Sanguniang Barangay, Dela Paz Pulot Aplaya

Sanguniang Barangay, Dela Paz Pulot Aplaya Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sanguniang Barangay, Dela Paz Pulot Aplaya, Media/News Company, Dela Paz Pulot Aplaya, Batangas City.

August 18, 2025, ika-7:00 ng umaga, nagsagawa ng flag raising ceremony ang Sangguniang Barangay ng Dela Paz Pulot Aplaya...
18/08/2025

August 18, 2025, ika-7:00 ng umaga, nagsagawa ng flag raising ceremony ang Sangguniang Barangay ng Dela Paz Pulot Aplaya, kasama ang lahat ng functionaries ng Barangay, matapos ang Flag Raising muling nagpaabot ng pasasalamat ang Punong Barangay sa lahat ng dumalo sa Flag Raising na ito, matapos ang pasasalamat na ito iniabot ng Punong Barangay Jeyson Alda ang Burial Assistance sa dalawang residente ng barangay, Isa sa Programa ng barangay ang makapag bigay ng kaunting tulong financial sa nasasakupan, Samantalang nagpaabot naman ng pasasalamat ang binigyan ng nasabing tulong, ayon pa sa kanya bagaman ito ay huling bigay na tulong para sa kanyang yuamao ina ito ay Isang malàking tulong naman para sa kanila,
Salamat po Sangguniang Barangay
Salamat po PB Jeyson Alda.

Isinagawa ng Punong Barangay Jeyson Alda ang Isang pagpupulong sa Sitio Silangan Hulo upang ipaabot ang magandang balita...
12/08/2025

Isinagawa ng Punong Barangay Jeyson Alda ang Isang pagpupulong sa Sitio Silangan Hulo upang ipaabot ang magandang balita sa nasabing Sitio, na ayon sa Punong Barangay ito na ang matagal Nyo ng hinihintay ang magkaroon ng liwanag na galing sa Meralco, magkaroon ng kuryente, Lalot higit ay magkaroon ng sariling Metro o kuntador, Tuwa ang makikita sa mukha ng bawat Isa sa magandang balita na ipinaabot sa kanila, kayat mabilis na na ipinaliwanag ng Punong Barangay ang mga dapat gawin upang makapag Aplay sa Meralco ang lahat, ayon pa sa Punong Barangay tutulong ako sa abot ng aking makakaya, Hindi namin kayo iiwan sa pag aaplay ninyong iyan.

Araw ng linggo dapat ay pahinga at araw  na dapat ay sa pamilya.Nagtipon tipon, nagsama Sama Aktibong Barangay Tanod ng ...
10/08/2025

Araw ng linggo dapat ay pahinga at araw na dapat ay sa pamilya.
Nagtipon tipon, nagsama Sama Aktibong Barangay Tanod ng Dela Paz Pulot Aplaya.
Isang bayanihan agad ay kanilang ginawa at pinangunahan ni PB Jeyson Alda.
Isang Taos Pusong pasasalamat ang kanyang paabot sa lahat ng nakiisa.
Ang Sabi nga Niya Hindi na iisa isahing banggitin ang mga pangalan nila.
Sa mga larawang NASA post inyong makikita at sigurado, itoy makikilala.
Sitio Silangan Hulo
Dela Paz Pulot Aplaya

Isang pamamahaging bigas ang isinagawa ng PB Jeyson Alda at kanyang maybahay sa lahat ng dumalo sa isinagawang pag pupul...
07/08/2025

Isang pamamahaging bigas ang isinagawa ng PB Jeyson Alda at kanyang maybahay sa lahat ng dumalo sa isinagawang pag pupulong sa harap ng Barangay hall sa pangunguna ng City Planning and Development Office Isang ahensya ng City Government o kilala sa tawag na CPDO, para sa pag tatalaga ng mga opisyales ng Water Works System,
Layunin ng Punong Barangay at kanyang may bahay sa pamamahaging ito na mabigkis at mas mapa igting pa ang pag kakaisa ng mga taga barangay at mabigyang kasiyahan ang bawat Isang dumalo sa pag pupulong na ito.
Ika nga ng Punong Barangay 'SHARE YOUR BLESSING'..

Isinagawa ng lahat ng kawani ng Barangay sa pangunguna ni PB Jeyson Alda ang flag raising ceremony, kasama ang Daycare W...
04/08/2025

Isinagawa ng lahat ng kawani ng Barangay sa pangunguna ni PB Jeyson Alda ang flag raising ceremony, kasama ang Daycare Worker, BLATS,, BSPO, BHW, BNS, at 4p's at kawani ng SIDC
Matapos ang isinagawang Flag raising ceremony , nagpaabot ng pasasalamat ang Punong Barangay sa lahat ng mga dumalo, nagpasalamat din sa buong Sangguniang Member, Sangguniang Kabataan at mga Barangay Tanod sa walang sawang pag. suporta sa gawaing ito sa Barangay,
Hiniling din ng Punong Barangay na huwag din Mananawa ng pag suporta sa
WEEKLY KALINISAN
COASTAL CLEAN UP
BARANGAY ROAD CLEARING OPERATION (BARCO).

