Thunder News Philippines

Thunder News Philippines MEMBER: PILIPINAS MEDIA ORGANIZATION INC. (PMOI)

BAHAGI NG KABUNDUKAN SA MATI, DAVAO ORIENTAL, NAKALBO NA DAHIL SA PAGMIMINA ⚠️__Pinangunahan ni Gov. Nelson Dayanghirang...
08/10/2025

BAHAGI NG KABUNDUKAN SA MATI, DAVAO ORIENTAL, NAKALBO NA DAHIL SA PAGMIMINA ⚠️

__Pinangunahan ni Gov. Nelson Dayanghirang ang Dialogue on Mining Concerns sa Mati City upang talakayin ang matinding pinsalang dulot ng pagmimina sa Brgy. Macambol, kung saan aabot sa mahigit 200 ektarya na ng lupain ang nakalbo.

Binigyang-diin ng gobernador ang pagprotekta sa kalikasan, lalo na’t ang lugar ng minahan ay matatagpuan sa loob ng buffer zone ng Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary, isang UNESCO World Heritage Site na tahanan ng mga natatanging uri ng halaman at hayop.

📸 Provincial Government of Davao Oriental
_PWS
Thunder News Philippines

MATA NG BAGYONG HALONG NAMATAAN SA MULA SA INTERNATIONAL SPACE.___Nakuhanan ng Japanese astronaut na si Kimiya Yui mula ...
08/10/2025

MATA NG BAGYONG HALONG NAMATAAN SA MULA SA INTERNATIONAL SPACE.

___Nakuhanan ng Japanese astronaut na si Kimiya Yui mula sa International Space Station (ISS) ang mata ng bagyong na itinuturing nang VERY STRONG TYPHOON ng Japan Meteorological Agency (JMA).

Taglay na nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kph at pagbugsong umaabot na sa 260 kph. Kasinlakas na nito ang isang SUPER TYPHOON Category ng PAGASA.

NOTE: Malayo ito sa bansa at hindi na inaasahang papasok ng PAR.

__PWS
Thunder News Philippines

Mga Task force enforcer ng Narra, Palawan na nanghuli ng ilang mga Motorista kahapon mga bagohan at Wala umanong sapat o...
08/10/2025

Mga Task force enforcer ng Narra, Palawan na nanghuli ng ilang mga Motorista kahapon mga bagohan at Wala umanong sapat o tamang seminar ayon yan sa mapagkakatiwalaang source ng Thunder News Philippines na Isa sa mga nagtatrabaho sa munisipyo.



Thunder News Philippines

Attention lang Po Narra Mayor's office at vice mayors office Mayor Gerandy Danao sir at Vice Mayor JoJo Gastanes Sir, ba...
07/10/2025

Attention lang Po Narra Mayor's office at vice mayors office Mayor Gerandy Danao sir at Vice Mayor JoJo Gastanes Sir, baka naman Po pwedi nyo maimbistigahan at maaksyonan Ang ginawang panghuhuli ng ilang myembro ng Task force Narra sa isang Motorista Dyan dahil sa helmet na ayon mismo sa Narra PNP pasado naman Ang ganong helmet pero hinuli parin ng taskforce nyo ni Wala manlang binigyan ng first offense o warning tinikitan agad at pinagmulta ng P500, Isang bulok na kamatis Dyan sa taskforce Narra baka Yan pa Ang sisira ng buong taskforce Narra at administrasyon nyo, p**i aksyonan napo Ang ginawa ng taskforce inforcers Nayan baka lumaki Ang ulo nyan medyo arogante paraw manghuli, Marami ring sumbong Dito na kapag kakilala nila kahit bao Ang suot na helmet pinadadaan lang nila harap-harapan, sana maaksyonan nyo po mga sir Maraming Salamat po para narin Po sa kapakanan ng mga mamayang ng Narra, Palawan. .

Thunder News Philippines

Rank no.6 most wanted person sa Regional level Arestado sa Taytay Palawan.Thunder News Philippines
07/10/2025

Rank no.6 most wanted person sa Regional level Arestado sa Taytay Palawan.

Thunder News Philippines

30,192,00 na Halaga ng shabu nakumpiska  sa Buybust operation sa So. Buligay Barangay Poblacion district 1, Brooke's poi...
07/10/2025

30,192,00 na Halaga ng shabu nakumpiska sa Buybust operation sa So. Buligay Barangay Poblacion district 1, Brooke's point Palawan.

__Isang Paglabag sa RA 9165 (Buy Bust Operation) a g naitala sa Sitio Buligay, Brgy. Poblacion District 1, Brooke’s Point, Palawan
nitong October 6, 2025 alas 11:47 ng gabe.

Target ng operasyon si alyas Rolly," 46 anyos, residente ng Brgy. Poblacion, District 1, Brooke’s Point, Palawan na naaresto matapos Ang ikisang Operasyon sa PDEA 4B sa katuwang Ang mga elemento ng PDEU-Palawan PPO sa ilalim ng supervision no PLTCOL ROMERICO A REMO at ng Brooke’s Point MPS.

