25/06/2025
Huling Paalam ng Puso
by D' Singing Poet
Repost.
Ayaw ko itong bitawan, ayaw ko itong sabihin,
Pero hindi ko na alam kung gaano ko katagal na ikaw ay hihintayin. Maaring mali na dito ko ito padaanin, Pero mas mabuti na rin yong alam nang lahat ang aking damdamin.
Kaya sa huling pagkakataon, ang mga katanungang ito, sana ay iyong sagutin.
Dahil naghihintay ang mga anak natin.
Kung sa akin lang naman, kaya kong tiisin, pero sa tuwing makikita ko sila, alam ko may kailangan tayong gawin.
Hindi mababaw ang pinagdaanan ng buhay natin,
Dahil alam ng marami na halos buhay ang aking ipinain,
Matupad lang ang pagmamahalan na namagitan at nagbuklod sa atin.
Ang turing at pagkilos natin sa isa’t isa ay kapwa nagbago,
Pero maniwala ka man o hindi, dito sa puso ko, ikaw pa rin ang gusto,
Dahil alam mo namang ikaw ang tunay, at kauna-unahang pag-ibig sa buhay ko.
Inaamin ko naman, frustrated ako sa mga pinagdaanan ng aking pagkatao,
At lahat ng yan ay alam mo.
May mga bagay at pangyayaring maaring nagturo sayo para magbago,
Pero sa mata ng Diyos at sa harap ng buong mundo,
Kaya kong sabihin na hindi ka nawala sa puso ko.
At mananatili ito hanggang dulo.
Kapwa natin nasugatan ang damdamin ng bawat isa,
Aminin man natin o hindi sa ating mga sarili, alam natin ang ating mga pagkukulang at pagkakasala.
Subalit napakahaba na ng ating nilampasang sigwa,
At alam ko din na sa kabila ng hirap na ating mga pinagdaanan,
Maraming pagkakataon na tayo ay naging maligaya,
Higit lalo sa piling ng ating mga anak na sinisinta.
Sa totoo lang marami ng nagsabi na tigilan ko na,
Tama na daw ang paghabol ko sa iyo, dahil mukha na akong t@ng@,
Pero anong magagawa ko, ay mahal kita,
Hindi nila alam kung gaano kasakit kalimutan ang isang taong mahalaga,
At higit sa lahat kailangan ng mga anak natin ng isang ina.
Ayokong sabihin ang salitang paalam, di ko kayang bitawan,
Dahil naiisip ko pa lang ito, mga luha ko ay agad nang nag-uunahan.
Pero kaya ko bang baguhin ang damdamin mong iyan?
Na hindi na sa ating pamilya nakalaan?
Totoo masakit ako magsalita,
Lalo na at alam kong ako ay nasa tama,
Pero alam ko naman may malawak kang pang-unawa,
Na kung iisipin mo ang kabutihan ng ating mga anak, tiyak na iyong maiibigay at magagawa.
Sa mga sandaling ito, hindi ako nagpapaawa,
Dahil matagal na akong nanghihina at kinukutya.
Pero alang-alang sa ating mga anak, kaya kung isuko ang lahat ng hiya,
At magpapakumbaba.
Mabigyan ko lang nang pagkakataon na maibigay sa ating mga anak ang kahulugan ng tunay na pamilyang timawa,
Na may pagmamahalan at may pagsasama, sa hirap at ginhawa.
Pasensya ka na, pero kung talagang hindi mo na kayang bigyan ng puwang ang kabuuan ng ating pamilya,
Hinding hindi ka na namin gagambalain pa.
At sana maging masaya ka
Kahit hindi mo na sila makakasama.
Pagpalain ka lagi ng Diyos at palaging mag-iingat ka.
Credit to the owner of this video.