upang malinang ang wikang pasalita:
* Pakikipagkuwentuhan tungkol sa bagay na mahalaga sa kanila
* Pagkanta ng awiting pambata
* Pagsabi tungkol sa mga karanasan niyo noong bata pa kayo
* Pagkukuwento ng aklat pambata at pagtatanong tungkol dito
* Paglalaro ng kunya-kunyari
* Pagtatanong tungkol sa nakikita niya sa isang larawan
* Pagpapaguhit sa kanya ng mga pangyayari sa isang kuwento at pagpapasalaysay dito
Puwede ring mag pakita ng mga larawan sa mga bata at tanungin sila ng mga sumusunod upang ma-ensayo ang kanilang pananalita:
* Anong nakikita niyo sa larawang ito?
* Bigyan nga natin ng pangalan ang tauhan sa kuwento.
* Ano ang kanyang ginagawa sa larawang ito?
* Ano kaya ang kanyang naramdaman?
* Ano sa palagay mo ang gagawin nila?
KAKAYAHANG KUMILALA NG MGA SALITA, TUNOG, PANTIG AT TUGMA
Habang tinutulungan natin ang mga anak natin na malinang ang wikang pasalita, dapat matutunan din nila ang phonological awareness o kamalayang ponolohiya. Ang phonological awareness o kamalayang ponolohiya ay ang kakayahang kumilala ng mga sumusunod
* Salita
* Pantig
* Tugma
* Tunog
PAGBILANG NG MGA SALITA
Simulan sa pagbilang sa mga salita sa isang pangungusap.
* Turuan ang mga bata makilala ang bawat salita sa pangungusap.
* Pagbilang sa mga pantig ng salita
* Turuan ang bata bumilang ng pantig sa bawat salita.
* Pansinin ang pagbuka ng bibig ko kapag binibigkas ko ang salita. Bawat pagbuka ay isang pantig.
MGA SALITANG MAY TUGMA
Turuan ang mga bata makakilala ng mga salitang nagtutugma. Halimbawa:
* Keso , baso (Parehong natatapos sa SO)
* Hindi Magkatugma: Keso, Kalat
PAGBILANG SA MGA TUNOG SA ISANG SALITA.
Turuan ang mga bata magbilang ng tunog sa salita.
Halimbawa: MESA (Bilangin ang bawat tunog ng letra. M-E-S-A)
MGA SALITANG PAREHAS ANG UNANG TUNOG
Turuan ang mga bata makilala ang mga salitang pareho ang tunog.
Halimbawa: Laso at lobo (Pareho silang nagsisimula sa L)
KAALAMAN SA MGA TITIK NG ALPABETO
Ito yung kaalaman tungkol sa mga titik ng alpabeto. Halimbawa ang titik: M
* Ipakita sa bata ang itsura ng titik M sa papamigitan ng pagsulat nito sa isang papel
* Habang sinusulat, bigkasin ang tunog ng titik M
* Mag tanong sa bata ng halibawa ng salita na nagsisimula sa titik M
* Ito ang rekomendasyon sa pagkakasunod-sunod ng pagturo ng mga titik sa mga bata. Sa unang apat na titik pa lamang, makakapagbasa na ng pangungusap ang inyong mga anak:
β m, s, a, i, o, b, e, u, t, k, l, y, n, g, ng, p, r, d, h, w, c, f, j, Γ±, q, v, x, z
PHONICS AND DECODING
Kapag naturo niyo na ang unang tatlong letra (M S A) ay pwede nang simulan ang pagturo ng pagbasa.
* Ipagsama ang tunog ng mga letra tulad ng M at A (Bigkasin ang MA)
* Pumili pa ng ibang letrang puwedeing ipagsama ang tunog tuland ng S at A (Bigkasin and SA)
* Ipakita sa bata ang salitang nabubuo kung ipagsasama-sama ang mga ito tulad ng SAMA (bigkasin ang salitang SAMA)
* Puwede din ito gawin sa ibang salita tulad ng MAMA.
* Pagkatapos nito maaari nang bumuo ng pangungusap. Halimbawa: Sasama si Mama sa Misa.
(Credit to the owner:BAYANIHAN e-SKWELA - DEPED TV)