Balisong Channel

Balisong Channel BALISONG Channel started as a group of radio DJs, Technicians, Marketers, and Event Specialists who believe in the spirit of entertainment.

Welcome to BalisongChannel.com, the first online broadcasting platform in Batangas, providing news stories, trends, videos, and multimedia for Filipinos worldwide. First gathered in 2004, organized, conceptualized, promote, and activated. After a decade, they united together as one and formed the BALISONG YOUR HOME RADIO - Now Balisong Channel. BALISONG CHANNEL is an entertainment and marketing bu

siness composed of people mainly in the same line of expertise. From designs to prints, to unique ideas, to outsourcing, marketing, selling, promoting, and gathering people. BALISONG CHANNEL caters to all event services, public and private. BALISONG CHANNEL project begins with a strategy - an expectation of the experience that the live audience or consumer will encounter, with a goal of how it will transform them. We believe in our creative insight and ability to deliver in partnership with our clients, creative ideas and content that speaks and connects with their target audience. We firmly believe in contributing meaningfully to our clients through business partnership and delivery of real economic and brand value.

Panalangin para sa bagong umaga, Amen. 🙏
11/08/2025

Panalangin para sa bagong umaga, Amen. 🙏

Posibleng hindi na palalawigin ang 60-day suspension ng rice imports, ayon kay Finance Secretary Ralph Recto.Sinabi niya...
11/08/2025

Posibleng hindi na palalawigin ang 60-day suspension ng rice imports, ayon kay Finance Secretary Ralph Recto.

Sinabi niya, ang suspension ay ginawa lang dahil harvest season ngayong taon.

NASA COMMENT ANG IBA PANG BALITA.

WEATHER UPDATE | Bahagyang bumagal ang Severe Tropical Storm Gorio habang patuloy na kumikilos patungong kanlurang timog...
11/08/2025

WEATHER UPDATE | Bahagyang bumagal ang Severe Tropical Storm Gorio habang patuloy na kumikilos patungong kanlurang timog-kanlurang direksyon sa bilis na 20 km/h, ayon sa weather forecast ng PAGASA ngayong Lunes, August 11.

Huling namataan ang bagyong Gorio sa layong 1,060 km silangan ng Extreme Northern Luzon.

Wala pang wind signals na itinataas, ngunit posibleng magtaas ng Signal No. 1 sa Extreme Northern Luzon kung magbago ang direksyon ng bagyo.

Inaasahan na magpapatuloy si Gorio patungong kanlurang direksyon at maaaring makarating sa Taiwan sa August 13.

Posible pa itong lumakas at maging Typhoon bago humina. | BChannel NEWS

ICYMI | Nagwagi si Joy Barcoma mula Bacoor City, Cavite bilang Miss Philippines Earth 2025 sa ginanap na coronation nigh...
11/08/2025

ICYMI | Nagwagi si Joy Barcoma mula Bacoor City, Cavite bilang Miss Philippines Earth 2025 sa ginanap na coronation night nitong August 10 sa Parañaque City.

Ibinigay ang korona sa kanya ni Irha Mel Alfeche ng Davao del Sur, ang nagdaang Miss Philippines Earth, na nagtapos sa top 12 sa Miss Earth 2024. Tinalo ni Barcoma ang 35 ibang kandidata para makuha ang titulo.

Kasama ni Barcoma sa elemental court sina Maria Flordeliz Mabao ng Antipolo (Miss Philippines Air), Angel Rose Tambal ng La Paz, Leyte (Miss Philippines Water), at Jaymie Strickland ng Filipino community sa Tallahassee, Florida (Miss Philippines Fire). Si Kriezl Jane Torres ng Talakag, Bukidnon naman ang itinanghal na Miss Philippines Eco-Tourism.

Si Barcoma ang magrerepresenta sa Pilipinas sa Miss Earth 2025, na wala pang tiyak na petsa at lugar. | BChannel NEWS | 📸 Miss Philippines Earth

'2 BARKO NG CHINA, NAGBANGGAAN SA DAGAT MATAPOS PAGTULUNGAN ANG BARKO NG PINAS'Wasak ang isang barko ng China Coast Guar...
11/08/2025

'2 BARKO NG CHINA, NAGBANGGAAN SA DAGAT MATAPOS PAGTULUNGAN ANG BARKO NG PINAS'

Wasak ang isang barko ng China Coast Guard (CCG) matapos nitong mabangga ang kapwa nila barko na Chinese PLA Navy malapit sa Scarborough Shoal.

Ayon kay PCG-WPS spokesperson Commo. Jay Tarriela, nagtulungan ang dalawang barko ng China para pagtulungan ang BRP Suluan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay Tarriela, nagtamo ng malubhang pinsala ang CCG vessel sa forecastle, kaya't hindi na ito magamit sa dagat. | BChannel NEWS | 📸 PCG/PTV

'BRAND NEW DAY'CELEBRITY | Nagbahagi ng behind-the-scenes video ang aktor na si Tom Holland para sa Spider-Man na "Brand...
11/08/2025

'BRAND NEW DAY'

CELEBRITY | Nagbahagi ng behind-the-scenes video ang aktor na si Tom Holland para sa Spider-Man na "Brand New Day."

