10/08/2026
Napaka-insensitive ng ganitong komento.
Hindi natin alam ang lalim ng sakit na pinagdaraanan ng isang pamilya, kaya sana bago tayo magsalita o magkomento, isipin muna natin ang bigat ng bawat salitang binibitawan natin.
Ang pagkawala ng anak ay isang sakit na hindi madaling ipaliwanag. Lalo na para sa isang ama at inaโwalang katumbas ang sakit na mawalan ng anak.
Habang ang iba ay nakikita lamang ito bilang isang usapin o eksena sa social media, may isang pamilya na araw-araw na humaharap sa isang napakasakit na katotohanan.
Hindi kailangang magustuhan natin ang lahat. Hindi rin kailangang sumang-ayon tayo sa bawat bagay. Pero sa harap ng matinding pagdadalamhati, kaunting respeto, pakikiramay at pagiging sensitibo ay hindi naman mahirap ibigay.
Hindi natin alam ang laban ng bawat taong tahimik na umiiyak. Kaya sana, bago mag-type, maging tao muna tayo.
Sa Baterbonia Family, hindi ko man kayo personal na kilala, dama ko ang sakit na inyong pinagdaraanan. Dalangin ko ang lakas, comfort at healing para sa inyong pamilya, lalo na sa ama at ina. ๐๐๏ธ
May mga salitang maaaring madaling i-type, pero habang-buhay na maaaring manatili sa puso ng isang taong nagluluksa.
Ramdam ko yong sobrang sakit
At hinanakit nila.