09/05/2026
๐๐ก ๐ง๐๐ ๐ก๐๐ช๐ฆ | ILANG KONGRESISTA, NAGPAHAYAG NG PAGTUTOL SA IMPEACHMENT NI VP SARA
Nagpahayag ng pagtutol ang ilang kongresista kaugnay sa usapin ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, iginiit na hindi umano ito napapanahong isyu sa gitna ng mga kinahaharap na problema ng bansa.
Ayon kay Caloocan 2nd District Representative Egay Erice, hindi umano para sa kapakanan ng mamamayan ang isinusulong na impeachment kundi para lamang sa interes ng ilang pulitiko.
โImagine, pinagtiyagaan ang kalokohan ni Madriaga? Madriaga is a hoax! This is about bias. This is not for the Filipino people. This is about the survival of politicians on both sides. I refuse to be part of this,โ wika ni Erice.
Samantala, sinabi naman ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste na personal siyang tutol sa impeachment dahil hindi umano ito magandang paggamit ng oras ng Kamara habang nahaharap ang bansa sa ibaโt ibang krisis.
โIn terms of my personal vote, obviously I'm against. Hindi mabuting use ng oras ng Kamara bagay na ito lalo na nasa gitna tayo ng krisis,โ saad ni Leviste.
Para naman kay Bagong Henerasyon Representative Robert Nazal, wala umano siyang nakikitang sapat na batayan upang i-impeach ang Bise Presidente.
โWala po akong nakikitang grounds para i-impeach ang vice president na binoto ng 32 million na Pilipino,โ pahayag ni Nazal.
Patuloy namang mainit na pinag-uusapan sa political circles ang posibilidad ng impeachment complaint laban kay VP Sara.