17/10/2025
๐๐๐๐ง๐จ๐ฅ๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐ฌ | ๐๐ป๐ฎ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ถ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป
๐๐บ ๐๐ข๐ฏ๐ช๐ฆ๐ญ ๐๐ฐ๐ด๐ฉ๐ถ๐ข ๐. ๐๐ช๐จ๐ถ๐ฆ๐ญ
๐ ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ.
Sa pagkagat ng liwanag, tinutupi nani Kiko ang kanyang asul na banigโโakala ko pa naman, sa ๐ฎ๐ข๐ต๐ต๐ณ๐ฆ๐ด๐ด na'ko matutulog pagkatapos kong magtapos, mauuna pa yata akong matapos,โ pabirong wika ng binatilyo habang inililigpit ang materyal. Si Kiko, isang ๐ฏ๐ถ๐ณ๐ด๐ช๐ฏ๐จ ๐จ๐ณ๐ข๐ฅ๐ธ๐ฆ๐บ๐ต mula sa Ilocos Norte, ay hindi ipinanganak na may kutsarang pilak sa bibigโtiyaga, tiyaga, at walang hanggang tiyaga ang ginagamit niyang sandata sa pakikipagsapalaran dahil sa kawalan ng salapi. Siya ang unang nagtapos sa kanilang pamilyaโisang panalo na matagal na nilang inaasam-asam. Matalino si Kiko, masipag, ngunit wala siyang koneksyon o โ๐ฃ๐ข๐ค๐ฌ๐ฆ๐ณโ, wala siyang padrino. Sa halip na magdiwang ng kanyang tagumpay, agad siyang itinulak ng nagmamadaling reyalidad at hinahabol gamit ang patalim na "kailangan mo na'ng kumita ng pera,โ dahil ang kanyang amaโy may ๐ฅ๐ช๐ข๐ฃ๐ฆ๐ต๐ฆ๐ด, nangangailangan ng ๐ฎ๐ข๐ช๐ฏ๐ต๐ฆ๐ฏ๐ข๐ฏ๐ค๐ฆ na gamot buwan-buwan, at ang dalawa niyang nakababatang kapatid ay parehong nasa high school, idagdag mo narin ang usurera'ng literal na hinahabol sila ng patalim dahil sa patong-patong na utang na ginamit upang makapagtapos.
Habang hawak niya ang bagong diploma, ramdam niya na ang laban ay hindi pa tapos, bagkus nagsisimula.
Parang tinapay ang bawat bagong gradweyt. Pinaghirapan, minasa, inihurno sa loob ng mga paaralan at pamantasanโmainit-init pa, sabik nang ipamahagi sa hapag ng lipunan. Sa Ilocos Norte, taun-taon ay libu-libong kabataan ang lumalabas mula sa mga unibersidad, dala ang bagong tapos na diploma at amoy ng pag-asa, wari bang bagong lutong pandesal na kay sarap namnamin. Ngunit gaya ng tinapay, hindi lahat ay nabibili. Hindi dahil sa lasa o anyo, kundi dahil may sariling pamantayan ang merkado. Si Kiko, na umaasang agad makapagtrabaho sa isang ospital, ay paulit-ulit na tinatanggihanโkesyo kulang daw sa karanasan, kesyo puno na rawang mga plantilla, kesyo ganito, kesyo ganyan, kesyo, kesyo, kesyo na langpalagi. Ngunit sa likod ng mga saradong pintuan, may ibang nakalulusot: mga aplikanteng may padrino o kayaโy anak ng opisyal. Ang diploma ni Kiko, na sanaโy puhunan, ay nagiging palamuti lamang sa kanilang munting barong-barong na tahanan.
Ngunit hindi lamang nakakulong sa apat na sulok ng ospital ang kaso ni Kiko. Maraming g**o ang hindi natatanggap sa pampublikong paaralan dahil sa mas mataas na ranggo ng ibang aplikanteโkahit may mga kuwestiyon sa kung paano nakuha ang puntos. Mga engineer at IT na gradweyt na napipilitang maging sales agent. At ang pinakamasaklap, may mga kabataang natutulak sa trabaho na hindi ligtas o wala man lang maayos na benepisyo. Ang problema ay hindi lamang kakulangan ng trabaho kundi ang sistemang pinapaboran ang may kapit at ang mga bulsa ng iilang makapangyarihan.
