19/08/2025
Nasa punto ka na rin siguro ng buhay na ayos na sa'yo,
Kahit mawalan ka man ng koneksyon sa mundo at sa tao.
May mga presensyang hindi mo na hinahanap—
Hindi ka na apektado.
Ang mga bagay at tao na iniyakan mo noon,
Parang wala na lang sa'yo ngayon.
Hindi ka naman nakalimot—
Siguro sadyang ganito ka lang tinuruan ng nakaraan at lungkot.
Lahat nga talaga puwedeng magbago,
Maaaring mag-iba sa loob lang ng isang minuto.
Ang dating nakasanayan parang sandali lang—
Parang huminto lang saglit at napadaan.
Sa puntong ito mapagtatanto mo, ganito lang talaga siguro.
Habang ikaw ay lumalago may mga mawawala at aalisin din sa'yo.
Sa una'y parang hindi kaya, nakakapanibago—
Subalit dahil paulit-ulit, nasanay ka rin sa dulo.
Hindi ka makasarili.
Binago ka lang ng nakaraan,
Natuto ka lang sa mga bagay na paulit-ulit—
Nasanay ka lang sa sakit.
YT: https://youtube.com/channel/UCvSaJ07Cbzl2-rpub3wjDEw
IG: https://instagram.com/_tintalata_?utm_medium=copy_link
Kultura at Literatura