TBST: Totoong Balita sa Southern Tagalog

TBST: Totoong Balita sa Southern Tagalog TBST (www.totoongbalita.ph) is a regional online news outlet that provides truthful, fast, and up-to-date news from the Calabarzon and Mimaropa regions.

22/08/2025

Bakit tinipid?‘Yan ang tanong ni Gov, Eduardo Gadiano matapos ang pagguho ng mga flood control projects na itinayo sa Occidental Mindoro.

Nanawagan na si Gov. Gadiano at si Rizal Mayor Sonny Pablo na imbestigahan ang mga nangyaring pagguho ng mga bago pa lang nagagawa na mga flood control projects.

21/08/2025

Ibinulgar ni Gov. Humerlito Dolor na tatlong beses na nalagyan ng daan-daang milyong pisong pondo sa 2024 GAA ang flood control project sa iisang lugar sa Sitio D**e, Brgy. Apitong, Naujan, Oriental Mindoro pero kahit isang bakas ng proyekto ay walang makita.

Ngayong 2025 GAA ay tatlong beses din nalagyan ng tig-300M pesos na pondo ang flood control project sa Brgy. Apitong.

21/08/2025

“kami sa barangay bago namin mailabas ang pondo para sa barangay namin sobramg dami namin papel na pinipirmahan, nag-aalangan kami, natatakot na ma-COA kami pero bakit ang ganiyang kalalaking pondo , ganiyang-ganiyan na lamang nawawala?

‘Yan po ang napakasakit sa katulad namin nasa barangay”ito ang hinaing ni Chairman Mel Eloponga ng Brgy. Apitong, Naujan, Oriental Mindoro matapos na ibunyag ni Sen. Panfilo Lacson na nauwi sa ghost project ang dapat sana ay flood control project sa kanilang barangay.

21/08/2025

Sobrang nakakalunglot at nakakagalit dahil pati barangay namin ay nagamit”

Yan ang pahayag ni Chairman Mel Eloponga ng Brgy. Apitong, Naujan, Oriental Mindoro kasunod ng rebelasyon ni Sen. Panfilo Lacson sa umanoy ghost flood control project sa Sitio D**e na nakadeklara na natapos ng itayo noong 2024 na nasa ₱192M ang pondo.

Ipinakita ni Chairman Eloponga na walang nakatayong d**e sa Sitio D**e at ang makikita lamang ay mga bato mula sa ilog at talahib.

18/08/2025

Kinompronta ni Gov. Bonz Dolor si DPWH Mimaropa Regional Director Gerald Pacanan sa inspeksyon sa road d**e sa Bongabong river sa Brgy. San Isidro sa Bongabong, Oriental Mindoro dahil sa walang bakal ang semento.

17/08/2025

BREAKING NEWS: Sinibak ni DPWH Mimaropa Regional Director Gerald Pacanan ang project engineer nila at lahat ng tauhan na nakaassign sa kinukwestyon ni Gov. Bonz Dolor na substandard na flood control project na gumuho sa Brgy. Mulawin, Naujan, Oriental Mindoro.

📹: Ricky Gusi

17/08/2025

Nagsorry na si DPWH Mimaropa Regional Director Engr. Gerald Pacanan kay Oriental Mindoro Gov. Bonz Dolor matapos harangin ng security guard ng construction company ang gobernador sa gagawing inspeksyon sa gumuhong flood control project.

“Humihingi po ako ng tawad sa kaniya at sa buong mamamayan ng Mindoro dahil hindi po ‘yon dapat nangyari” sabi ni Engr. Pacanan.

17/08/2025

Grabe, nakakapangilabot ito!”

Sa pag-iinspeksyon ni Gov. Bonz Dolor sa gumuhong slope ng d**e sa Bgy. Tagumpay, Naujan, Oriental Mindoro, nakaagaw sa kaniyang atensyon ang nag-iisang bakal na ginamit umano sa flood control project.

17/08/2025

Anong klaseng puso ang mayroon ang gumawa at nagpagawa nito?

Yan ang tanong ni Gov. Bonz Dolor matapos makita niya ang mga gumuhong flood control project sa Mag-Asawang Tubig River sa Brgy. Tagumpay sa Naujan, Oriental Mindoro na umano’y overpriced na nga, substandard pa.

Walang mga bakal, manipis ang semento at puro buhangin ang loob ng d**e.

Tanong pa ni Gov. Dolor, paano ito nakapasa sa technical inspection ng DPWH at COA?

16/08/2025

P1 billion per kilometer!"

Ito umano ang halaga ng mga umano’y substandard na flood control project sa Oriental Mindoro na karamihan ay gumuho nang manalasa ang habagat, ayon kay Governor Bonz Dolor.

Nagbanta pa ang gobernador na ipapadeklara niyang persona non-grata sa Oriental Mindoro ang DPWH dahil sa pagharang umano sa kaniya sa dapat sanang gagawing pag-iinspeksyon.

16/08/2025

Umusok sa galit si Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor matapos harangin ng guwardiya ng construction company para mainspeksyom ang gumuhong flood control project sa Brgy. Mulawin, Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon sa guwardiya, utos umano ng contractor na kailangan may letter muna mula sa DPWH.

Pero joint inspection sana ito ng provincial government at DPWH Mimaropa.

Tumuloy pa rin sa inspeksyon si Gov. Dolor pero hindi na niya pinasama ang DPWH Mimaropa.

16/08/2025

Drone video ng nawasak na flood control project sa Bucayao River sa Brgy. Mulawin, Naujan, Oriental Mindoro.

Noong nakaraang taon lamang naitayo ang d**e pero nang manalasa ang habagat noong buwan ng July 2025.

May mahigit 200M pesos na pondo ang proyekto.

Nasa 100 metro ang nasirang bahagi ng d**e.

Address

Batangas City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TBST: Totoong Balita sa Southern Tagalog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to TBST: Totoong Balita sa Southern Tagalog:

Share