LeXcene Padilla

LeXcene Padilla Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LeXcene Padilla, Video Creator, Bato.

Pamagat : Kings of schoolPart 1...Hi! Ako nga pla si princess ,at Ang kwento kong ito ay noong ng aaral pa ako ,uumpisah...
12/02/2023

Pamagat : Kings of school

Part 1...

Hi! Ako nga pla si princess ,at Ang kwento kong ito ay noong ng aaral pa ako ,uumpisahan ko noong 1st year college ako kasama ko noon ang kuya Kung nag aaral din sa kapareho Kung Iskwelahan, Kaya Lang magkaiba Ang aming kinunahang kurso . Business administration Ang kinuha ni kuya Kasi siya Ang magmamana ng lahat ng mga negosyo ng mga magulang namin .At ako naman engineer Yun Kasi ung pangarap noong Bata pa ako . Engineer din kc si Papa at madami syang napatayong magagandang building noon sa loob at labas ng ating bansa at tsaka contractor din sya Kya mabilis kami noong umasenso sa buhay.

First day of school Kaya bumangon ako nang maaga at naligo na ,naihanda narin ni Yaya Ang lahat ng gamit ko tapos dinala na nya sa sasakyan .pagkatapos Kung mag ayos ay bumaba narin ako sa Sala para hintayin Ang kuya ko Kasi sabay kaming papasok sa school.
Pagkababa ko ng hagdan tiningnan ko Ang oras sa cellphone ko 6:30 a.m. Kaya tinawag ko si kuya "Kuya bilisan mo late na tayo "naiinis Kong sigaw sa kanya.
Nang biglang ginulat ako ni Clara "BULAGA".
Ako naman "ahhyiee, boysit" muntik ko pang maitapon hawak Kung cellphone ..

Si Clara pla best friend ko ,kababata ko Rin sya at girlfriend din siya nang kuya ko.maganda sya maputi palibhasa anak ng Americano at sobrang yaman pa .siya Ang lagi Kung kasama simula noong Bata pa ako hangang magcollege. lagi kaming magkaklase simula noong elementary hangang highschool Kaya kilalang kilala nanamin Ang isat Isa para na nga kaming magkapatid Kung magturingan ,magkatabi din Kasi Ang mga bahay namin at magkaibigan pa Ang mga magulang namin.Pati sa trabaho magkasama kami kinuha Kasi kami ng tatay niya na maging Modelo para sa kanilang company at lumalabas na Rin kami sa television minsan sa mga komercial o Kaya model ng isang prudokto ,medjo sikat na kami noon sa school at marami naring nakakakilala sa Amin.

Maya Maya pa dumating na si kuya na may hawak na bag at bola,sabay sabing "Tara na ".

"Babe" Sabi ni clara habang naka ngiti sabay yakap Kay kuya "may laro ba kayo ngayon" dugtong niya pa ..
"May try out Kasi ngayon sa basketball team para sa varsity sa school naghahanap kc sila ng mga bagong player ngayon ." Sagot naman ni kuya .
"Sigurado namang pasok ka sa team kahit wag kanang magtry out eh sila panga Ang nag offer sayo na doon ka mag aral sa eskwelahan nila para lumakas Yung team nila , diba mister MVP."Sabi ni Clara .
"Tara na first day of school pa naman ayaw Kung malate no "Sabi ko naman na medjo naiinis na, tagal kasi ni kuya .

Tapos sabay sabay na kaming sumakay sa sasakyan,at ng umpisa nang magmaneho si kuya papuntang school mga 20 minutes lng nasa loob na kami ng school .
Pagkababa palang namin sa sasakyan pinagtitinginan na kami ng lahat ng mga istudyante sa kampus, tapos naglakad na kami papunta sa school building at habang naglalakad kami nakatingin parin sila.may mga naririnig akong ngbubulungan na mga babae Sabi nila "Ang gwapo naman Nung lalaki basketball player pa ata ."nahalatang kinikilig pa at natitili pa .may mga grupo ding kalalakihan kaming nadadaan at Sabi naman nila "wow pre Ang ganda ng dalawang babae, oh diba sila ung napapanood natin sa tv sobrang ganda pala sa personal pre grabi perfect."

