Imman Supremo

Imman Supremo Exploring Batangas at my own RISK!

27/07/2025

Best Birthday Gift ever Ang Natanggap ko....Birthday ko, Graduation niya!

Ganap Today...Abangan!
27/07/2025

Ganap Today...Abangan!

Taong 2006, paparating ang Bagyong Milenyo ng magkaroon kami ng isang Combat Operations sa kabundukan ng Laguna...hating...
26/07/2025

Taong 2006, paparating ang Bagyong Milenyo ng magkaroon kami ng isang Combat Operations sa kabundukan ng Laguna...hating gabi, inihatid Kami ng bangka sa kabilang ibayo at doon ay nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Basang-Basa kami habang naglalakad sa kadiliman ng kagubatan. Bawal gumamit ng lente o anumang ilaw. Magpapahinga Lang ng Ilang minuto habang nanginginig sa lamig. Pagkatapos noon, lakad uli ng walang humpay. Basang-Basa na rin ang aming mga medyas dahil sa tinatawid naming mga ilog. Magliliwanag na ng ma-hit namin ang aming First Objective. Hanap ng pwedeng mapagpahingahan at ito na rin ang Oras Para magset ng aming pansamantalang titigilan. Agad kong inilabas ang Poncho kong dala Para iset-up na ang tent. Mapapansin nio ang suot kong garbage bag Para lang hindi ginawin. Ganundin ang aking mga kasama. Sa masukal na kagubatan kami nakapwesto at ibayong katahimikan ang aming ginagawa Para walang makaalam sa presensiya namin. Ilang Oras Lang at banat naman ng paglalakad sa mga kagubatan. Ganyan ang buhay Sundalo. Hindi pwedeng magreklamo. Kailangang tapusin ang misyon Para sa Bayan.

26/07/2025

Bumalandra sa Gitna ang sasakyan nila sa palusong na intersection na kalsada ng Colvo-Sampaguita, Bauan.

Ang Malabrigo Point Lighthouse, na kilala rin bilang Faro de Punta Malabrigo  (Parola ng Punta Malabrigo), ay isang maka...
26/07/2025

Ang Malabrigo Point Lighthouse, na kilala rin bilang Faro de Punta Malabrigo (Parola ng Punta Malabrigo), ay isang makasaysayang parola na matatagpuan mga 115 kilometro sa timog-silangan ng Maynila sa Barangay Malabrigo, Lobo, Batangas. Nakumpleto at naiilawan noong 1896, isa ito sa pinakamatandang gumaganang parola sa Pilipinas pati na rin ang pinakamahusay na napreserbang parola sa bansa. Ito ay nagsisilbing gabay para sa mga barkong dumadaan sa Verde Island Passage na papunta sa Batangas Bay o Sibuyan Sea.

26/07/2025

Push-up ni Gen. Torre, binabatikos! Paano nga ba ang Proper Push-up?

25/07/2025

Kelangan ba talagang gamitin ang Hazard Lights pag maulan?

Taong 2007, Nasa kasagsagan kami ng isang Combat Operations somewhere in Laguna. Ako ang Lead Scout, ibig sabihin ako an...
25/07/2025

Taong 2007, Nasa kasagsagan kami ng isang Combat Operations somewhere in Laguna. Ako ang Lead Scout, ibig sabihin ako ang taga butas ng dadaanan namin. Kung kelangang tabasin Para mahawi ang trail, gagawin ko.. Biglang napuwing ako. Akala ko piraso Lang ng Damo o gabok Lang. Matapos ang isang Oras, pinsilip ko sa Isa kong kasamahan. Hindi pala basta puwing Lang. Limatik (Lintang Gubat na matatagpuan sa mga basang lugar o malapit sa ilog) pala ang pumasok sa kanan kong Mata. Sumipsip na ng dugo at tumaba na. Pinasungkit ko agad sa kasama ko at Yan na ang Resulta. Gusto akong pababain na ng Upperclass ko pero tumanggi ako. Mata Lang Yan... Malayo sa bituka, Sargent! Tuloy ang Mission. Ako pa rin ang Lead Scout. Mas luminaw ang Mata ko matapos ang isang Linggo. Madali kong makita sa di kalayuan ang mga Plastic at di totoong Tao. 🤭. And by the way, yang Hawak kong Skyflakes... Yan na ang lunch ko at Meryenda, iinum na Lang ng maraming tubig at Busog na. Ubos na ang supply namin hindi makapick up dahil sa sama ng panahon. Alam kong Danas ito ng bawat Sundalong na assign sa field. Survival mode palage. Pero hindi ko pinagsisihan ang mga naranasan ko sa serbisyo. Yan ang nagpatibay sa akin bilang isang Tao.

Hindi masamang magpahinga, lalo na at ubos na pala ang iyong gasolina!
25/07/2025

Hindi masamang magpahinga, lalo na at ubos na pala ang iyong gasolina!

Sige sirain niyo pa ang bundok...balang araw di lang ganito ang aagos sa kalsada.Yung mga lugar na may mga nangyayaring ...
25/07/2025

Sige sirain niyo pa ang bundok...balang araw di lang ganito ang aagos sa kalsada.

Yung mga lugar na may mga nangyayaring pagguho at pagbaha, Yan ang mga Lugar na may pag-ab*so sa Kalikasan. Hintayin niyong maningil ang Kalikasan. Pihadong hindi nio ito malilimutan!

25/07/2025

Buti Àlerto!

24/07/2025

May Huli kaya?

Address

Batangas City

Telephone

+639151648324

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Imman Supremo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Imman Supremo:

Share