09/08/2025
Ang unfair no?
Tayo na yung nagbuntis sa loob ng siyam na buwan, naglihi at naglabor ng ilang oras bago pa manganak.
Pagkatapos manganak, tayo pa rin yung puyat sa pagpapadede at pag aalaga sa bata.
Tapos kapag housewife kapa, sayo pa lahat ng sisi kapag nagkasakit yung bata dahil ikaw yung kasama sa bahay. Ang masakit pa masasabihan ka pang yan na nga lang gagawin mo ang alagaan yung mga bata hindi mo pa mabantayan ng tama. 💔
At eto pa, kapag nag ayos kalang ng kaunti sasabihan ka na agad na feeling dalaga kahit may anak na. Tapos kapag lumabas kapa na hindi bitbit yung anak sasabihin nagpapakasarap na sa buhay.
Ang unfair no? tayo yung halos magbuwis na buhay sa pagbubuntis hanggang sa panganganak pero kapag may nangyari sa bata tayo rin agad yung unang sisisihin dahil tayo yung nanay.
Oo kami yung NANAY, at kayo yung TATAY na nagta-trabaho para sa pamilya pero sana maisip nyo rin yung sakripisyo ng mga nanay sa loob ng bahay na halos hindi na makapag ayos ng sarili, nalosyang na sa pag aasikaso sa bahay, tumaba at pumanget na dahil inuna yung mga anak kesa sa sarili.
Kung pagod kayo, pagod rin kaming mga Nanay. Oo nasa loob lang kami ng bahay pero yung gawain namin hindi natatapos ng walong oras lamang. Madalas OT pa nga kami kahit wala namang sweldo.
Kaya sa susunod na makita nyo mga asawa nyo sa loob ng bahay, kamustahin nyo rin minsan dahil hindi rin biro yung pagod at stress sa araw araw pag aasikaso sa inyong mga tahanan.