12/08/2026
๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ -๐ฎ๐ง๐ฅ๐๐, ๐ฌ๐๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฎ๐ง๐-๐ฎ๐ง๐๐ก๐๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐ง๐ข ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐๐๐
Inilunsad ang kauna-unahang State of the Municipality Address (SOMA) sa bayan ng Bataraza, kung saan inilahad ni Mayor Al-Shariff W. Ibba ang mga proyekto, programa, at plano ng kaniyang administrasyon para sa patuloy na pag-unlad ng munisipalidad, na ginanap sa Bataraza Mini Coliseum nitong Agosto 12, 2026.
Alinsunod sa temang: "Bawat Tagumpay ay Bunga ng pagkakaisa; Bawat Hamon ay hakbang Tungo sa kaunlaran," layunin nito na talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng bayan, kabilang ang mga pangunahing problema, solusyon, proyekto, programa, at mga hakbang na isinasagawa ng lokal na pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
Ayon kay Michael Villanueva, IT Officer I at isa sa mga nakinig sa SOMA, malaking hakbang ang kauna-unahang State of the Municipality Address ni Mayor Al-Shariff Ibba tungo sa mas transparent at accountable na pamahalaan.
โMalaking bagay ang pagkakaroon ng kauna-unahang SOMA dahil nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na malaman ang mga nagawa, kasalukuyang programa, at mga plano ng ating lokal na pamahalaan,โ ani Villanueva.
Dagdag pa niya, inaasahan niyang magtutuloy-tuloy ang digital transformation, mahusay na serbisyong publiko, at mga programang direktang makikinabang ang mga mamamayan, gayundin ang pagsasakatuparan ng mga inilatag na programa para sa mas maunlad na Bataraza.
Bunsod nito, binigyang-diin sa SOMA ang mga pangunahing programa at proyekto na nakatuon sa pagpapaunlad ng mga serbisyong pampubliko, imprastraktura, kabuhayan, edukasyon, kalusugan, at iba pang sektor na mahalaga sa mga residente ng Bataraza.
Sa pamamagitan ng SOMA, inaasahang mas mapapalakas ang ugnayan ng pamahalaang lokal at ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mas malinaw na pagbabahagi ng mga nagawa, kasalukuyang programa, at mga susunod pang hakbang ng administrasyon.
Sa huli, nagsilbing pagkakataon ang kauna-unahang SOMA upang maipakita ng pamahalaang lokal ang kasalukuyang kalagayan ng Bataraza at ang mga adhikain nito para sa isang mas maunlad, organisado, at serbisyong pamahalaang higit na nakatuon sa pangangailangan ng bawat Bataraรฑon.
โ : ๐๐ฒ๐ฅ-๐ฃ๐๐ฒ ๐๐ซ๐ข๐๐ ๐จ
: ๐๐๐ ๐๐ก๐ข๐๐ซ๐๐ฆ๐๐ ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐ฅ๐ฅ๐๐ง๐
๐ธ: ๐๐จ๐ฌ๐ก๐ฎ๐ ๐๐จ๐ก๐ง ๐๐ข๐๐จ-๐จ๐ง
: ๐๐๐๐ฎ๐ฅ ๐๐ฎ๐ช๐ญ๐๐๐ข๐ซ ๐๐๐ฆ๐-๐จ
:๐๐๐ฌ๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