Brgy. Talisay, Calaca, Batangas

Brgy. Talisay, Calaca, Batangas Talisay is a barangay of the philippine municipality Calaca in the province Batangas in CALABARZON which is part of the Luzon group of islands.

September 5,2026๐ŸŽ“ PROGRAMA NG ISKOLARSHIP: BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG (BBM) ๐ŸŽ“ Sa ilalim ng Programang Iskolarship na Ba...
05/09/2026

September 5,2026

๐ŸŽ“ PROGRAMA NG ISKOLARSHIP: BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG (BBM) ๐ŸŽ“

Sa ilalim ng Programang Iskolarship na Bawat Barangay Makikinabang (BBM), limang (5) kwalipikadong mag-aaral na papasok sa ika-apat na taon ng kolehiyo mula sa Barangay Talisay,City of Calaca,Batangas, ang nakatanggap ng tig-โ‚ฑ20,000.00 na tulong pinansyal para sa edukasyon, alinsunod sa mga alituntunin ng programa.

Ang tulong na ito ay naglalayong suportahan ang kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral at magbigay ng karagdagang tulong pinansyal habang patuloy nilang tinatahak ang pagtatapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

โœจ Pagbati sa ating limang (5) Presidential Scholar ng Barangay Talisay City of Calaca Batangas!

1. Pinces Beatriz D. Alcaraz
2. Akiesha Joyce S. Almario
3. John Lester A. Magpile
4. Kristine Mae E. Magpile
5. Kristina Gabrielle B. Noche

Nawaโ€™y maging inspirasyon sa inyo ang tulong na ito upang magpatuloy, maging mahusay sa pag-aaral, at patuloy na abutin ang inyong mga pangarap. ๐ŸŽ“โœจ

Taos-pusong pasasalamat sa Tanggapan ng Pangulo para sa makabuluhang tulong pang-edukasyong ito na ipinagkaloob sa mga karapat-dapat na mag-aaral sa ating barangay.

Sa pamumuno ng Punong Barangay Kgg.Alfredo A. Magpile, kasama ang Sangguniang Barangay ng Talisay City of Calaca Batangas, mananatili kaming nakatuon sa pagsuporta sa mga programang nagpapalakas sa ating kabataan at namumuhunan sa kanilang kinabukasan.

Muli, pagbati sa inyo, mga iskolar! Ang inyong mga pangarap ay sulit na abutin. Ituloy lang ang laban! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’™




05/09/2026

Attentionโ€ผ๏ธโ€ผ๏ธโ€ผ๏ธโ€ผ๏ธ

Minamahal naming mga kabarangay,

Layunin nating mapanatiling ligtas at malusog ang bawat pamilya sa ating barangay. Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na DENGUE, kailangan nating magtulungan sa paglilinis ng ating kapaligiranโ€”dahil ang mga nakaimbak na tubig,kanal at maruming paligid ay pugad ng mga lamok na nagdadala ng sakit.

Dahil dito, inaanyayahan at inaasahan ang pakikilahok ng bawat isa sa ating SABAYANG PAGLILINIS na gaganapin:

๐Ÿ“… PETSA: Bukas, Setyembre 6, 2026 (Linggo)
๐Ÿ•– ORAS: 7:00 ng umaga

Mangyaring magdala ng sariling kagamitan sa paglilinis: walis, sako, pala, atbp.

Ang ating gagawin:
โœ… Linisin ang mga bakuran, kalsada, at mga kanal
โœ… Alisin ang mga lalagyan na may nakaimbak na tubig na pinamumugaran ng lamok
โœ… Itapon nang maayos ang mga basura
โœ… Hikayatin ang bawat pamilya na panatilihing malinis ang paligid

Ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa ay nakasalalay sa ating pagkakaisa. Ang malinis na kapaligiran ay kaligtasan ng bawat pamilya!

Inaasahan namin ang inyong masiglang pakikiisa. Maraming salamat!

17/08/2026

NASA LAKAS - LIGTAS TIGDAS

๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐“๐ข๐ ๐๐š๐ฌ! ๐Œ๐‘-๐’๐ˆ๐€ ๐•๐€๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” !"Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A Supplementation"๐Ÿ†™ Mga...
07/08/2026

๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐“๐ข๐ ๐๐š๐ฌ! ๐Œ๐‘-๐’๐ˆ๐€ ๐•๐€๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” !

"Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A Supplementation"

๐Ÿ†™ Mga mommies, daddies at guardians, sama-sama nating bigyan ng bakuna at proteksyon ang ating mga ๐‚๐ก๐ข๐ค๐ข๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ž๐๐š๐ ๐Ÿ”-๐Ÿ“๐Ÿ— ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐  ๐†๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐  laban sa banta ng ๐Œ๐ž๐š๐ฌ๐ฅ๐ž๐ฌ (Tigdas) at ๐‘๐ฎ๐›๐ž๐ฅ๐ฅ๐š (Tigdas Hangin).

๐Ÿ“ (Brgy. Talisay Covered Court
๐Ÿ—“๏ธ AUGUST 11,2026

โœ…Makipag-ugnayan sa mga ๐‹๐ฎ๐ง๐š๐ฌ ๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐•๐จ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ญ๐ž๐ž๐ซ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ๐ฌ at ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ๐ฌ upang malaman ang ๐ƒ๐ž๐ญ๐š๐ฅ๐ฒ๐ž sa ating barangay.

๐Ÿ’ฏ๐€๐ฅ๐š๐ ๐š๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง!
๐Œ๐ž๐š๐ฌ๐ฅ๐ž๐ฌ ๐š๐ญ ๐‘๐ฎ๐›๐ž๐ฅ๐ฅ๐š ๐ค๐š๐ฒ๐š ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ข๐ฐ๐š๐ฌ๐š๐ง!

๐™Ž๐™ฉ๐™–๐™ฎ ๐™ƒ๐™š๐™–๐™ก๐™ฉ๐™๐™ฎ ๐˜ผ๐™ก๐™ฌ๐™–๐™ฎ๐™จ ๐˜พ๐™–๐™ก๐™–๐™˜๐™–๐™ฏ๐™š๐™ฃ๐™จ ๐Ÿงก



BARANGAY TALISAY FEEDING PROGRAM FOR 11 MALNOURISHED CHILDREN."COMMUNITY NUTRITION PROGRAM RUN BY CALACA CITY AND BRGY.T...
31/07/2026

BARANGAY TALISAY FEEDING PROGRAM FOR 11 MALNOURISHED CHILDREN.

"COMMUNITY NUTRITION PROGRAM RUN BY CALACA CITY AND BRGY.TALISAY HEALTH ORGANIZATIONS- is to restore a child's health through targeted feeding, provide essential medicine/medical support, and educate families to prevent future malnutrition."

โ€ขBRGY. OFFICIAL AND BNS/BHW PROGRAMโ€ข

๐Ÿ“ข PAUNAWA SA KOMUNIDADMagandang araw po.Nais po naming ipaalam sa ating mga kabarangay na ngayong araw, alas-6:00 ng gab...
26/07/2026

๐Ÿ“ข PAUNAWA SA KOMUNIDAD

Magandang araw po.

Nais po naming ipaalam sa ating mga kabarangay na ngayong araw, alas-6:00 ng gabi (6:00 P.M.), ang Balayan Distillery, Inc. ay magsasagawa ng boiler start-up, matapos ang pansamantalang paghinto ng operasyon upang magsagawa ng furnace checking at pagkukumpuni ng natukoy na leak sa economizer.

Sa pagsisimula ng boiler, maaaring makakita ng pansamantalang usok, na isang normal at inaasahang bahagi ng boiler start-up process. Tinitiyak po namin na ipatutupad ang lahat ng kinakailangang operational at environmental control measures upang mabawasan ang anumang posibleng epekto sa kapaligiran at sa ating komunidad.

Ang boiler start-up na ito ay kinakailangan upang maibalik ang ligtas, maayos, at tuloy-tuloy na operasyon ng aming bioethanol plant.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.

Balayan Distillery, Inc.

10/07/2026

Paalala lang po sa aming mga kabarangay maulan Po at malakas Ang hangin,iwasan na Po natin malalabas Ng Bahay..

Manatili na lang Po tayo sa ating mga tahanan para na rin sa ating kaligtasan at sa mga Hindi inaasahang sakuna.

Ihanda Ang mga pangunahing kinakailangan
GO BAG...

MULI IBAYONG INGAT PO TAYONG LAHAT SA MGA PANAHONG ITO.GOD BLESS US ALL

Address

Talisay, Calaca City
Batangas City

Telephone

+639555933207

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Talisay, Calaca, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share