31/05/2026
๐๐ฒ๐๐ก๐๐ง๐ ๐๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐๐ซ ๐ง๐ ๐ญ๐๐ฒ๐จ! ๐
Natapos na natin ang dalawang semestre at sa puntong ito, tutungo na tayo sa susunod na kabanata ng ating paglalakbayโ2nd year.
Hindi naging madali ang naging byahe natin. Maraming paghinto, pag-atras at pag-abante. Maraming balakid ang ating hinarap, mga luhang pumatak, gabing walang tulog, at mga araw-araw na pressure. Gayunpaman, kahit napagod at nadapa tayo, ang mahalaga ay hindi tayo bumaba sa byahe. Nagpatuloy tayo kahit kabado, at tumuloy kahit minsan ay pinagdudahan na natin ang ating sarili.
Ang salitang "Bahala na si Batman" ay ilang beses ding naging sandigan natin. Ngunit sa kabila ng lahat, may natutunan tayo. Hindi lang puro pagod at hirap ang ating naranasanโnagbunga rin ito. Lumago at yumabong ang ating kaalaman, at nagkaroon tayo ng mas matibay na loob upang harapin ang bawat araw.
Kaya bago natin simulan ang panibagong byahe, pasalamatan natin ang ating sarili. Sa kabila ng lahat ng unos na ating hinarap, may takot man tayong naramdaman, hindi tayo huminto. Hindi man naging patag ang daan, hindi man naging maganda ang lahat ng dinaanan natin, at kahit umuulan, ipinagpatuloy pa rin natin ang pag-usad.
Ngayon na sisimulan na natin ang panibagong paglalakbay, nawa'y dalhin natin ang lahat ng aral na ating natutunan mula sa mga pagsubok na ating nalampasan. Tuloy lang ang byahe, dahil balang araw ay makararating din tayo sa ating patutunguhan.
Sa ngayon, mag-enjoy at magpahinga muna. Ihanda ang sarili para sa panibagong adventure at rollercoaster ride na naghihintay sa atin.
๐๐๐๐ ๐๐๐๐: 2๐๐ ๐๐๐๐! ๐
๐๐๐ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ง๐๐ฑ๐ญ ๐ฌ๐๐ฆ, ๐ฆ๐ ๐ ๐
๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐๐๐ซ๐ฌ! โ๏ธ๐
๐ผ: Mark Joseph De Gracia
โ๏ธ: John Lester Eguia