Bago ito nabilhan Muna Ang suspek ng Isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwlaang "shabu na tumitimbang ng 0.76 grams kabilang Ang marking tape at Isa pang sachet nangalalaman ng white crystalline substance na pinaniniwlaang "shabu" may timbang na 0.82 grams kabilang ang marking tape.

Maliban Dito nakuha pa sa pagiingat ng suspek Ang mga sumusunod:

DRUG EVIDENCE
__Isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang "shabu" na may timbang ng 2.86 grams.

NON-DRUG EVIDENCE
_Isang Techno Spark Cellphone kulaya Blue;
_Isang one Thousand Peso Bill (Genuine Buy-Bust Money)
_ Siyam na piraso ng one Thousand Peso Bill (Boodle Buy-Bust Money) at
_Isang unit ng Yamaha Mio Sporty motorcycle, Sa kabuoan aabot sa 4.44grams ang nakuhang shabu sa Suspek na nagkakahalaga nt 30,192.00.

Kaugnay niyan nasa kustodiya na ng Brooke’s Point MPS Ang naturang arestadong suspek para sa tamang disposisyon Hanbang inihahanda na ang kasong Paglabag sa RA 9165 .

Thunder News Philippines

Baril at Bala nasamsam sa Barangay Abaroan, Roxas, Palawan.Isang Paglabag sa RA 10591 Ang naitala sa Brgy. Abaroan, Roxa...
07/10/2025

Baril at Bala nasamsam sa Barangay Abaroan, Roxas, Palawan.

Isang Paglabag sa RA 10591 Ang naitala sa Brgy. Abaroan, Roxas, Palawan alas 11:00 ng Gabe nitong October 6, 2025.

Arestado Dito Ang suspek na si alyas "Nono, 39 anyos businessman,residente ng Brgy. Nicanor Zabala, Roxas, Palawan.

sa naturang Operasyon narekober sa posisyon ng suspek Ang mga sumusunod:

_Isang Unit ng 9 mm caliber pistol (China brand)
_ Isang piraso ng 9mm magazine
_ isang piraso ng 9mm magazine
_ dalawampot dalawang piraso ng bala Paras sa caliber 9mm
_ Isang Blue na Hello Kitty potaka,
_ isang fired cartridge case ng 9mm, nang hanapan Ang suspek ng kaukulang dokumento nabigo itong magp**ita mag presinta dahilan para arestohim ito ng mga awtoridad.

Samantala Sa Ngayon hawak na ng Roxas MPS Ang naturang arestadong suspek para sa documentation and proper disposition.

Thunder News Philippines

06/10/2025

PIGGATAN BRIDGE SA ALCALA, CAGAYAN BUMAGSAK!

__Panoorin: Hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan ang Piggatan Bridge sa Alcala, matapos bumagsak ang tulay ngayong Lunes ng hapon, October 6, 2025.

🎥 Mark Cristal Fiesta

TINGNAN: Hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan ang Piggatan Bridge sa Alcala, Cagayan matapos bumagsak ang tulay nga...
06/10/2025

TINGNAN: Hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan ang Piggatan Bridge sa Alcala, Cagayan matapos bumagsak ang tulay ngayong hapon, Oktubre 06, 2025.

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Alcala, kumpirmadong ang tulay ay bumagsak kasama na ang ilang trailer trucks. Kasalukuyan pa ang ginagawang imbestigasyon at inaalam pa kung mayroong nasaktan sa insidente.

Source: Cagayan PIO.
Thunder News Philippines

HAGNAYA PORT SA SAN REMIGIO, CEBU INABOT NG TUBIG-DAGAT!__Nalubog sa tubig-dagat ang ilang bahagi ng Hagnaya Port sa bay...
06/10/2025

HAGNAYA PORT SA SAN REMIGIO, CEBU INABOT NG TUBIG-DAGAT!

__Nalubog sa tubig-dagat ang ilang bahagi ng Hagnaya Port sa bayan ng San Remigio, ngayong Lunes, October 6.

Ayon sa mga residente, dati-rati ay umaabot lamang ang tubig sa pantalan tuwing mataas ang alon, ngunit simula nang tumama ang magnitude 6.9 na lindol, mas lumala umano ang sitwasyon at mas malawak na ngayon ang apektadong bahagi.

📸 Contributed photos
__PWS
Thunder News Philippines

Serbisyo Publiko📣Panawagan sa may Ari ng Isang iphone kulay pink ito Po ay nadampot ni ma'am Arlene Patricio noong huweb...
06/10/2025

Serbisyo Publiko📣

Panawagan sa may Ari ng Isang iphone kulay pink ito Po ay nadampot ni ma'am Arlene Patricio noong huwebes ng hapon October 2,2025 sa Coverd Court ng Purok Demaala Barangay Panacan 2 Narra, Palawan

Sa may-ari nakakakila ng may-ari p**isabe nalang po at tawagan si ma'am Arlene sa Numero na 09515421807

Maraming Salamat Po.
Thunder News Philippines

Address

Batangas City

Opening Hours

Monday 5am - 10pm
Tuesday 5am - 10pm
Wednesday 5am - 10pm
Thursday 5am - 10pm
Friday 5am - 10pm
Saturday 5am - 10pm
Sunday 5am - 10pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Thunder News Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share