Pagkapasok namin sa building biglang nasalita si Clara "wow ha sikat na sikat tayo first day of school palang dami na nating taga hanga ."
"Oo nga eh nahiya tuloy ako "dugtong ko naman."
"O sige sis punta na kami ng gym"Sabi ni kuya habang hawak hawak Ang bola.
"Alam mo naman sig**o room mo eh,Kita nalang tayo mamaya sa kanteen ".dugtong nman ni Clara na nakakapit sa braso ni kuya.
"Ok kitakits nalng mamaya"Sabi ko naman,
"Sige ingat"Sabi ni Clara, "thanks "tugon ko naman tapos lumakad na ako papuntang room ko ..

Pagkapasok ko palang sa classroom napansin agad ako ng mga kaklasi ko ngsilapitan agad sila saakin may mga bumati at may mga nagpapicture grabi sobrang sikat ko lagi daw nila akong napapanood sa mga comercial sa tv ,mga ilang minuto lng Ang dami kuna agad naging kaibigan Kaya nagpasalamat ako sa kanila sa masayang pagtanggap nila sakin .tapos na upo na ako,don ako naupo sa unahan sa pinakadulo para di ako masyadong maistorbo at malapit pa sa bintana para tanaw ko Ang buong school.

Habang nakatanaw ako loob ng kampus kinakabisado ko lahat ng building,natatanaw ko Ang gym may mga naglalaro ,may mga kumakain din sa kanteen Kasi labas pasok Ang mga students don ung iba may mga bitbit na pagkain,may mga nakatambay Kung saan saan nagkukwentuhan, natatawana,nagcecelphon at may mga pumapasok palang Ang daming istudyante sa labas Kung sa bagay unang araw palang naman NG pas**an.pagkapos Kung pagmasdan Ang labas sa loob naman ng room ako nagmasid may mga nauusap nagkukwentuhan tapos lahat ng nakikita Kung kaklase ay nginingitian ako kaya nginingitian ko rin tapos naupo na ako .

Biglang tumunog ung hawak Kong cellphone Kaya tiningnan ko,pagbukas ko may isang message kaya binasa ko pagtingin ko si Clara Ang nagchat Sabi niya "musta na sis,mababait ba mga classmates mo? "Oo nmm sobra" sagot ko .
"Ok kinukumusta lng Kita! Nandito pla si James ung nanliligaw sayo at mark Yong malaking tao na kaklasi natin nong highschool tayo dito din pla sila nag aaral, pasok den sila sa team mukhang magagaling Ang mga player ng basketball team natin .mukhang magiging interesting Ang taon nato sana mag champion tayo"
"Sana nga sis" sagot ko nmn, "oo nmn sis sobrang galing kaya ng kuya,sige sis papasok narin kami bye " sagot niya nmn.tapos inoff kuna cp ko at sumulyap uli sa labas ng bintana may nakita akung puno ng mangga sa di kalayoan maliit Lang may mga bunga narin, malapit sya bakod ng school pero nasa loob parin ng kampus.may tatlong istudyanting nakatambay mukhang masaya pinag uusapan nila Kasi nagtatawanan, nakita kung pinitas nong Isa ung bunga tapos kinagat at kinain. tinitigan Kung mabuti ung Isa nilang kasama matangkad siya kasing tangkad ni kuya ung katawan niya halos kaparihas ng Kay kuya,ung kulay niya sakto Lang at gwapo sya kaya tiningnan kung mabuti tapos nakita Kung nag hits siya ng usi biglang kumunot noo ko sabay simangot tapos binalik ko nalng Ang tingin ko sa loob classroom.tapos bilang dumating na ung titser at nag umpisa nang magturo.

" Okay class Gud morning "Sabi ni sir .
"Gud morning sir"sagot naman namin .
"Bago tayo magsimula nais ko munang magpakilala sa inyo ako pala si Mr.Richard Ramos Ang inyong advisor sana makagraduate kayong lahat."thank you sir "tugon naman naming lahat.
"Ok class kayo naman Ang magpakilala sa isat Isa, start with you please ?."ako agad Ang tinuro ni sir kaya gulat na gulat ako.

