Batangueñang Manunulat

Batangueñang Manunulat Your story matters
Send your stories to [email protected] Batangas' stories, people, history, events, entertainment and information.

15/01/2026
TINGNAN: Narekober ng Batangas Police ang sasakyang ito matapos umanong karnapin ng dating empleyado ng Salflor Builders...
15/01/2026

TINGNAN: Narekober ng Batangas Police ang sasakyang ito matapos umanong karnapin ng dating empleyado ng Salflor Builders sa Barangay San Andres, Malvar, Batangas.Naaresto ang 41 anyos na suspek sa Cabuyao City Laguna noong January 15, 2026 bandang 10:00 ng umaga.

📸Batangas PNP

P10M daw ang planong i-reward para mahuli ang negosyanteng si Atong Ang
15/01/2026

P10M daw ang planong i-reward para mahuli ang negosyanteng si Atong Ang

Binata Nang Reyp ng Menor, TikloIsang most wanted person sa Calabarzon Region ang naaresto ng mga pulis na may kasong St...
15/01/2026

Binata Nang Reyp ng Menor, Tiklo

Isang most wanted person sa Calabarzon Region ang naaresto ng mga pulis na may kasong Statutory R**e sa Sto. Tomas City, Batangas.

Bandang 5:50 pm noong January 14, 2026 nang arestuhin ang suspek sa bahay nito sa Sta Teresita, Sto Tomas City.

Ang statutory r**e ay pakikipagtalik sa menor de edad (below 16 years old), may consent man o wala mula sa biktima.

15/01/2026

Mag file daw ng bill si Cong Leandro Leviste
No Work No Pay sa mga Congressman, apruban kaya?

14/01/2026

Dati missing sabungero, ngayon missing AA na

Farm ni Atong Ang  sa Tangob, Lipa City Batangas pinuntahan ng mga pulis ngayong araw, January 14, 2026  para arestuhin ...
14/01/2026

Farm ni Atong Ang sa Tangob, Lipa City Batangas pinuntahan ng mga pulis ngayong araw, January 14, 2026 para arestuhin subalit hindi ito natagpuan doon.
Si Ang at 17 pang kasama ay inisyuhan ng warrant of arrest ng Sta Cruz, Laguna RTC na may kinalaman sa pagkidnap at pagkamatay ng ilang sabungero.
📸Batangas PNP

14/01/2026

May warrant of arrest na inisyu ang RTC Laguna laban kay Atong Ang, at iba pang kasama Re: Sabungeros

Lalaking Sinal-vage Natagpuan sa TulayMay tama ng bala sa ulo at nakagapos ng itim na medyas ang kamay ng isang lalaking...
14/01/2026

Lalaking Sinal-vage Natagpuan sa Tulay
May tama ng bala sa ulo at nakagapos ng itim na medyas ang kamay ng isang lalaking natagpuang pa-tay sa ilalim ng tulay ng Barangay San Celestino, Lipa City, Batangas.

Ayon sa report bandang 7:00 ng umaga noong January 13, ,2026 natuklasan ang bangkay na hindi pa nakilala.

May mga kababaihan umanong nagjojogging sa lugar nang mapansin ang bakas ng dugo sa tulay sakop ng Lipa City-Padre Garcia Bypass Road.

Nasundan ang mga bakas at tumambad sa kanila ang bangkay sa ilalim ng tulay. Kaagad nila itong inireport sa awtoridad.

Ayon sa pulis, hindi umano kilala sa barangay ang biktima.

Suspek sa Pagpaslang sa Bata Pinalaya Pinalaya ang 54 anyos na suspek sa pagpaslang sa batang si Gianni Rick Nodero dahi...
14/01/2026

Suspek sa Pagpaslang sa Bata Pinalaya
Pinalaya ang 54 anyos na suspek sa pagpaslang sa batang si Gianni Rick Nodero dahil mahina pa ang ebidensiyang inihain sa korte.

Ang suspek ay pinsan ng ama ng 8-anyos na biktima at kapitbahay nila sa Barangay Santiago 2, San Pablo City, Laguna.

Ayon sa pulis, dalawang testigo ang lumutang at isa dito ay nagsabing nakita ang suspek na may dugo ang damit noong araw na natagpuan ang bangkay.

Tapyas ang ibang daliri sa kamay, may mga taga sa leeg, halos labas na ang bituka nito sa tagiliran at tapyas ang tenga nang matagpuan ang katawan ng bata sa sagingan, hindi kalayuan sa bahay nila.

May isa pa umanong testigo na nagsabing naghahasa ng itak ang suspek noong gabi bago maganap ang krimen.

Testimonial evidence pa lamang umano ang naisumite at hindi pa narekober ang sinasabing damit at itak na ginamit sa krimen.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang krimen at sinabing mali ang paratang sa kaniya.

Isang Special Investigation Task Group ang binuo ng Laguna Police para magsagawa ng malalalimang imbestigasyon sa krimen.

Nangangalap pa ng mas matibay na ibidensiya ang pulisya laban sa suspek. Nakasentro pa rin sa motibong posibleng matindi ang galit ng suspek sa bata dahil sa nakakaaway nito ang kaniyang apo.

Samantala, personal na nagtungo si PAO chief Atty Persida Acosta para tulungan ang pamilya ng biktima na makamit ang hustisya.

Congratulations sa mga taga Barangay Bilogo, Batangas City. Nakuha ng inyong binibining si Neecka Althea Dadua ang koron...
13/01/2026

Congratulations sa mga taga Barangay Bilogo, Batangas City. Nakuha ng inyong binibining si Neecka Althea Dadua ang korona kagabi bilang Bb. Lungsod ng Batangas 2026.
📸Batangas City PIO



Awayan sa Right of Way, Babae Pinagsasaksak ng KapitbahaySinaksak sa mukha, leeg, braso at iba pang parte ng katawan ang...
13/01/2026

Awayan sa Right of Way, Babae Pinagsasaksak ng Kapitbahay

Sinaksak sa mukha, leeg, braso at iba pang parte ng katawan ang isang 39 anyos na babae habang nasa loob ng Dalahican Fishport Complex, Dalahican, Lucena City.

Kuha sa CCTV footage na nakaupo ang tuyo vendor na biktima kasama ang iba pang trabahador sa pantalan nang biglang sugurin ng isang lalaki.

Sa inisyal na report, away sa right of way umano ang pinaghugutan ng suspek kaya galit na galit ito sa biktima na kaniyang kapitbahay.

Dinala sa ospital ang biktima para sa karampatang lunas habang nakatakas naman ang suspek.

Address

Batangas City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batangueñang Manunulat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Batangueñang Manunulat:

Share