ALA EYY LIPA

ALA EYY LIPA Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ALA EYY LIPA, Digital creator, lipa, Batangas City.

πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­
25/09/2025

πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­

πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‡ΈπŸ‡½πŸ‡ΈπŸ‡½πŸ‡ΈπŸ‡½
15/09/2025

πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‡ΈπŸ‡½πŸ‡ΈπŸ‡½πŸ‡ΈπŸ‡½

Fyi.

Senate Coup: Alan Peter Cayetano, aagawin raw ang Senate Presidency kay Tito Sotto.Alam na this! Pedro, maniningil naman...
15/09/2025

Senate Coup: Alan Peter Cayetano, aagawin raw ang Senate Presidency kay Tito Sotto.

Alam na this! Pedro, maniningil naman kami sa 'yo! πŸ‘Š πŸ‘Š πŸ‘Š πŸ‘Š πŸ‘Š πŸ‘Š πŸ‘Š πŸ‘Š

12/09/2025

Sino kaya protektor ng mga Gardiola? Bakit wala sa spotlight? 🧐🧐🧐

π—£π—˜π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—™π—Ÿπ—’π—’π—— 𝗖𝗒𝗑𝗧π—₯π—’π—Ÿ?Pinangalanan ni former Bulacan DPWH engineer Brice Hernandez sa pagdinig ng Kongreso sina Sen. Jin...
09/09/2025

π—£π—˜π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—™π—Ÿπ—’π—’π—— 𝗖𝗒𝗑𝗧π—₯π—’π—Ÿ?
Pinangalanan ni former Bulacan DPWH engineer Brice Hernandez sa pagdinig ng Kongreso sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Joel Villanueva na nakinabang umano sa kickbacks sa ilang proyekto sa Bulacan.
Inisa-isa rin ni Hernandez ang pangalan ng bawat proyekto na konektado umano ang dalawang senador.
Nagpapatuloy ngayong Martes, Sept. 9 ang House Infracomm hearing kaugnay sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Source: House of Representative








07/09/2025

CWS PARTYLIST GARDIOLA
Gardiola, rep of construction workers in Congress, owns P416-M California house
Congressman Edwin Gardiola, party-list lawmaker for Construction Workers Solidarity, owns an opulent residence in California in the United States, priced at at least $7.3 million or P416 million.

Credits to rappler : https://www.rappler.com/.../edwin-gardiola-construction.../

07/09/2025

PANAWAGAN‼️Kung cno man po ang nag hire dito ky joseph Badian na isang carwash dito sa batangas city andito po sya sa outpost ng pallocan west... Usapan nila ay pick up in ng 10pm sa 7-11 pallocan west kya lng di sumipot yung pipick up sa kanya.. Pangalan ng nag hire sa kanya ay jonh paul isang carwash boy..

From: Villano Wilson

BAGSIK, Pinarangalan sa BANTOG 2025 ng Batangas State UniversityBatangas City β€” Muling pinatunayan ng BAGSIK (BatangueΓ±o...
07/09/2025

BAGSIK, Pinarangalan sa BANTOG 2025 ng Batangas State University
Batangas City β€” Muling pinatunayan ng BAGSIK (BatangueΓ±ong Grupo sa Sining at Kultura) ang kanilang mahalagang papel sa pagsusulong ng sining at kultura matapos kilalanin sa prestihiyosong BANTOG 2025: Pagpaparangal sa Natatanging Alagad ng Sining ng Batangas State University. Ginanap ang seremonya noong Huwebes, Setyembre 4, 2025, sa Narra Hall, Jose Rizal Building, Pablo Borbon Campus.
Sa temang β€œSuloy – Hasa, Husay, Hirang”, iginawad sa BAGSIK ang parangal bilang samahang aktibong nakikipagtulungan sa komunidad upang paunlarin ang sining at kultura ng Batangas. Tumanggap ng karangalan sa ngalan ng grupo ang kanilang Ikalawang-Pangulo, Architect Edwin Lazaro Barrion, kasama ang iba pang kasapi na sina Bill Perez, Emmanuel Rigoberto Tolentino at Luther Eroa.
Noong BANTOG 2023 ay kinilala na rin ang BAGSIK para sa kanilang naiambag sa larangan ng sining at kultura sa lalawigan. Sa pagkakataong ito, higit pang pinagtibay ng unibersidad ang malaking ambag ng BAGSIK bilang haligi ng malikhaing pagkilos sa Batangas.
Sa kanilang mensahe ng pasasalamat, binigyang-diin ng BAGSIK ang suporta ng kanilang mga katuwang tulad nina Hon. Mem. Emmanuel Rigoberto Tolentino, Lucille D. Evangelista, at Luther Eroa, na naging mahalagang bahagi ng pagkamit ng karangalang ito.
Bilang bahagi ng seremonya, binigyang-parangal din sa sining biswal sina Remo Valenton (kasalukuyang Pangulo ng BAGSIK), Engineer Loriel β€œYelcast” Castillo, at Lino Acasio bilang pagkilala sa kanilang personal na kontribusyon sa sining.
Pinarangalan din ang iba pang miyembro ng grupo na sina Airon Sire Adan at Janselwyn Retrita, na kasalukuyang mga mag-aaral ng unibersidad, para sa kanilang tagumpay sa kani-kanilang larangan.