Tumayo ako at nagpakilala na "Hi I'm Princess Athena Dizon."sabay upo,tapos sabi ni sir "ok next".
Tinitingnan ko sila Isa Isa habang nagpapakilala para makabisa,
pagdating don sa pinakadulong dalawa na ang magpapakilala bigla akong kinabahan Kasi parang pamilyar Ang mga mukha nila?
Nag isip muna ako ilang minuto hangang sa maalala Kona.
Sila pala yung nakita kung nagkukwentuhan sa may puno ng mangga habang nakatanaw ako sa labas kanina,kaya inabangan ko sila na magpakilala para Makita ko nang malapitan ung Isa nilang kasama baka kasi kaklase namin siya .inantay ko hangang sa matapos. Nang matapos na Yung dalawa sa hulihan wala nang tumayo para magpakilala ..
Bigla akong nadismaya at nalungkot kala ko kasi kaklase namin siya,gusto ko pa naman sana siyang makita nang malapitan gwapo or baka naman??tapos biglang napasigaw si sir nang "Next"
"Wala po sir."sagot nung dalawang nasa hulihan.
"Ano" Sabi ni sir na halatang galit ,"First day of school absent agad."
"Emergency daw po sir " sabi naman nung dalawang nasa likod.
Pagkatapos nag umpisa nang magturo si sir hanggang nawala na isip Yong kanina pa gumugulo sa isip kc naka fucos na ako sa mga itinuturo sir matapos siyang magturo ng mga dalawang oras ay pinalitan naman siya nang ibang g**o at ibang subject nman Ang itinuturo nito.

Hanggang sumapit na nga ang uwian.kaya nachat ako kay kuya kung anong oras ang uwe namin ang sabi niya gagabihin daw sila dahil may laro daw sila ngaun .Kung gusto ko daw hintayin ko daw siya gym .gusto ko sanang antayin siya kaso bigla Kung naisip si James, kasali pala sya sa team baka kulitin nanaman ako non .naiinis Kasi ako don ,simula highschool hanggang ngayon nanliligaw parin siya saakin kahit paulit ulit Kong binabasted .mas nakafucos Kasi ako pag aaral tsaka marami pa akong pangarap sa buhay no.

Tenext ko si Yaya sunduin nalang sa ako school kasi gagabihin daw si kuya sa praktis.Ang Sabi ko naman aabangan ko nalang sila sa labas at don ko nalang sila hihintayin.kaya lumabas na ako at habang naghihintay may napansin akong isang lalaki na nagyoyosi tapat ng tindahan pamilyar yung mukha niya parang nakita ko na sya,?
Naalala ko na siya nakita Kung kasama nung dalawa kung kaklase sa likod na nag uusap sa may puno ng mangga.pagkatapos mag usi ay umalis na ito at nag umpisa nang maglakad.
Napansin kung papunta sya sa direction kung saan ako nakatayo,kaya bigla akong pumasok sa loob ng gate at nagtago sa may poste para silipin at tingnan ang kanyang hitsura sa malapitan. Pagdaan niya sinilip ko sya at nakita ko nga ng malapitan gwapo nga sya kasing gwapo ni kuya kasing takad pa at halos magkaparehas ang kanilang pangangatawan .medjo kinabahan ako don ha pagtapat niya sakto namang dumating Yung sundo ko kaya agad akung lumabas ng gate at agad sumakay sa kotse tapos Sabi ko Kay manong driver "bilisan mo manong nagmamadali ako.."kaya agad namang napaandar ng kotse si manong tapos sa unahan ng konte may mga nakukumpulang mga istudyante napansin din ata ni manong at ni Yaya Yung nagkukumpulang mga istudyante ,kaya Sabi ni manong " may rambol ata ""dahan dahan lang po manong "Sabi ko naman kaya binagalan ni manong Ang pagmamaneho. napansin ko ung kaninang dumaang lalaki na pinalilibutan ng mga iba pang kalalakihan parang nagtatalo sila Kasi galit makipag usap ung ibang nakapalibot sa kanya.
Sa di kalayuan nandon naman si manong guard na kanina pito ng pito habang papalapit sa kanila .nong mapansin nila na paparating na ung gwardya ay agad silang nagtakbuhan papalayo tapos umabante na si manong driver papauwe nang bahay ...

Itutuloy bukas...

18/11/2022
Follow mo sendan Kita...
17/11/2022

Follow mo sendan Kita...

