30/06/2025
PARA PONDOHAN ANG MGA PROYEKTO, BAGONG KONGRESISTA SA BATANGAS, IBINENTA ANG KANIYANG YAMAN
Kung ang iba ay nagpapayaman sa pwesto, sa Batangas naman, ibinenta ng isang bagong kongresista ang kaniyang mga yaman bago ito umupo sa pwesto.
Sa isang press release, sinabi ni Batangas 1st District Congressman Leandro Legarda-Leviste na ibinenta nito sa Meralco ang mayorya ng kaniyang shares sa pinagmamay-ariang kumpanyang SP New Energy Corporation (SPNEC), na nagkakahalaga ng P5.01 bilyon.
โUnder these agreements, MGen has already paid Leviste P13.76 billion, with the transfer of the P10.83 billion shares to follow,โ ayon sa pahayag.
Bago ito, nauna nang ibenta ng 32-anyos na first-time congressman ang kaniyang P5.82 bilyong shares sa parehong kumpanya.
Sa kaniyang pahayag, sinabi nito na ang P34 bilyong kabuuang halaga na naipon mula sa pagbebenta ng kaniyang mga yaman ay gagamitin upang pondohan ang ibaโt ibang pilantropikong inisyatiba, sa layuning maghatid ng mga serbisyo at proyekto na magpapaunlad sa buhay ng mga residente sa kaniyang distrito.
Ang bagong kongresista na itinanghal bilang pinakabatang โself-made billionaireโ sa Pilipinas, ay anak ni Senador Loren Legarda. Noong 2013, itinayo nito ang renewable energy company na Solar Philippines upang isulong ang makakalikasan at mas murang kuryente sa bansa.
Nitong nagdaang , nanalo si Legarda-Leviste kontra sa katunggaling si incumbent Congressman Eric Buhain, sa pamamagitan ng isang landslide victory.
Nakakuha ang batang kongresista ng botong 268,764, habang 91,588 na boto naman ang nakuha ni Buhain.
Source: Serbisyong Pilipinas