Ayon kay Tom, “It's funny putting this suit on, it feels different this time.” | BChannel NEWS | 📸 Tom Holland/ IG

Pumalo sa 2.7 milyon ang bilang ng mga nagparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, higit pa sa tar...
11/08/2025

Pumalo sa 2.7 milyon ang bilang ng mga nagparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, higit pa sa target na 1.5 milyon ng Comelec.

Sa 10 araw na registration mula Agosto 1-10, naitala ang 2,727,643 bagong botante.

Pinakamataas ang rehistrasyon sa Calabarzon na may 324,017, sinundan ng Negros Island (234,032) at Central Luzon (220,650). | BChannel NEWS

11/08/2025

PALDONG-PALDO SA KONTRATA?

Nagbigay ng disturbing assessment si Pres. Bongbong Marcos matapos madiskubre na 15 contractors lamang ang nakakuha ng 20% ng kabuuang P545 bilyong budget para sa flood control projects mula July 2022 hanggang May 2025.

Sa isang pahayag, isinapubliko ng Pangulo ang pangalan ng mga contractors, kabilang ang Legacy Construction Corporation, Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp., St. Timothy Construction Corp. (STCC), EGB Construction Corp., at Road Edge Trading & Development Services.

Ayon kay Marcos, lima sa mga contractors na ito ay paulit-ulit na humawak ng mga proyekto sa iba't ibang bahagi ng bansa. | BChannnel NEWS

Inanunsyo ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang Instagram na magtutuloy-tuloy ang kanyang gamutan at sasail...
11/08/2025

Inanunsyo ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang Instagram na magtutuloy-tuloy ang kanyang gamutan at sasailalim siya sa anim na buwang preventive isolation matapos lumala ang kanyang autoimmune diseases.

Nagpasalamat din siya sa mga doktor, nurse, at mga tagasuporta, at humiling ng patuloy na dasal para sa kanyang laban sa kalusugan. | BChannel NEWS

NASA COMMENT ANG IBA PANG BALITA.

STAY SAFE, EVERYONE! 🙏THUNDERSTORM ADVISORY | Naglabas ng abiso ang PAGASA ukol sa mararanasang mga katamtaman hanggang ...
11/08/2025

STAY SAFE, EVERYONE! 🙏

THUNDERSTORM ADVISORY | Naglabas ng abiso ang PAGASA ukol sa mararanasang mga katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan, pagkulog, at malalakas na hangin sa mga sumusunod na lugar sa loob ng susunod na dalawang oras: Batangas, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Rizal, Laguna, at Cavite.

Sa kasalukuyan, nararanasan na ang mga kondisyon na ito sa Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Quezon (Mulanay, San Narciso, Burdeos, Panukulan) at sa Metro Manila (Taguig, Paranaque).

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at maghanda laban sa mga panganib tulad ng flash floods at landslides. | BChannel NEWS

Pa+ay ang isang jeepney driver matapos paulanan ng bala sa Barangay Villa Esperanza, Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite...
11/08/2025

Pa+ay ang isang jeepney driver matapos paulanan ng bala sa Barangay Villa Esperanza, Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa ulat ng Bacoor Police, natagpuan nila ang bangkay ng biktima na may mga tama ng bala sa ulo at katawan. Sa tabi ng biktima, isang hinihinalang sh*b*, ang narekober. | BChannel NEWS

NASA COMMENT ANG IBA PANG BALITA.

11/08/2025

ICYMI | Isang cargo ship ang sumadsad sa mababaw na bahagi ng dagat sa Barangay Matandang Siruma, San Miguel Bay, Camarines Sur noong Agosto 7.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ligtas at maayos ang kalagayan ng 13 Filipino seafarers na saksi ng LCT Golden Phoenix na may kargang construction materials.

Pinaniniwalaan ng Coast Guard na malalakas na alon at hangin ang sanhi ng insidente.

Wala namang naitalang oil spill, ngunit patuloy na minamanmanan ng PCG ang lugar upang maiwasan ang polusyon sa karagatan. | BChannel NEWS | 📽 PCG

Address

Batangas City
4200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balisong Channel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Balisong Channel:

Share

Our Story

BALISONG YOUR HOME RADIO

How did she start?

It was August 22, 2019, at around 1:52 PM when it first went online through the previous page: Balisong Your Home Radio. The broadcast lasted for 27 minutes and 11 seconds. The first song heard was by Bee Gees’ Emotions. It went well with less than a hundred views. and that started the first online broadcast in the province.

There is this group of radio personnel who met 2004 in a radio station. As coulees’ they formed a lot of radio shows, events, gimicks and bright ideals, funny and clever. After more than a decade of being involved in the entertainment industry, went apart, had separate lives, different directions, goals and missions, destiny reunited them, then formed the BALISONG YOUR HOME RADIO last 2019. BALISONG YOUR HOME RADIO at first was concentrated as an online radio, but because of the ideas formed together, it became a marketing and entertainment channel - a broadcast ONLINE CHANNEL.