Muslim Blogger PH

Muslim Blogger PH I'm a Muslim, Islam is perfect but I am not. If I make a mistake, blame it on me, not on my religion nais ko magbahagi ng kaalaman sa ISLAM IN SHAA ALLAH

Ang swerte naman ni ate COLLAB pa iyon HAHAHAAHAH
11/12/2025

Ang swerte naman ni ate COLLAB pa iyon HAHAHAAHAH

Kung Muslim Keep Smiling☺️
11/12/2025

Kung Muslim Keep Smiling☺️

10/12/2025

SURAT AL-FATIHAH
(Ang Panimula)

1.) Sa Ngalan ni Allah [1] , ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain.

2.) Ang lahat ng kaluwalhatian at pagpupuri ay kay Allah, ang Rabb (Panginoon, Tagapanustos at Tagapagtangkilik) ng lahat ng mga nilalang.

3.) Ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain.

4.) Ang tanging may Hawak (o Pagpapasya) sa Araw ng Paghatol.

5.) Ikaw (po) lamang ang aming sinasamba, at Ikaw (po) lamang ang aming hinihingan ng tulong.

6.) Inyong patnubayan kami sa Matuwid na Landas,

7.) Sa landas ng mga ginawaran Ninyo ng Inyong [2] mga biyaya at hindi sa landas na umaani ng Inyong pagkapoot, gayundin naman ay hindi sa landas ng mga napaligaw sa patnubay.

_____________________
[1]
Allah, ang personal o pansariling pangalan ng Dakilang Diyos. Si Allah ay hindi lamang Diyos ng mga Muslim bagkus Siya ang Tangi at Nag-iisang Diyos ng lahat ng mga nilalang sa buong santinakpan. Siya ay tinatawag na Eloha sa Hebreo, ang wika ni Propeta Moises (sumakanya nawa ang kapayapaan) at Elli sa Aramaik, ang wika ni Propeta Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan). Ang salitang Allah ay wikang Arabik. Sapagka't ang Hebreo, Aramaik at Arabik ay magkakapatid na wika, ito ay nangangahulugan lamang na ang Eloha, Elli at Allah ay isa at magkakatulad. Bagama't ang salitang Allah ay isinasalin (sa wikang Filipino) na Diyos o (sa wikang Inglis) na God, ito ay hindi angkop na kahulugan at hindi naaakma sa Kanyang Kaluwalhatian. Ang salitang Allah sa wikang Arabik ay walang ganap o tuwirang kahulugan kung isasalin sa ibang wika. Ang salitang Allah ay nangangahulugan ng Tanging Isa, na Siya ay walang kahati o katambal sa Kanyang pagka-Diyos. Siya ay hindi maaaring iugnay sa mga iba pa na pinangalanang diyos, halimbawa, ang iba ay nagsasabi na si Hesus, ang anak ni Maria ay diyos, si Buddha ay diyos, si Krishna ay diyos, atbp.. Ang salitang Allah ay hindi maaaring paramihin upang magkaroon pa ng kasama si Allah, samakatuwid, si Allah ay hindi maaaring iugnay sa iba pa o maging pangmaramihan. Siya ay nananatili at namamalaging Isa at Tanging Isa. Pangalawa, ang lahat ng mga katangian at pangalan na ibinigay Niya sa Kanyang Sarili ay Kanya lamang at walang sinuman o anuman na tinataguriang diyos ang maaaring mag-angkin ng mga katangiang ito tulad halimbawa ng Pinakamakapangyarihan, Pinakamaalam, Pinakamakatarungan, Pinakamahabagin, Pinakamapagpatawad, Pinakadakila, atbp..Wala ng iba pa sa kalangitan at kalupaan ang maaaring mag-angkin ng gayong katangian. Ito ay para lamang kay Allah at wala ng iba. Dahil dito, bagama't ang salitang Allah ay maaaring isinasalin sa ibang wika tulad ng diyos, dios, god, deus, atbp., ang mga Muslim ay nagpapanatili nang pagtawag sa Kanyang personal at orihinal na Pangalan na Allah upang panatilihin ang tunay nitong kahulugan at upang ipatungkol lamang sa isang Dakilang Manlilikha ng lahat ng bagay.
_____________________
[2]
Ang Arabik na salita ay An'amta na ang tuwirang kahulugan ay "Iyo". Minabuti kong gumamit ng "Inyo" bilang paggalang kay Allah, ang Dakilang Tagapaglikha at Panginoon ng lahat ng mga nilalang. Sa lahat ng mga wikang Silanganin (o Oriental) katulad ng Filipino (Tagalog) at Arabik, ay mayroong dalawang uri ng pangmaramihan; una ay ang pangmaramihan ng bilang (plural of number) at pangalawa ay pangmaramihan ng paggalang (plural of respect). Ang pangmaramihan ng paggalang ay karaniwan na nating ginagamit bilang tanda ng kagandahang-asal at paggalang. Halimbawa, kung may isang matandang lalaki na kumatok sa ating pinto na hindi natin kakilala, tayo ay magsasabi ng: "Sino sila?" o kaya at "Tuloy kayo?". O kung tayo ay nangungusap sa ating magulang katulad ng ating ina, halimbawa'y tulad ng: ''Nanay,nakita ba ninyo ang aking sapatos?" o kaya ay "Sa inyo na ang damit na ito.'' Ang sila, kayo, ninyo at inyo ay hindi nangangahulugan nang marami bagkus ay isa lamang, at samakatuwid ay pangmaramihan ng paggalang. Bagama't katotohanan na ang Qur'an sa wikang Arabik ay gumamit din ng pangmaramihan ng paggalang, ginamit ko ang alituntuning ito sa ibang talata ng Qur'an kung ito ay naaangkop kay Allah ayon sa sarili kong pagpapasya.

