15/11/2025
Di ko alam kung i-uupload ko ang full video episode nito 😅
May mga tao sa social media na hinahangaan mo…
at maswerte ka kung may pagkakataon kang makausap sila face-to-face.
Isa si Chichester Project1M Ground Zero sa mga taong gusto kong talagang makilala at kausapin. 🔥
Kaya noong nakaraang buwan, kasama si Joben, naglakbay kami sa Angono, Rizal.. simpleng food trip dapat at mag-ambush interview na rin para sa Personal Insights Nyo.
Tatlong tanong lang ang plano… pero iba ang nangyari nga tsong!
Pagdating namin sa Domsa Viewpoint, nakita namin si Chichester.. abala sa kwentuhan sa isang customer. Habang naghihintay kami ng order sa sinigangan nya, nagplano kami ni Ben ng gameplan para sa interviews.
Nang matapos naming kumain, lumapit kami at nagpakilala mga tol!
Sobrang accommodating niya.. umupo siya sa tabi namin, parang tropa lang, at nagkwentuhan kami ng ilang oras, puno ng insights, lessons sa buhay, at kulitan.
At oo, nakalimutan naming ivideo ang lahat hanep na yan 😂
Nang sinabi namin na may tatlong tanong sana kami sa kanya para sa segment namin,
Ang sabi nya?
“Damihan nyo na ang tanong sa interview nyo. Doon tayo sa overlooking para mas maganda ang view.”
Bebebebeng! Ang simple nating ambush interview… magiging episode ng Uldugan Session pa nga!
To be honest kulang kami sa gamit kasi dapat ay ambush interview lang talaga. Pero mga tol di pa natapos doon!
Si Chichester pa ang naglend ng hand para magpahiram ng mga kulang naming gamit!
May mic, ilaw, camera holder pa! Grabe. Nakakahiya pero mas nakakahiya kung tatanggi kami diba? Haha naging parang full production pa nga kahit wala sa plano 😂
Isang masayang lakbay, puno ng aral!
Salamat, Chichester sa isang makasaysayang kwentuhan!
Andami naming takeaways.
mga bagay na dapat panindiganan..
mga bagay na dapat iwasan..
mga bagay sa social media na di mo na dapat ipakita..
at mga kwento na nagbibigay inspirasyon sa iba.
Salamat!