22/10/2022
Youth Summit, Isinagawa sa Lucena City
Matagumpay na natapos ang isinagawang Lucena Youth Summit sa pamamagitan ng limited na face-to-face lecture noong ika-22 ng Oktubre taong kasalukuyan.
Dinaluhan ito ng mga lider estudyante at mga youth serving organization ng naturang lungsod.
Ito’y sa tulong ng pinagsanib-pwersa ng Local Youth Development Office sa ilalim ng pamumuno ni Ate Sweet Romulo at ng Sangguniang Kabataan Federation sa pamumuno ni SK Federation President Rolden C. Garcia.
Ilan sa mga naging resource speaker sa mga kabataan ay sina Former Chief Justice Maria Lourdes Serenno, Ma’am Alyssa Mijares, Ma’am Sheena, Ma’am Juliet, Kons. Patrick Nadera at Local Youth Ambassadress Ms. Angelica Alcala.
Sa nasabing Summit, itinuro sa mga kalahok ang kahalagahan ng pamilya; komunidad, ang sarili; kalikasan; tungkol sa Leadership Development at Role of Youth in Nation Building.
Layunin ng summit na matulungan ang mga kabataan na maunawaan ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa komunidad, mapaunlad ang kanilang potensyal na pamumuno at maitaguyod ang pagiging nasyonalismo.
Layon din ng nasabing aktibidad na maturuan ang mga Kabataan sa kung paano mamuno sa isang organisasyon sa hinaharap.
Pinasalamatan naman ni SK Federation Pres. Garcia sina Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Roderick Alcala dahil sa suporta at programang naisakatuparan.
Photo: Rolden C Garcia