07/08/2025
๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐: ๐๐๐ค๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ฎ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐
Sa Pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino at alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 s.1997 nakikiisa ang Alangilan Senior High School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa".
Bilang pagpupugay sa Buwan ng Wika, inihahandog ng pamunuan ang mga piling gawaing makabuluhanโmga paligsahan at aktibidad na tumatalima sa diwa ng Wikang Filipino.
Hinihikayat ang bawat Akademista, G**o, at iba pang miyembro ng komunidad ng paaralan na makiisa at makibahagi. Sa sama-samang pagdalo at pakikilahok, nawa ay mapatibay ang ating ugnayan sa sariling wika at pamana.
๐๐ ๐ ๐๐ง๐ข๐ก๐๐ก๐๐ง๐๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐ค๐ญ๐ข๐๐ข๐๐๐:
๐๐๐๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ ๐ค๐๐ฌ
Magtatagisan ng galing sa makabagong Sabayang Pagbigkas ang mga mag-aaral mula sa ika-11 hanggang ika-12 baitang na may temang โGampanin ng Filipino Sign Language (FMS) sa Pagbabago ng Klimaโ.
๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ญ
Magsasagawa ng Oration Contest na susukat sa galing at talas ng isipan ng mga mag-aaral ng ibaโt ibang strand kung saan maglalahad ang mga ito ng inihandang talumpati.
๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ญ
Ang mga mag-aaral ay magtatanghal ng piling piyesa na may matinding damdamin at makabayang diwa upang maipamalas ang husay sa pagbigkas,emosyon, at interpretasyon ng makasaysayang pananalita.
๐๐ฎ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ฐ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง (๐๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฆ๐๐ง)
Ang bawat strand ay inaasahang magkakaroon ng dalawang kalahok na binubuo ng isang mag-aaral at isang g**o na magtatanghal na piling awitin.
๐๐๐ฒ๐๐๐ฒ๐ข๐ง ๐๐ฉ๐๐ฅ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐
Magpapamalas ng talas ng isipan at kasanayan sa pagbabaybay ng mga salita gamit ang makasaysayang sulat Baybayin sa isang paligsahang susubok sa galing ng mga kalahok sa wika.
๐๐๐๐-๐๐จ๐๐๐๐ฒ: ๐๐๐ฏ๐จ๐๐๐๐ฒ ๐
๐ข๐ฅ๐ฆ ๐๐๐ค๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ญ
Paggawa ng Adbokasiya na ipapakita sa paglikha ng maiksing film upang maipakita ang kahalagahan ng maayos na paghahanda sa panahon ng mga sakuna.
๐๐๐ฅ๐๐ ๐ญ๐๐ฌ๐๐ง
Isang tagisan ng talino at pangangatwiran na layuning maipamalas ang galing sa masining na paggamit ng wikang Filipino habang tinatalakay ang mga napapanahong isyu sa lipunan.
๐๐๐ซ๐จ ๐๐๐ฅ๐ฅ (๐๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐๐ญ๐ข๐ง ๐๐จ๐๐ซ๐)
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang Hero Wall na naglalaman ng mga larawan sipi at mahahalagang impormasyon ukol sa mga bayani ng Pilipinas.
๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ญ๐ข
Magpapakita ng husay sa pagtatalumpati ang mga kalahok sa maikli ngunit makahulugang pagpapahayag ng damdamin at opinyon.
๐๐๐ ๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐๐ซ
Magpapamalas ng pagkamalikhain ang mga kalahok sa paggawa ng poster na nagsusulong ng pagpapahalaga sa wikang Filipino.
๐๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ
Magpapahayag ng saloobin at pananaw ang mga kalahok sa pamamagitan ng sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan ng wika sa lipunan.
๐๐ค๐๐๐๐ฆ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ฌ..๐ฆ๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ก๐จ๐ค, ๐ฆ๐๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐๐๐ฒ๐๐ง!!
mga salita ni Gayle Fajutag
pag-aanyo nina Zayna Dela Cruz, Andrei DeChavez at Jazzly Agtuca