10/12/2025
yun sana 😊 tatamarin na Sila mag Umra kasi di na pwide mag Picture 😩 di na maka pag FLEX ☺️ kaya yong Pagsamba na ginaga...
09/12/2025

yun sana 😊 tatamarin na Sila mag Umra kasi di na pwide mag Picture 😩 di na maka pag FLEX ☺️ kaya yong Pagsamba na ginagawa walang Barakah😭

Saudi Arabia has officially banned all photography and videography inside Al-Masjid Al-Haram in Mecca and Al-Masjid An-Nabawi in Madinah for the 2026 Hajj season including mobile phones and cameras.

The decision aims to protect pilgrims’ privacy, maintain the sacred atmosphere, and ensure smoother crowd movement during peak times. Photography is still allowed outside the Holy Mosques, but strictly prohibited inside throughout Hajj 2026

pogi naman
09/12/2025

pogi naman

09/12/2025
🕌 Paalala sa aking Sarili: Ang Tunay na Kayamanan at TagumpayPinapayuhan ko ang aking sarili na huwag mainggit sa matery...
07/12/2025

🕌 Paalala sa aking Sarili: Ang Tunay na Kayamanan at Tagumpay
Pinapayuhan ko ang aking sarili na huwag mainggit sa materyal na mga bagay, lalo na kung ang mga ito ay kinuha sa pamamagitan ng hulugan—maging ito man ay cellphone, motor, sasakyan, o bahay.

Ang pagkuha ng bagay nang hulugan ay hindi agad matatawag na tunay na tagumpay o 'deserve,' maliban kung ito ay kinuha nang cash. Ang katotohanan sa likod ng pagkuha ng mga bagay na hulugan ay isa lamang paraan upang subukin natin ang ating sarili na magsikap sa araw-araw.

Ang Pinakamahalagang Pagsubok
Gayunpaman, ang pagpapahalaga para sa materyal na bagay ay hindi matatawag na tunay na tagumpay ng isang Muslim kung sa kabilang banda ay napabayaan nating itayo ang limang (5) beses na Salah (panalangin) sa loob ng isang araw.

