SJES GRADE 3-Sunkist Pagbasa

SJES GRADE 3-Sunkist Pagbasa GRADE 3 READING COMPREHENSION
WRITING
EDUCATIONAL PURPOSES

16/09/2021

Short film:
highlighting why reading to children is so important

(Credit to the owner:Wisbech Reads)

16/09/2021

Masayang Magbasa: A Guide for Parents to reading at home with young learners in Filipino

( Credit to the owner:ABCplus Learning Connects)

16/09/2021

PAGBASA NG MGA PANGUNGUSAP

(Credit to the owner:Teacher Mama TV)

16/09/2021

READING COMPREHENSION for CHILDREN ----Exercise 2----
Read Kids!
😊 Let your child sit, watch, learn and enjoy this reading tutorial videos with some activities inside.
( Credit to the owner: Read Kids)

16/09/2021

READING COMPREHENSION for CHILDREN ----Exercise 1----

Read Kids!
😊 Let your child sit, watch, learn and enjoy this reading tutorial videos with some activities inside.

( Credit to the owner: Read Kids)

16/09/2021

CVC WORDS || LETTER A Aa || READING CVC WORDS ENGLISH || BLENDING SOUNDS

(Credit to the owner:
Teacher John Michael Serrano)

16/09/2021

ANG / NG -MAGBASA TAYO Unang Hakbang sa Pagbasa

( Credit to the owner: Teacher Pher)

16/09/2021

Unang Hakbang sa Pagbasa _ Tunog at Pagpapantig

Pagpapantig ng mga Salita. Ang pagpapantig ay paraan ng paghati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na ipinambuo dito. Nakabatay ito sa grapema o nakasulat na mga simbolo. Halimbawa, /uΒ·be/ (ube), /baΒ·hay/ (bahay).

( Credit to the owner: Teacher Dane)

16/09/2021

Epektibong Pagkukuwento

Ang pagkukuwento ay nakakatulong sa language development ng bata. Nabibigyan sila ng isang β€œsafe space” kung saan malaya nilang naibabahagi ang kanilang mga saloobin at tanong ukol sa kuwento dahil walang estriktong tama o maling sagot na inaasahan mula sa kanila. Lumalawak din ang bokabularyo ng bata dahil sa mga tunog, salita, at pangungusap o istruktura ng wika na nakapaloob sa kanilang napakinggang kuwento.

Napapalawig nito ang pag-iisip ng bata lalo na’t may kaakibat na epektibong estratehiya sa pagtatanong ang kuwentuhan.

[Tatlong Paraan o Estilo ng Pagkukuwento]

READ ALOUD: paggamit ng isang aklat na binabasa o isinasaboses ng nagkukuwento

* Bago magkuwento
β€” Pumili ng aklat na ayon sa edad at developmental stage ng bata. Kumunsulta sa co-teacher, guidance counselor, o development pediatrician. Maaari ring tingnan kung may nakatatak na edad o baitang/antas sa babasahin.
β€” Tingnan ang mga mahahalagang salitang dapat maunawaan ng bata bago sila makinig sa kuwento.
β€” Mag-isip ng tanong o gawain gaya ng awit o laro na may koneksiyon sa kuwento, o tanong na ang sagot ay nakapaloob sa kuwento.
β€” Siguraduhing komportable ang posisyon ng mga bata. Ipaalala sa kanila na ginagamit ang tainga, mata’t, isipan sa pakikinig.

* Habang nagkukuwento
β€” Basahin nang maayos ang teksto. Huwang mag-imbento o mag-adlib.
β€” Gumamit ng awit o chanting ng mga salitang paulit-ulit na lumalabas sa kuwento.
β€” Maaari ring magtanong ang nagbabasa at sasagot naman ang nakikinig (call-and-response technique).
β€” I-akma ang pagtatanong tungkol sa sinabi ng isang tauhan, sa pangyayari na kagulat-gulat, nakakalungkot at nakakatawa.
β€” Hulaan ang pwedeng mangyari sa mga tauhan at tanungin ang mga bata tungkol din. Maaari rin silang hingan ng reaksiyon.
β€” Pansinin ang mga detalye sa wika, illustration o drawing at tanungin ang mga bata ukol sa kaugnayan nito sa kabuuan ng kuwento.
β€” Gamitin ang mata, ilong, at bibig upang maipalabas ang damdamin at mensahe ng kuwento, pati na ang nararamdaman ng mga tauhan.
β€” Ibagay ang tono ng boses ayon sa damdaming nakasaad o hinihingi ng kuwento.
β€” Igalaw ang katawan ayon sa hinihingi ng kuwento.
β€” Huminga nang tama at putulin ang pagsasalaysay sa tamang bahagi ng kuwento.