17/11/2022

Pagfinallow mo ako tayo na...

17/11/2022

Para kanino ba talaga ako???

Horror stories...Burol noon NG Tito ko, habang nakaupo ako sa tabi mga pinsan ko at mga kapatid ng Tito ko.Napag usapan ...
17/11/2022

Horror stories...

Burol noon NG Tito ko, habang nakaupo ako sa tabi mga pinsan ko at mga kapatid ng Tito ko.
Napag usapan nila Ang tito noong nabubuhay pa raw siya laging sumasakit daw Ang tiyan niya kaya pumunta siya ng doctor ,
Ang sabi ng doctor appendix daw Kaya inoperahan siya mga ilang buwan lng Ang nakalipas bumuti na Ang pakiramdam niya at gumaling narin Ang kanyang sugat .
Kaya nag umpisa na siyang magtarabaho sa bukid ngunit mga ilang buwan din Ang nakalipas sumasakit nanaman Ang tiyan niya Kaya nagpasya siyang bumalik sa doctor at Ang Sabi nasusubrahan Lang daw sa pagtatarabaho Kaya madalas sumasakit Ang tiyan niya .
Pero iba Ang pakiramdam niya noon Kaya pinasya niyang magpatingin sa albularyo .
Ang Sabi naman ng albularyo binabarang daw siya at malakas daw ung mambabarang na nagpapasakit ng tiyan niya Kaya binigay nalng siya ng pangonta ngunit Hindi umipekto Ang pangontang binigay nang albularyo.
Kaya pinasya niyang mag aaral mang gamot at un din Ang sabi sa kanya ng albularyo para malabanan niya daw ung mambabarang, manggagamot din Kasi ung tatay noong nabubuhay pa ito Kaya may kakayahan din siyang manggamot .
Mga edad fifty na siya noon NG mag umpisa ,Ang totoo Wala nmn talaga siyang Plano maging manggagamot Ang gusto niya Lang ay isang matahimik na buhay kasama Ang pamilya niya.
Ngunit sa di inaasahan naging biktima si NG mga ito,at sa palagay niya dati itong kalaban ng tatay niyang manggagamot at siya Ang binabalikan nito .
Kaya nag aral siyang manggamot para maprotektahan niya Ang kanyang pamilya Laban sa mga mambabarang at mangkukulam na gusto maghiganti at manakit sa kanyang pamilya.

Itutuloy...
Please follow...

Horror stories...Pamagat: Mga Bulong ng mga mangkukulamPart 8Pagkauwe namin ng bahay umidlip muna ako saglit ,sapag piki...
13/11/2022

