
01/06/2025
"Tawag ni Lola"
âAnak, alas-singko na!â sigaw ni Lola mula sa may tarangkahan.
Pero ako, abala pa rin sa pagtakbo, paikut-ikot sa kalsada, hawak ang tsinelas na ginawang pamato sa luksong baka.
Mainit pa ang hangin pero unti-unti nang humuhupaâsenyales na patapos na ang araw.
Ang mga kaibigan kong kasing dumi ko, may pawis sa noo, may alikabok sa tuhod, pero may ngiti sa labi.
Minsan tatlong beses pa bago ko marinig ang aking pangalan! Sabi na ni Loooolaaaa!â
Doon pa lang ako hihinto, tatawa pa bago tumakbo pauwi.
Si Lola, nakatayo sa may pinto, hawak ang tabong may tubig panlinis, at ang damit na isusuot ko pagkatapos kong maligo.
May amoy ang kanyang luto sa hanginâsiguro ginisang monggo o pritong galunggong.
âSinabi ko nang alas-singko, âwag ka nang lumampas!â
Kunot-noo pero banayad ang boses niya, sabay punas sa likod kong pawisan gamit ang kanyang bimpo.
Sa kanya ako unang natutong tumingin sa orasan.
Sa kanya ko rin natutunang ang bawat pag-uwi ay hindi lang pagtatapos ng laro, kundi simula ng alaga.