Announcement Barangay Dela Paz Pulot Aplaya,❗❗❗Barangay CaravanIlihan Covered CourtAug.8,2025Magpalista na po agad sa Ba...
01/08/2025

Announcement Barangay Dela Paz Pulot Aplaya,❗❗❗
Barangay Caravan
Ilihan Covered Court
Aug.8,2025
Magpalista na po agad sa Barangay Hall,hanggng Aug.5 lang ang palistahan
Salamat Po. Hanapin po ang inyong lingkod

16/06/2024
Sa butihing Mayor Beverly Rose Dimacuha , sa aming Congressman Marvey Mariño, sa aming CDRRMO Sir Rod Dela Roca at sa la...
16/06/2024

Sa butihing Mayor Beverly Rose Dimacuha , sa aming Congressman Marvey Mariño, sa aming CDRRMO Sir Rod Dela Roca at sa lahat ng staff ng CDRRMO, sa pangalan ng Sangguniang Barangay Punong Barangay Jeyson L. Alda, taos pusong pasasalamat ang aming paabot sa inyong tanggapan.



Eto Batangueño Disiplinado kayang kaya bastat samasama

02/05/2024

Halina at makiisa fiestahan
ng Barangay Dela Paz Pulot Aplaya
Ikatlong Linggo ng buwan ng Mayo
May 18 at 19
May 18 awarding at discohan
May 19 MAGICAL AND VARIETY SHOW
Tara na.

20/04/2024
Sa pangunguna ng Sk Chairman at Punong Barangay, ng mga opisyal, at BSPO, isang symposium ang ginanap para sa mga kabata...
22/08/2022

Sa pangunguna ng Sk Chairman at Punong Barangay, ng mga opisyal, at BSPO, isang symposium ang ginanap para sa mga kabataan,,
may pamagat
"TEENAGE PREGNANCY"
Ang pag aaral ay para sa hinaharap
huwag ipagpapalit sa sandaling sarap
POPCOM BATANGAS CITY
maraming salamat po.

22/08/2022

No segregation, no collection policy ng basura sa lungsod, mahigpit na ipatutupad

Magsisimula na sa September 1 ang mahigpit na pagpapatupad ng no segregation, no collection policy ng mga basura sa lungsod.

Ito ay ayon sa direktiba ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Bunsod nito, kaagad na kumilos ang Batangas City Solid Waste Management Board katuwang ang KaBRAD Cluster Coordinators para sa striktong implementasyon nito.

Layunin ng nasabing polisiya na muling paigtingin ang pagpapatupad ng Republic Act 9003 o Solid Waste Management Act of 2000 upang maisulong ang makakalikasang pangangasiwa ng basura alinsunod sa Batangas City Environment Code.

Malaki ang maitutulong nito upang mabawasan ang problema sa basura na nakakaapekto sa climate change na nagdudulot ng mga kalamidad.

Hinihikayat ang mga barangay na maglagay ng mga garbage bin na gagamitin sa waste segregation para sa mga recyclable o mga basurang maaari pang pakinabangan, biodegradable o nabubulok at para sa residual.

Isa rin sa pinagtuunan ng pansin ay ang pagkakaroon ng Materials Recovery Facility o MRF sa bawat barangay upang pagdalhan ng mga plastic at iba pang recyclables at compost pit para sa mga basurang nabubulok.

Inaasahan na sa pamamagitan ng striktong implementasyon ng nasabing polisiya ay higit na maisusulong ang pagkakaroon ng kaaya-ayang kapaligiran at magiging bahagi na ng pamumuhay ng bawat isang Batangueno ang tamang pagbubukod bukod o pamamahala ng basura.

Nagsimula ang dry-run ng no segregation, no collection policy noong August 20.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paglalabas ng basura sa hindi itinakdang araw at oras.

Magbabayad ng P500.00 hanggang P1,500.00 na multa at pagkakulong ng hindi bababa sa anim na buwan ang mga hindi susuunod habang papatawan naman ng P 1,500-P 5000 ang mga establisyimento na mapapatunayang lalabag o kanselasyon ng lisensya o pagkasara.

Para sa skedyul ng hakot ng basura sa inyong lugar, makipag-ugnayan sa City ENRO sa 7238844 o sa mga opisyales ng inyong barangay. (PIO Batangas City)

Address

Dela Paz Pulot Aplaya
Batangas City
4200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sanguniang Barangay, Dela Paz Pulot Aplaya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share