19/12/2023
KWENTONG BAWANG
Dahil season ng pagbibigayan, alam nating kaliwa't kanan ang regaluhan ngayon kaya swerteng may isang nagpaluto ng 20 tubs ng mani sa akin. Noong nagsabi sa akin na 20 tubs ang order niya, inalala ko agad ay yung pagbabalat at paggagayat ng bawang. Hahaha! Siya kasi ang kumukonsumo talaga ng oras dito. So, hingang malalim. Syempre, laban tayo dito! Pandagdag sa marketing strategy din ito. Hehe! Unang batch, ako muna. Ay parang mabagal. Kayanin ko kaya? Hmmm.. Lightbulb moment! I asked my children to help me peel a dozen of garlic heads. Walang 1 oras tapos. Yeyyyyy! Sa gayatan, kayang kaya ko na! Ang laking ginhawa po. Sabi pa ni Leone, next time daw ulit, magbabalat daw ulit siya ng bawang. Awwwww.. My heart is chubby. π
Alone time ko bigla. Naisip ko, shux, ito yung right path! Ito yung para sa akin! Ito yung totoong nakalaan na pupukaw sa kung sino talaga ako, at ito talaga yung matagal ko ng pinili. Masyado lang akong naging busy sa pag-conform. Busy sa outer world. Ay mas nagma-matter pala ang inner world ko. Yes po, yung sarili nating mundo. Grateful for 2023, despite the despites, sa inner world ko na ako naging busy. Mukha lang linear yung growth ko tapos I'm not a fan of ostentatious display of such petty things din pala, then life hit me so hard and all the while, all I sincerely care pala is yung depth ng growth, lalo at ako ay isang ina, isang magulang, yung aware na aware ako na it would primarily affect my 2 children. Oh well, papel. Paying off already and eventually. Nauunawaan ko na, at tinatanggap ko na ng buong buo. The growth road that I chose is the less travelled, I guess. Ang maging full-time sa bahay bilang asawa, bilang ina, bilang ordinaryong tao. Yes, this is what breathing the air of gratitude really means. Wow lang po.
I don't earn much money as what conformity will always make me realize, but if the word 'earn' would be the standard for a female like me, I beg to step out of the line. I can misbehave like I'm going to choose homeschooling over trad schooling, low carb over high carb, minimalism over maximalism, and basta all about cycle breaking (kasama dito yung main things ko na conscious acts gaya ng slimmed & regulated screentime, gentle, positive, mindful parenting, intentionality, art of calm, simplicity, sustainability etc.) at alam naman natin na hinding hindi siya pasok sa social standards ng humankind. Anyway, bilang bahagi ako ng human race, ang pinakamalaking learning ko sa buhay, is humility, na thankfully ay fully developed na ata at na-achieve na sa mga conscious choices ko sa buhay.. And once active component na ang humility, sunod sunod na yan, promise. Humbly, pwedeng pwede mag-misbehave basta karunungang positibo at malawak na pag-unawa lang lagi sa mga bagay bagay. At bilang isang ako, masarap sa pakiramdam maging ordinaryo. Kalma, magaan, payapa, malaya. ππ
Nang dahil sa BAWANG. ππ