04/07/2024
Sa mga magpapagawa po sa akin, tas rush pa, (literal na kinabukasan need na) sana naman aware kayo na medyo mas mataas ang price, kasi ipa prioritize ko yung mga pinapagawa nyo over sa mga sadyang tagubilin ko rito sa bahay.
Kapwa estudyante lang din po ako, hindi naman ako free parati, sana din maging aware kayo na ako na nga yung inabala ninyo, tas ako pa ang bibigyan nyo nang attitude o magrereklamo pag sisingilin ko na kayo.
Ang baba na nga nang singil ko kasi kako mga estudyante lang din kayo, willing naman akong i compensate kayo kasi alam kong bakasyon din ngayon kaya nga wala din kayong budget, pero sana ini keep in mind ninyo na need ko rin nang pera, kaya nga natanggap ako nang mga pagawa.