TBST: Totoong Balita sa Southern Tagalog

TBST: Totoong Balita sa Southern Tagalog TBST (www.totoongbalita.ph) is a regional online news outlet that provides truthful, fast, and up-to-date news from the Calabarzon and Mimaropa regions.

17/10/2025

Kauna-unahan ang bayan ng Pola sa Oriental Mindoro sa nagbukas ng Christmas Village.

Tema ngayon ang Christmas Around The World.

Ito ang taon-taon na regalo ni Mayor Jennifer “Ina Alegre” Cruz sa mga Poleños para magkaroon ng kasiyahan at kabuhayan.

16/10/2025

Nagsimula na ang pagdiriwang ng Pasko sa Pola, Oriental Mindoro sa pagpapailaw ng Christmas Village nitong Huwebes ng gabi.

Pinangunahan mismo ni Mayor Jennifer “Ina Alegre” Cruz ang pagpapailaw sa Christmas Village na may temang Christmas Around the World.

MANSANAS, PUEDENG ITANIM SA BATANGAS!Matagumpay na naitanim ang puno ng mansanas sa San Paacual, Batangas.Sa tatlong see...
11/10/2025

MANSANAS, PUEDENG ITANIM SA BATANGAS!

Matagumpay na naitanim ang puno ng mansanas sa San Paacual, Batangas.

Sa tatlong seedlings na itinanim, 2 na ang malusog na nabuhay at patuloy na yumayabong.

Inaasahang sa loob mg 2 hanggang 3 taon ay magsisimula na ito na mamunga

ATTY. NICK CONTI, BAGONG DPWH UNDERSECRETARY!Nanumpa na si Atty. Nicasio “Nick” Conti kay DPWH Sec. Vince Dizon bilang U...
10/10/2025

ATTY. NICK CONTI, BAGONG DPWH UNDERSECRETARY!

Nanumpa na si Atty. Nicasio “Nick” Conti kay DPWH Sec. Vince Dizon bilang Undersecretary for Planning.

Pinalitan ni Atty. Conti si Maria Catalina Cabral.

SINO SI ATTY. CONTI?

Si Nicasio A. “Nick” Conti ay isang abogado, ekonomista, at tagapagtaguyod ng reporma sa pamamahala na may malawak na karanasan sa pampublikong administrasyon, mga inisyatiba laban sa korapsyon, at pagbuo ng mga polisiya batay sa ebidensya.

Ipinamalas niya ang kahusayan sa pag-aaral mula pa sa murang edad nang siya ay magtapos bilang Valedictorian ng St. Theresa’s Academy (Bauan, Batangas) noong 1990. Ipinagpatuloy niya ang mas mataas na edukasyon sa San Beda College, kung saan nakamit niya ang Bachelor of Arts in Economics, cm laude, noong 2004, at kalaunan ay natapos din ang kanyang Bachelor of Laws. Habang nag-aaral ng batas, nagsilbi siyang Pangulo ng Law Student Government noong 2007, na nagpapakita ng kanyang malasakit sa pamumuno at adbokasiya ng mga mag-aaral.

Pinalawak pa niya ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng Postgraduate Diploma in Corruption Studies mula sa University of Hong Kong, at natapos din niya ang Chevening Fellowship in Public Sector Reform sa University of Bradford sa United Kingdom.

Noong 2002, siya ay isa sa mga nagtatag ng Conti Gatchalian & Villanueva Law Offices, na nagsilbing pundasyon ng kanyang matagumpay na karerang legal. Noong 2004, kinilala siya bilang Outstanding Law Enforcer of the Year ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) dahil sa kanyang natatanging kontribusyon sa pagpapatupad at pagpapasimula ng lifestyle check program sa pamahalaan, isang inisyatiba para palakasin ang transparency at pananagutan ng mga opisyal.