* Pagkatapos magkuwento
β€” Alamin kung naengganyo at naintindihan ng bata ang kuwento. Tanungin sila ukol sa pangunahing tauhan at mga nangyari sa kuwento. Iugnay ang mga nangyari sa kuwento sa tunay na buhay.
β€” Maaari ring ipaguhit sa bata ang paborito nilang tauhan o pangyayari, o ipasulat ang kanilang reaksiyon sa kuwento kung kaya na nilang magsulat at magbasa.
β€” Gumawa ng puppet, maskara, greeting card, o dekorasyon sa bahay batay sa kuwentong binasa gamit ang mga pang-araw-araw na bagay, materyales, kasangkapan, o gamit sa bahay.

DRAW AND TELL: paggamit ng papel at panulat sa pagkukuwento

* Bago magkuwento
β€” Siguraduhing may sapat na papel, lapis, o krayola bago simulan ang kuwento.
β€” Kabisaduhin ang kuwentong napili.
β€” Mag-ensayo. Maaaring may isang tagasalaysay at isang tagaguhit.

* Habang nagkukuwento
β€” Sundin ang mga panuntunan sa Read Aloud na akma sa Draw and Tell gaya ng eksaktong pagsasalaysay ng kuwento; paggamit ng boses sa paghahayag ng tiyempo; at paggamit ng tanong sa mga nakikinig na bata.
β€” Iakma ang pagguhit sa tamang pagbanggit ng tauhan at daloy ng kuwento.
β€” Siguruhing ang pagguhit ay sumasabay sa pagtakbo ng kuwento nang sa ganun ang huling guhit ay siyang bubuo sa biswal na pagsasalaysay ng kuwento.

* Pagkatapos magkuwento
β€” Maaaring gawin ang mga mungkahing nakasaad sa Read Aloud.
β€” Dagdagan ng mga gawain o activities para sa mga bata gaya ng pagguhit sa sariling istilo ng naalalang tauhan o pangyayari sa kuwento.
β€” Tanungin ang bata kung paano naging iba ang karanasan nila sa pagkatuto gamit ang estilong ito.
β€” Gawing isang group activity ang susunod na pagkukuwento gamit ang Draw and Tell.

PAPER-TEARING/PAPER-FOLDING: paggamit ng papel na ginugupit o tinutupi

* Bago magkuwento
β€” Sundin ang mga panuntunan sa Read Aloud na akma sa istilong ito.
β€” Ihanda ang papel at gunting na gagamitin.
β€” Kabisaduhin ang kuwentong gagamitin.

* Habang nagkukuwento
β€” Sundin ang mga panuntunan sa Read Aloud o Draw and Tell na akma sa Paper Tearing o Paper Folding gaya ng eksaktong pagsasalaysay ng kuwento; paggamit ng boses sa paghahayag ng emosyon; at paggamit ng pagtatanong sa mga nakikinig na bata.
β€” Piliin ang mga bahagi ng kuwento na gagawan ng pagpunit o pagtupi. Ang kanilang pagkakasunud-sunod ay mahalaga para ipakitang gumugulong o umuusad ang kuwento.
β€” Mag-iwan ng magandang twist o ending.

* Pagkatapos magkuwento
β€” Ipasalaysay sa bata ang kuwento sa pamamagitan ng mga nagupit o natuping papel.
β€” Itanong sa mga bata kung alin ang paborito nilang tauhan, bagay, o pangyayari sa kuwento.
β€” Ipasubok sa mga bata kung paano gawin ang paper tearing/paper folding, at alamin kung paano naging iba ang karanasan nila sa pagkatuto.

(Credit to the owner: BAYANIHAN e-SKWELA- Deped tv)

Address

Baras

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SJES GRADE 3-Sunkist Pagbasa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share