
17/05/2025
TYF 🙏
"Sa Iyo ang Papuri, Panginoon!"
Sa bawat luha ng pagsubok, nariyan Ka upang kami'y aluin. Sa mga panahong tila wala nang pag-asa, Ikaw ang nagbibigay liwanag.
Salamat po, Panginoon, sa Iyong kabutihan at katapatan. Sa oras ng aming pangangailangan, hindi Mo kami pinabayaan. Sa mga panalangin naming may halong luha, tinugon Mo ng may pagmamahal.
Ang aming pamilya, lalo na ang aming munting anak, ay isang buhay na patotoo ng Iyong dakilang pag-ibig. Salamat sa bawat araw ng bagong pag-asa, sa bawat pintig ng buhay, at sa mga taong ginamit Mong instrumento ng biyaya.
Hindi man sapat ang mga salita, ngunit mula sa aming puso, buong pagpapakumbabang sinasambit namin:
"Maraming salamat po, Panginoon."
Sa Iyo ang lahat ng papuri at kaluwalhatian. Amen.
🙏 🙏 🙏