CONGRESSMAN LEANDRO LEVISTE, TINUTULAN ANG DEPENSA NI DE CALALOItinanggi ng suspendidong DPWH Batangas 1st District Engi...
06/09/2025

CONGRESSMAN LEANDRO LEVISTE, TINUTULAN ANG DEPENSA NI DE CALALO
Itinanggi ng suspendidong DPWH Batangas 1st District Engineer Abelardo Calalo, na hindi siya nagbigay ng suhol kay Congressman Leandro Leviste.

Ayon sa kanya, ang P3.1 milyon ay donasyon mula sa isang kontratista na inutusan umano ni Uswag Ilonggo Party-list Rep. Jojo Ang para sa mga proyekto ng kongresista.

Tinutulan naman ni Cong. Leviste ang depensa ni Calalo.
Ayon sa pahayag ni Cong Leviste, may resibo ang pera kaugnay sa tatlong kontrata na nagkakahalaga ng higit P104 milyon, na may nakasulat na β€œ3% o 3,126,900.00” kung saan ang mga lugar ng proyekto ay sa mga bayan ng Lian, at Lemery.

Base sa DPWH records, ang kontrata ay ipinagkaloob sa Toptech Trading & Construction Co., Inc. ng Lemery, Batangas.

Sinabi ni Leviste na mukhang inamin ni Calalo sa kanyang counter-affidavit ang pagtanggap ng donasyon at dapat ipakita ang listahan ng iba pang contractors na handang magbigay ng suporta.

Idinagdag pa ni Leviste na umalis na sa bansa ang president ng contractor na sangkot at pinangalanan ito na si Elrey Jose Noche mula sa Lemery, Batangas.

Source: Balisong Channel








Patulong po baka po may nakakita sa asawa ko jan sa 711 tapat ng SM BATANGGAS CITY naka soot po nya PAJAMA KULAY GRAY SA...
06/09/2025

Patulong po baka po may nakakita sa asawa ko jan sa 711 tapat ng SM BATANGGAS CITY naka soot po nya PAJAMA KULAY GRAY SANDO NA WHITE NAKA JACKET NA ADIDAS KULAY ITIM NAKA CROCS NA STENILAS KULAY BROWN NAKA SLING BAG PO.. Aldrin kung nasaan kamn ngayon uwi kana 😭 mga bata mo naghihintay na umuwi ka Drin Matabala Carbon

From: Darlene Forilo Fare

ANG CHILL LANG NG TANUNGAN NILA! 🧐 Atty. Chel: β€œIn the last two cycles of elections, 2022 and 2025, kayo po ba ay nagbig...
05/09/2025

ANG CHILL LANG NG TANUNGAN NILA! 🧐

Atty. Chel: β€œIn the last two cycles of elections, 2022 and 2025, kayo po ba ay nagbigay ng donasyon sa sinuman na kumandidato whether local or national?”

Lubiano: β€œYes po, your honor.”

Atty. Chel: β€œKanino po yon?”

Lubiano: β€œKay Senator Chiz po.”

Atty. Chel: β€œKay Senator Chiz Escudero?”

Lubiano: β€œYes po.”

Atty. Chel: β€œAside from Senator Chiz Escudero, may I know if there have been other candidates for either local or national positions that you gave donations to?”

Lubiano: β€œWala na po, your honor.”

Atty. Chel: β€œAnd more or less magkano po daw ang inyong na-donate sa kampanya ni Senator Chiz?”

Lubiano: β€œ30 million po, your honor.”

Atty. Chel: β€œ30 million pesos. This was the time you already had government projects, is that right?”

Lubiano: β€œAno po, your honor? Sorry.”

Atty. Chel: β€œNung panahon na yon ay meron na kayong mga kontrata o proyekto sa gobyerno?”

Lubiano: β€œYes po. Since 2009 po.”

Atty. Chel: β€œHmm. Thank you, no more questions.”

Chill lang.

Kalma lang. Pero kahit walang pa-drama, Atty. Chel Diokno nakuha agad ang pinaka-malupit na ebidensya laban kay Senador Chiz Escudero.

Sa isang tanong-sagot na parang simpleng usapan lang, umamin mismo ang flood control contractor at kumpare ni Chiz na si Lawrence Lubiano: nagbigay siya ng β‚±30 milyon para sa kampanya ni Escudero.

At eto ang catch: bawal na bawal β€˜yan. Ayon sa Omnibus Election Code, illegal ang pagtanggap ng campaign donations mula sa mga kontratista ng gobyerno. Kung totoo ang inamin, parehong donor at tumanggap ay pwedeng managot β€” at si Escudero, posibleng madisqualify.

Walang bulyawan. Walang theatrics. Walang pa-macho moves.

Pinakita ni Cong. Chel na sa husay, talino, at integridad, sapat na ang tahimik na pagtatanong para lumabas ang katotohanan.

At the end of the day, simple lang ang mensahe:
Kung may mali, lalabas at lalabas.

At kung may matitino tayong mambabatas tulad ni Chel Diokno, may pag-asa pa ang bayan. ✊ πŸ‡ΈπŸ‡½

Address

Lipa
Batangas City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ALA EYY LIPA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share