Dito pumapasok ang mas malaking sugat: ang katiwalian. Kapag ang pondo para sa pasilidad ng ospital ay nauuwi sa bulsa ng iilang opisyal, paano magkakaroon ng sapat na posisyon para sa mga nars? Kapag ang pondo para sa paaralan ay ninanakaw, paano magkakaroon ng bagong silid-aralan at g**o? Kapag ang proyektong pang-imprastruktura ay kinurakot, paano magkakaroon ng trabaho ang mga inhinyero? Ang tinapay na para sana sa masa ay unti-unting ninanakaw bago pa man umabot sa merkado. Hindi na nga umaagos ang ating mga imburnal dahil sa bulok na proyekto, hindi rin pala nakakaagos ang mga kabataan sa salitang "tambay". ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ง๐จ๐๐๐ ๐ฎ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ฃ๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก.
Hindi kulang sa sipag ang mga kabataan. Sa loob ng apat o limang taon, minasa sila ng sistema ng edukasyon: binugbog ng pagsusulit, inihurno ng ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ด๐ช๐ด, pinulbos ng ๐๐๐. Ngunit paglabas nila, ang naghihintay ay hindi patas na merkado kundi mesa ng negosasyonโkung sino ang may kakilalang politiko o may pang-areglo. Ang tinapay na ito, gaano man kabango, gaano man kainit, at gaano man kasabik maisawsaw sa kape ng hulmahan, ay hindi pinapansin kung walang koneksyon.
May ilan namang nagsusumikap lumikha ng sariling panaderyaโ๐ฐ๐ฏ๐ญ๐ช๐ฏ๐ฆ ๐ด๐ฆ๐ญ๐ญ๐ฆ๐ณ, ๐ง๐ณ๐ฆ๐ฆ๐ญ๐ข๐ฏ๐ค๐ฆ๐ณ, o mga sumusugal sa sistema at nagtatayo ng maliliit na negosyo. Sila ang mga tinapay na kahit hindi tinanggap sa malalaking panaderya ng lipunan, ay natutong humanap ng sariling mamimili. Ngunit hindi lahat ay may kapital o pagkakataon; marami pa rin ang napipilitang umasa sa sistemang matagal nang umiikot sa pabor at pakilala.
Sa huli, mamanalagi ang masakit na tanong: gaano pa katagal mananatiling dekorasyon ang mga bagong luto nating tinapay? Kailan kaya sila tunay na matitikman ng lipunang nangangailangan ng sariwang sigla at ideya? Mangyayari kaya ang pagbabago bago sila maamag?
Dahil kung patuloy na mamimili lamang batay sa koneksyon, at kung patuloy na kukurakutin ang puhunan para sa kinabukasan, hindi kailanman malalasap ng bayan ang tunay na lasa ng mga tinapay na itoโang lasa ng pag-asa ng kabataang Ilokano, na minasa para sa masa, ngunit nananatiling hindi maka-masa. Ang mga tinapay na sapilitang kinukubli sa mga salitang "๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐ธ๐ฎ ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ป (๐๐ฒ ๐๐ถ๐น๐น ๐ฐ๐ฎ๐น๐น ๐๐ผ๐)," ay unti-unti na'ng nililisan ang bansang kinalakihan. Ang mga tinapay ay lumuluwas na sa ibang bansaโdahil ang mga tinapay na kahel dito, ginto doon.
๐ผ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐๐ฃ, ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ช๐ฃ๐ฎ๐ ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐-๐๐๐๐๐ฌ๐๐ฃ ๐๐ค๐ค๐ฃ, ๐๐ฎ ๐ช๐ฃ๐ฉ๐-๐ช๐ฃ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐๐๐ข๐๐ ๐๐๐ฉ๐ค.
๐๐ป๐ฎ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ง๐ถ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ถ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป.
______________________________________
๐๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ ๐ฃ๐บ ๐๐ฆ๐ฏ๐ป ๐๐ฆ๐ฅ๐ณ๐ช๐ค๐ฌ ๐๐ถ๐ฆ๐ซ๐ข
๐๐ถ๐ฃ๐ฎ๐ข๐ต ๐ฃ๐บ ๐๐ฅ๐ณ๐ฉ๐ฆ๐ข๐ฏ ๐๐ฐ๐ด๐ฉ ๐๐ข๐ญ๐ถ๐ฎ๐ข๐บ