Horror stories...
Pamagat: Mga Bulong ng mga mangkukulam
Part 8

Pagkauwe namin ng bahay umidlip muna ako saglit ,sapag pikit ng aking mga Mata ay agad namang akong nakatulog sapagtulog ko nanaginip nanaman ako at sila jay Eric at Mark nanaman Ang laman ng aking panaginip naka abang nanaman sila sa labas at may hawak na baril inaabangan akong lumabas Kaya nahiga ako sa banig at nagtalukbong ng kumot sa sobrang takot ,tapos bigla Akong nagising pagising ko naririnig ko nanaman sila bumubulong sa akin Kaya hinanap ko sila sa loob NG aming bahay at sa labas sa paligid o kahit saan baka kc nagtatago lng pero Wala hindi ko talaga makita Kaya nagtaka ako at natakot .
Yung mga panaginip ko kc parang totoo halos parang magkakarogtong pagnagigising na ako .
Parang mga halossination na kala mo totoong nangyayari .Lalo na ung mga panaginip para bang kinausap nila ako pagtulog ako kc habang nanaginip ako Lalo na ung nakakatakot na gusto na nila akong patayin sa panaginip pinipilit Kung magising bago ako magising ng tuloyan at imulat Ang aking mga Mata naririnig ko pa Ang mga boses nila ng ilang sigundo, Ang lalakas sa taenga ko parang nakadigit Ang bibig nila .Kaya sobra akung natatakot at nababalisa sa mga nangyayari sa akin na para na akong mababaliw.
awang awa sakin non Ang mga magulang ko kc para na ako noon na baliw para bang may kinatatakutan ako noon na hindi ko Alam Kung ano o sinu .
Halos hindi ko na Alam noon Kung ano Ang gagawin sa tuwing maririnig ko Ang kanilang mga boses na nagbabanta saakin at gusto akung pasukin sa loob NG aming bahay.
Minsan may bumulong saakin noon hindi ko Alam kung kaninung boses un Ang Sabi"tangalin mo yang soot mo pag di tinanggal Yan susunugin ko Ang bahay nyo" Ang tinutokoy niya noon ay ung binigay saakin ng albularyo ung pangonta
Kaya sa sobrang takot ko ay agad ko namang tinanggal .
maya maya ang iyak ko noon dahil sa dami ng bumubulong at ngbabanta sa akin na babarilin at papatayin .nagtatakbo ako noon sa labas at nag iiyakan Hindi ko Alam Kung saan pupunta, pinipilit ako noon pakalmahin ng mga magulang ko pagkalma ko .
dinala agad nila ako sa albularyo noong araw na un , habang NASA daan naririnig ko parin Ang mga boses nila hanggang makarating kami sa bahay ng albularyo .
Pagdating namin don hinanap nya agad ung binigay nya saakin na pangonta .Sabi ko Wala tinanggal ko iniwan ko Doon sa bahay namin .
Sabi niya "Bakit mo inalis sa katawan mo ung diba Sabi ko wag na wag mong tatanggalin un kc papasok sila sayo .Wala na akong magagawa, pagbalik niyo sainyo isuot mo ulit dugtong niya.tapos pinauwi niya na kami
Halos magdadalawang taon na nila akong laging ginagambala at pinaparinggan .
Nasa isipan ko na Rin sila nagsasalita minsan sa lalamunan ko parang mental telephaty .
Nababasa Rin nila Ang isipan kahit saan ako magpunta Alam nila pinaglalaruan nila Ang isapan ko at lagi Rin akong nanaginip at sila lagi Ang laman ng panaginip ko magdadalawang taon na Rin Basta ipikit ko Ang aking at tuluyan ng makatulog agad na akong nanaginip kahit umaga Lalo na sa Gabi .lagi akong nagising ng alasdos ng madaling araw gabi Gabi Yan ..
Anim na albularyo na Ang gumamot sa akin at Ang Sabi nila may dalawang engkantong nakasubaybay saakin isang puti at isang itim tapos may mga mangkukulam na nakamonitor at gumagambala saakin ..

Itutuloy...

Horror stories.Pamagat: Mga Bulong ng mga mangkukulamPart 7Pagbalik ko sa higaan biglang bumulong si Jay Ang Sabi "nakuh...
07/11/2022

