28/11/2025
‼️ANNOUNCEMENT‼️
Ngayon, na nasa 100k followers na tayo at sa totoo lang hindi ko akalain na aabot ako sa ganito, siguro ginamit talaga ng Lord ang FB page na 'to upang makapagbahagi sainyo kung paano kumita ng pera ng patas at maghanap buhay ng simple na hindi bumabatay sa kung may tinapos o wala.
Pinapakita ko sa inyo ang diskarte ko, oo hindi lahat ng proseso ay nakikita nyo. Pero sa kapiraso naman siguro na ginagawa ko sa pagtitinda na napapanood nyo ay may natututunan kayo. At ang iba sainyo ay nakapagpagawa na ng mga kanya kanyang sariling foodcart.
Maraming salamat sainyo, dahil sainyo nakikita ko ang isa sa mga purpose ko sa buhay.
Eto ung totoong buhay ng pag gawa ng isang milyon, inaabot talagang ng 2 to 5 years, minsan 7 to 10 years pa in the making.
Walang dugas.
Walang ibang itinitinda bukod sa siomai lamang na nasa ginagamit kong foodcart.
Ngayon umabot na tayo sa 100k followers, ang mindset ko dito is back to zero ulit ako. Mag iisip at gagawa ng ibang content upang ma-appreciate natin ang ganda ng buhay na ipinagkaloob sa atin ni Lord. Pero tuloy pa rin naman ang ₱ROJECT 1M natin, siguro hahanap na muna ako ng vendor para dun. Pero 'wag kayong mag alala dahil ipapasilip ko pa rin naman sainyo ang mga vlog natin about business.
Nais ko lang talaga sumubok ng bago, upang ma-appreciate pa ang ganda ng buhay. At hindi sa puro trabaho at negosyo umiikot ang lahat
Ngayon, kailangan ko ng suggestions ninyo para sa content sa panibagong chapter natin 🙂
SALAMAT SA MGA MAGCO-COMMENT 🫡🫶💯