Ang kanyang serbisyo sa pamahalaan ay umabot sa mahahalagang posisyon sa pamumuno. Bilang Assistant Secretary sa Office of the Presidential Chief of Staff, pinamunuan niya ang Malacañang Transparency Group at ipinakilala ang lifestyle check program noong 2003—isang hakbang na kinilala ng World Bank bilang makasaysayang inisyatiba laban sa korapsyon sa Pilipinas.

Nagsilbi rin siya bilang Commissioner ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) at ng Presidential Commission on Good Government (PCGG), kung saan lalo niyang pinatatag ang mga mekanismo ng pananagutan sa loob ng mga institusyon ng pamahalaan.

Mula 2010 hanggang 2015, nagsilbi si Atty. Conti bilang Deputy Administrator for Planning ng Maritime Industry Authority (MARINA), at kasabay nito ay naging ex-officio member ng Board of Directors ng Philippine Ports Authority (PPA). Kalaunan, siya ay hinirang na Officer-in-Charge ng MARINA at nagsilbi ring Tagapagsalita ng Department of Transportation and Communications (DOTC) mula 2012 hanggang 2013.

Bukod sa kanyang tungkulin sa gobyerno, aktibo rin si Atty. Conti sa gawaing sibiko at adbokasiya. Itinatag niya ang BISYON 2020, isang non-profit organization na nakatuon sa pagpapalaganap ng kaalaman laban sa korapsyon at mga reporma sa pamahalaan. Siya rin ang may-akda ng aklat na “To Serve with Honor: A Primer Against Corruption,” na nagpapakita ng kanyang matinding paninindigan para sa transparency, reporma sa mga institusyon, at pagbibigay-kapangyarihan sa mamamayan.

Bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa at kontribusyon, ginawaran siya noong 2024 ng Natatanging San Pascualeño Award, ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng kanyang bayan bilang pagkilala sa natatanging serbisyo sa komunidad at sa bansa.

10/10/2025

Nakararanas ang San Pascual, Batangas ng malakas na ulan ngayong hapon

Ipinakita ni Merle Reyes, may-ari ng Kejamarenik Construction ang nasa 756 na pilote na kanilang nagawa para sa itatayon...
06/10/2025

Ipinakita ni Merle Reyes, may-ari ng Kejamarenik Construction ang nasa 756 na pilote na kanilang nagawa para sa itatayong bagong palengke ng San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon kay Reyes, 15% na mobilization fund mula sa ₱ 193 M na halaga ng 2 storey na public market ang kanilang ginamit sa paggawa ng pilote.

Inihindi umano nila ang pagtatayo ng palengke dahil hindi nila masisimulan ang proyekto hanggat hindi umaalis ang mga magtitinda sa palengke at lumilipat sa temporary market.

06/10/2025

Nanawagan si Occidental Mindoro Gov. Eduardo Gadiano sa National Food Authority o NFA na bilhin din ang mga typhoon damaged palay.

Dumadaing ang mga magsasaka sa Mindoro matapos masalanta ng bagyo ang kanilang mga tanim na palay na dapat sana ay aanihin na.

05/10/2025

PANOORIN: Panayam Mayor Rey Ladaga hinggil sa isyu ng itatayong bagong palengke ng San Jose, Occidental Mindoro.

27/09/2025

Binayo ng malakas na ulan at hangin ang Mansalay, Oriental Mindoro dahil sa Bagyong Opong

📹: 98.9 Radyo Natin Roxas

26/09/2025

Mga natumbang puno at tumagilid na mga poste ng kuryente ang ilan lamang sa iniwang pinsala ng bagyong sa Bongabong, Oriental Mindoro.

(📹: Mayor Michael Malaluan

26/09/2025

Buhawi namataan malapit sa munisipyo ng Baco, Oriental Mindoro

📹: Baco PIO

Address

Batangas City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TBST: Totoong Balita sa Southern Tagalog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to TBST: Totoong Balita sa Southern Tagalog:

Share