Horror stories.
Pamagat: Mga Bulong ng mga mangkukulam
Part 7

Pagbalik ko sa higaan biglang bumulong si Jay Ang Sabi "nakuha na namin ung gamit mo isang balabal Kung gusto mong makuha to pumunta ka saamin at humingi ka ng tawad saakin."Kaya dali dali akong bumangon at lumabas papunta sa bahay nila , pagdating ko don kumatok ako ng kumatok pero walang bumubukas Kaya sa sobrang tagal umuwi na ako .
Pagdating ko sa bahay may bumubulong nanaman boses ni Eric at Ang Sabi"nasakin ung balabal pumunta ka sa bahay at humingi ka ng tawad saakin at ibibigay ko sayo to"kaya dali dali akong lumabas at tumungo sa bahay nila. umaga na noon maliwanag na nakita ko yong tatay niya nasa labas , tinanong ko Kung nasaan Yung anak Sabi naman niya NASA loob natutulog pa daw tinanong niya ako kung bakit ko raw hinanap Sabi ko naman may kukunin lng ako sa kanya at hihingi narin ng tawad .kaya dali dali niyang ginising ito,at agad namang lumabas tapos hiningi Kona ung kaninang binulong niya sakin tapos Sabi niya Wala naman daw siyang sinasabi Kaya hinayaan ko nalang humingi nalang ako ng tawad sa kanya at umalis na papauwi sa bahay .
Pagdating ko sa bahay boses naman ni Mark Ang narinig ko Sabi naman niya"nasaakin yong hinahanap pumunta ka saamin tapos kunin mo at humingi ka ng tawad saakin "ka dali dali nanaman akong lumabas at pumunta sa bahay nila pagdating ko don hiningi ko ung binulong niya sakin tapos Sabi niya wala naman daw syang sinabi tapos humigi nalng ako NG tawad tapos umalis na ako .
pagbalik ko sa bahay tinanong ako NG mga magulang ko Kung bakit daw ako labas ng labas nagtataka sila sa mga kinikilos kanina pa Kaya nagpasya silang dalhin ulit ako sa albularyo Kaya pumunta ulit kami ng nanay ko sa albularyo .
Pagdating namin sa bahay ng albularyo sinabi agad ng nanay ko ung mga kakaibang kinikilos ko kanina pa daw ako ganon madaling araw pa labas ng labas kahit madilim pa parang may pinupuntahan na Hindi nila Alam .Kaya pinaupo ako NG albularyo para tingnan at gamutin .
Pagkaupo inumpisahan na NG manggagamot na ako'y tingnan at tawasin . pagkatapos sinabi niya sa nanay ko na marami daw akong naririnig at may mga bumubulong pa daw saakin .tapos nakiusap Ang nanay ko gamutin niya daw ako .
Kaya inumpisahan na NG manggagamot na gamutin ako may sinulat siyang oracion sa papel sinunog niya ito at nilagay sa isang baso na may tubig tapos binulongan at pinainom sa akin ,pagkainom ko ay biglang parang ako'y nasus**a Kaya tumakbo ako papunta ng cr at don nags**a ngunit Wala naman akong sinuka kundi ung pinainom lng naman nong albularyo .
Pagbalik ko sa upuan tinawag ako NG manggagamot para lumapit sa kanya Kaya agaw naman akong lumapit hinawakan ng albularyo Ang noo ko at may binubulong sa baso na may tubig tapos binuhos sa ulo ko . pagkatapos pinaupo niya na ako ,may kinuha siyang maliit na bote tapos nilagay niya NG maliliit na hindi ko alam Kung ano tapos nilagayan niya NG langis at pinasuot sa akin .
Ang Sabi niya pangonta daw un wag na wag ko daw aalisin sa katawan ko un ,Sabi niya pa pag inalis ko daw yong pinasuot nyang pangonta papasok daw sila sakin .Hindi maintindihan yong sinabi niya na un tapos napaisip "sinong sila ? papasok sila saakin?
Hindi ko talaga maintindihan yong sinabi niyang yon, gusto ko sanang magtanong Kaso nahihiya ako .Kaya hinayaan ko nalang .
Maya Maya pa may ipinakita siya saaming papel yon daw yong pinagtawasan ko Kaya tiningnan namin ni mama nagulat ako ng Makita ko "dalawang hugis mukha na nakatawa at may nakita Rin akong hugis martilyo sa tabi NG dalawang hugis mukha..
Hindi na kami nag usisa pa ng nanay kahit hindi namin maintindihan Kung ano ibig sabihin noon, maya maya pa nag paalam nakami sa manggagamot.
Bago kami umalis kinausap ako NG manggagamot na kahit na anong mangyari wag na wag ko daw aalisin sa katawan ko Ang pinasuot niya saaking pangonta ...

Itutuloy...

06/11/2022

Ligo muna guys,..

Horror stories.Pamagat:mga Bulong ng mga mangkukulamPart 6Habang nakahiga naririnig ko may binubulong sa akin ung boses ...
06/11/2022