Lahat ng biyaya na ibinibigay ng Allah ay mayroong kalakip na pagsubok. Kapag tayo ay binigyan ng Allah ng biyaya, lagi nating iisipin na ang lahat ng iyan ay tatanungin sa Atin sa Kabilang Buhay.

Paano tayo makatutugon sa mga tanong ng Allah kung hindi natin binigyan ng halaga ang Salah, Zakah, Sawm (pag-aayuno) at iba pang obligasyon noong tayo ay nabubuhay pa sa mundo?

Sa huli, mapagtatanto natin na ang mga bagay na pinaghirapan natin sa pamamagitan ng dugo at pawis ay hindi makakatulong para kaawaan tayo ng Allah at makapasok sa Paraiso.

Huwag Sayangin ang Biyaya
Lagi nating tatandaan na ang Allah ay palaging naghihintay sa ating pagbabalik-loob. Gaano man karami ang ating kasalanan—kasing dami man ito ng bula sa karagatan—ang kapatawaran naman ng Allah ay sinlawak ng karagatan.

Huwag nating hayaang tayo ay mamatay nang hindi isang Muslim, sapagkat ang Paraiso ng Allah ay nakalaan lamang sa mga MUSLIM.

Ikaw ay isa sa mga pinakamabiyayang nilikha ni Allah. Huwag mong sayangin ang biyayang ito! Sapagkat pinapalitan ng Allah ang mga taong nagpapabaya sa Kanyang Deen (pananampalataya) ng mga taong mas mainam kaysa sa kanila. Hindi ito kawalan sa Allah; tayo ang tunay na malulugi at maisasama sa mga talunan.

Sa mga marurumi ang utak at kunware malinis hindi mo pwd mabasa ang post na ito dahil para lang ito sa mga tao na gusto ...
05/12/2025

Sa mga marurumi ang utak at kunware malinis hindi mo pwd mabasa ang post na ito dahil para lang ito sa mga tao na gusto matutunan ang batas sa ginagawa ng mag.asawa sa mga single naman mag asawa na kayo

medyo masilan na talakayin ngunit kailangan malaman

Mga Alituntunin at Adab sa Pagtatalik sa Asawa

Sinabi ni Ibn Qudāmah رحمه الله:
“Mainam na ang lalaki ay magpakita muna ng lambing at paglalandi sa kanyang asawa bago ang pagtatalik, upang magising ang kanyang pagnanasa, at upang makamit niya ang ligayang katulad ng nakukuha ng lalaki.”

At sinabi niya:
Hinahalikan niya ito, hinahaplos, at pinapainit ang damdamin. Kapag nakita niya na ang asawa ay nasa parehong kalagayan ng pagnanais, saka niya ito sipingan. Kung ang lalaki ay makarating sa rurok bago ang asawa, hindi kanais-nais para sa kanya ang biglang pag-alis hangga’t hindi pa siya tapos,
sapagkat ayon sa hadis ni Anas ibn Malik, ang Propeta ﷺ ay nagsabi:
‘Kapag nakipagtalik ang lalaki sa kanyang asawa, dapat niyang layunin ang pagsiyahan ito; at kapag natapos na siya, huwag niyang madaliin (ang pag-alis) hangga’t hindi pa natatapos ang asawa.’
At dahil ito ay nagdudulot ng pinsala sa kanya kung hindi niya makamit ang kanyang pangangailangan.”

At nararapat sa lalaki na umiwas sa gawain ng ilan sa mga karaniwang tao, na ipinagbabawal — ang biglaang pagdulog sa asawa nang walang paghahanda.
Bagkus dapat muna niyang lambingin, halikan, haplusin at ibigay ang banayad na pakikipag-asal hanggang makita niyang handa na ang babae; sapagkat ang babae ay nagmamahal sa lalaki sa paraang nagmamahal din ang lalaki sa kanya.
At kung biglaan siyang sisiping sa kanya, maaaring matapos siya at maiwan ang babae — na maaaring makasakit sa kanya.

Ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang sa pakikipagtalik:

1. Hindi kanais-nais na makipagtalik habang nakasuot ng damit.

Mas mainam na maghubad nang normal at hindi biglaan, upang hindi mabigla ang babae,
dahil may mga pakinabang dito tulad ng pagpapahinga ng katawan, mas madaling paggalaw, at pagdadagdag ng kasiyahan sa mag-asawa.

Ang sabi ni Ibn Ma’mūn sa isang tula:
Iwasan ang pagtatalik nang nakadamit,
sapagkat ito ay bahagi ng kamangmangan.
Bagkus, alisin nang marahan ang nasa kanya,
at magpakita ng paglalaro at lambing nang hindi siya nabibigla.

2. Kapag unang sasipingan ang babaeng birhen, hindi dapat gumamit ng ‘azl
(ang pag-alis ng ari bago labasan upang mailabas sa labas).
Dapat niyang ipatuloy ang pagsiping hanggang sa makarating, upang makarating ang kanyang punla sa sinapupunan sa pag-asang pagkalooban sila ng anak.

3. Kapag ang lalaki ay natapos bago ang babae, huwag siyang umalis agad.

Kundi maghintay hanggang makamit din ng asawa ang kanyang pangangailangan.

4. Walang nakatakdang bilang ng pakikipagtalik.

Depende ito sa kalusugan, lakas, pangangailangan, emosyon, at kondisyon ng mag-asawa.

5. Hindi kanais-nais na sipingan ang babae nang hindi niya gusto,

o biglaan nang walang paghahanda, sapagkat maaari itong makasira sa kanyang kalooban at espiritu.

7. Ipinagbabawal sa lalaki na sipingan ang asawa habang iniisip ang ibang babae.

Ito ay isang uri ng bawal na pagnanasa (tulad ng zînâ ng puso). Ganoon din sa babae.

8. Pinahihintulutan ang pagtatalik sa lahat ng buwan at oras
maliban sa mga ipinagbabawal: panahon ng regla, pagdurugo pagkatapos manganak, habang nasa ihram, at habang nag-aayuno (sa mga oras ng pag-aayuno).

9. Mainam para sa mag-asawa na maglinis ng bibig at magpabango.
Ito ay nakadaragdag sa paglalapit, paglalambingan, at pagmamahalan.
10. Kapag nakipagtalik ang lalaki at nais niyang ulitin, mainam na magwudū’.

Ayon sa hadis:
Kapag sinipingan ng isa sa inyo ang kanyang asawa, at nais niyang bumalik muli, mag-wudu’ siya tulad ng wudu’ para sa salah — sapagkat ito ay nakapagpapalakas sa kanya.

11. Kapag nais matulog ang mag-asawa habang nasa kalagayan ng janabah,
dapat silang magwudū’.
Ayon kay ‘Aishah رضي الله عنها:
Kapag nais kumain o matulog ang Propeta ﷺ samantalang siya ay junub, naghuhugas siya ng ari at nagwudū’.

12. Dapat mag-ghusl bago magsalah.
Mas mainam ang mag- ghusl bago matulog, ngunit may kaluwagan — minsan naghuhugas muna bago matulog, minsan nag-ghusl muna bago matulog.

13. Pinahihintulutan sa mag-asawa ang maligo sa iisang lugar

kahit nakikita ang isa’t isa.
Ayon kay ‘Aishah رضي الله عنها:
Ako at ang Propeta ﷺ ay naliligo sa isang lalagyan ng tubig, at nag-uunahan ang aming mga kamay dito.”

Du‘ā bago simulan ang pagtatalik

Bismillāh. Allāhumma jannibnā ash-shayṭān wa jannib ash-shayṭān mā razaqtanā.”
“Sa ngalan ng Allah. O Allah, ilayo Mo kami sa shayṭān, at ilayo Mo ang anumang ipagkakaloob Mo sa amin.”

29/11/2025

Address

Marangas
Bataraza
5306

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Muslim Blogger PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category