
12/08/2025
𝗜𝗺𝗶𝗻𝘂𝗻𝗴𝗸𝗮𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗻𝗱𝗼𝘃𝗮𝗹, 𝗜𝗻𝗶𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗠𝗘𝗢-𝗕𝗮𝘁𝗮𝗿𝗮𝘇𝗮
BATARAZA, Palawan – Inilabas ng Municipal Engineering Office (MEO) ng Bataraza ang opisyal na disenyo para sa itatayong Health Station sa Barangay Sandoval, bilang bahagi ng programa ng pamahalaang bayan sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.
Batay sa inilabas na plano, ang pasilidad ay magkakaroon ng consultation at treatment rooms, nursing area, recovery room, at mga pasilidad na angkop para sa Persons with Disabilities (PWD).
Kasama rin sa disenyo ang PWD-accessible ramp, maaliwalas na front porch, at energy-efficient layout upang masiguro ang komportableng serbisyo at operasyon.
Ang architectural, plumbing at electrical plans ay ginawa ni Ar. Shernel Timbancaya, habang ang structural design, program, at detailed estimates ay isinagawa ni Engr. Carlben N. Aguirre. Pinamumunuan ang proyekto ni Engr. Raffy G. Maigue, Head Engineer ng MEO.
Gumamit ang mga propesyonal ng AutoCAD para sa planning, SketchUp para sa 3D design, Lumion para sa rendering, at Microsoft Excel para sa program at estimates.
Ang proyekto ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ni Mayor Al-Shariff W. Ibba upang matiyak na ang bawat mamamayan ng Bataraza ay may direktang akses sa pangunahing serbisyong pangkalusugan.
Photo Courtesy: Municipal Engineering Office of Bataraza - MEO Bataraza