Horror stories.
Pamagat:mga Bulong ng mga mangkukulam
Part 6

Habang nakahiga naririnig ko may binubulong sa akin ung boses na nagsasabing ito na Ang pagsubok mo .sa sobrang takot ko , pagkabalisa at sa dami ng mga naririnig Kong Bulong para na akong mababaliw noon.
Kaya lahat ng sinasabi ng mga bumubulong ay sinusunod ko na Lang para akong pinaglalaruan nila .
May narinig ako bumubulong sa akin na isang boses na hindi ko kilala Ang Sabi may inilagay daw siyang gamit sa loob NG cr namin kunin ko daw at itago wag na wag ko daw ipapakita sa iba ,Kaya agad akong bumangon at tinungo Ang cr pagdating ko don sobrang dilim Kaya inilawan ko Ang paligid Wala naman akong nakita Doon bukod sa mga gamit sa cr Kaya bumalik na lng ako ulit sa higaan ko, tapos Bulong nanaman ung boses at habang bumubulong unti unti Kong nakikilala ung boses nagulat ako sa nadiskubre ko at kinilabutang hindi makapaniwala .
Boses ng tatay ko Ang bumubulong saakin as in boses talaga ni papa Kaya tiningnan ko sya sa higaan niya nandon naman siya tulog na tulog at naghihilik pa Kaya maslalo akong kinilabutan at na praning sa mga nasaksihan Kung un Kaya nakiramdam muna ako nahiga sa malapit Kay papa .
Nakahiga na ako noon sa K**a sa tabi NG kapatid ko Sina mama at papa sa lapag Lang ,maya maya pa bumubulong nanaman ung boses ni papa may ibibigay daw siya sa akin bilin niya na wag na wag ko daw ipapakita kc nasa labas daw sila Jay Eric at Mark para agawin ung ibibigay niya sa akin na gamit panglaban sa kanila.
Kaya naghintay ako sa sunod na ibubulong niya . sobrang takot na takot na ako non KC naririnig ko rin sila jay Eric at Mark naririnig ko rin Ang mga boses nila na labas lng Ang pakiramdam ko.
Maya Maya pa may bumubulong nanaman boses ni Jay na parang nasa labas lng "humanda ka saamin papasukin kana namin at papatayin"Sabi niya
Tapos tiningnan ko si papang nakahiga sa higagaan at naghihilik pa sa sobrang takot ko gusto ko siyang gising para kunin ung gamit na panglaban daw kina Jay.
Tapos bumubulong nanaman ung boses ni papa na Ang Sabi kunin ko na daw sa ilalim nang higaan niya sa gilid Kaya pinuntahan at bubuksan ko na sana ung kulambo nang biglang madinig ko ung malakas niya hilik na Ang Sabi nasa cr daw ung gamit kaya dali dali akong pumunta ng cr pagdating ko don hinanap ko ung sinabi niya Wala naman akong nakita..

Itutuloy..

Horror stories.Pamagat:mga Bulong ng mga mangkukulamPart 5...Pagbangon ko iniligpit Kona ung pinag higaan ko at nagtimpl...
06/11/2022

Horror stories.
Pamagat:mga Bulong ng mga mangkukulam
Part 5...

Pagbangon ko iniligpit Kona ung pinag higaan ko at nagtimpla ng kape ..
Habang ako'y nagkakape may mga naririnig nanaman akong bumubulong sa taenga ko, Kaya tumingin muna ako sa labas ng bahay baka kc nasa labas lng sila, pagsilip ko Wala naman sila Kaya hinayaan ko nalang.
Pagkatapos kung magkape naligo na ako at ng ayos para pumunta sa manggagamot.
Habang nasa daan kami ni mama naririnig ko parin ung mga Bulong nila hangang makarating kami sa bahay ng albularyo hindi parin nila ako tinitigilan naririnig ko parin sila sa labas ng bahay ng albularyo kaya patingin tingin ako sa may bintana baka kc nandon sila.
kaso Wala talaga hindi ko sila Makita Doon. Maya maya pa lumabas na ung albularyo at nag umpisa ng gamotin ako.
Pinulsuhan nya muna ako at tinawas , tapos Sabi niya ginagambala parin daw ako nong dalawang engkanto kaya Ang Sabi niya bumili daw kami ng isang manok,tinapay,beer,at sigarilyo para e alay sa mga engkanto kc kakausapin niya daw ung dalawang engkanto na gumagambala sa akin. pagnabili na daw namin lahat ng kailangan bumalik na lng daw kami ng alas kwatro ng hapon palutoin ung manok.kaya umalis na kami
Sakto alas kwatro nakabalik na kami sa bahay ng manggagamot, pagdating namin don sinabi nya sa Amin na lutuin na daw namin ung manok pero kabilin bilinan niya wag na wag daw naming lalagyan ng Asin .
Sinunod namin lahat sinabi ng albularyo tapos inihanda namin sa mesa lahat.
Pagkatapos naming gawin yon umupo na daw kami sa may Sala nila at mag umpisa na daw siya.
Nasindi muna sya ng ensenso at nagpa usok sa loob ng bahay tapos lumabas na ng bahay ,bago sya lumabas binilinan niya kami wag daw magpapasok o Kaya magpapalabas sa loob ng bahay.
Maya maya pa may narinig kaming nasasalita sa labas boses yon ng albularyo para bang may kausap siya sa likod ng bahay nila pero wala namang taong kausap yong albularyo kc boses nya lng naman ung naririnig namin Wala namang sumasagot .
Pagkatapos bumalik na sa loob ung manggagamot .Sabi niya kinausap ni daw ung engkantong gumagambala saakin ,yon Lang Yung sinabi niya sa akin tapos niyaya na nya kaming kumain pagkatapos kumain umuwe na kami Gabi narin kami nakauwi at nawala narin ung mga bumubulong sa akin.

Pagkauwe namin tiningnan ko ung oras mag aalas nwebe na nang Gabi,nag yosi muna ako tapos nahiga na at natulog na .

Sa kalagitnaan nanaman nang aking pagtulog
Nanaginip ako nakita ko Gian kapatid ni Jay na hawak na abo sinasaboy niya sa bakuran namin pagkatapos nakita ko din sila jay, Eric at Mark na may ginuhit sa sa lupa na Hindi ko Alam Kung ano at Hindi ko maintindihan.tapos may sinasabi silang Hindi ko rin maintindihan .
Ang nadinig ko lng at naintindihan ko sa mga sinasabi nila ay espirito ng demonyo ung Lang . tapos bigla akong nagising ,nahihilo ako at nasus**a .Kaya sumuka ako sa ulohan ng aking higaan , pagtapos kinuha ko ung basahan para punasan ung sinuka ko Kaya inilawan ko ito .
Nakita ko ung s**a ko parang laway na dilaw na may halong itim na likido . napansin ako ng mga kasama ko sa bahay na may pinupunasan . tinanong nila ako Kung may sakit daw ba ako ,Sabi ko naman" Wala "
Pagkatapos kung punasan ung sahig nahiga naman ako at natulog.mga ilang minuto lng Ang nakalipas nanaginip nanaman ako pero Hindi ko na maalala tapos bigla Akong nagising may naririnig nanaman akong mga boses .
Boses nila Jay, Eric at Mark nanaman .. may mga binubulong sila sa taenga Kung Hindi ko maintindihan tapos patingin tingin ako sa paligid kung nandiyan sila ehh Wala naman Hindi ko naman sila Makita nataka ako at nagsimulang matakot sa mga naririnig ko at sa mga Bulong na nakakakilabot!!

Itutuloy...

Horror stories.Pamagat: mga Bulong ng mga mangkukulamPart 4...Pagkauwe namin ng bahay naririnig ko parin ung mga boses n...
06/11/2022

Horror stories.
Pamagat: mga Bulong ng mga mangkukulam
Part 4...

Pagkauwe namin ng bahay naririnig ko parin ung mga boses nila Jay, Eric at Mark na nagpaparinig parin sa akin Mula sa bahay nila Carlo minsan pasigaw at minsan naman pabulong sa taenga ko pero hinayaan ko nalang Kaya pinasya Kung mahiga at matulog nalang kc Gabi narin ehh,Kaya natulog nalang ako .
Sa kalagitnaan ng Gabi mga 12:30 am bigla akong nagising napansin Kung may nagbubulongan sa tapat ng bahay namin naririnig Kung ako ung pinag uusapan nila Kaya nakinig muna ako habang nakahiga .
Habang nakahiga ako nakaamoy ako ng usok parang masinusunog silang basura plastic or goma un ung amoy ko Kaya sinilip ko sa may butas ng yero kc yero lng ung ding ding namin pagsilip ko sa labas Wala namang tao nagtaka ako bakit may mga naririnig akong nagbubulongan ung iba naiintindihan ung iba naman Hindi ,para kasing may mga bumubulong sa taenga ko kaya pinakinggan Kung mabuti at nahiga ng maayos .
Maya maya pa may bumubulong nanaman sa taenga boses ni Jay " hayop ka Juan hayop ka Juan "Yan ung naririnig kong binubulong niya sa taenga ko paulit ulit nyang sinasabi tapos biglang nalang nag init ung katawan ko na para bang sinusunog ako. natakot ako noon at nagpanic Kaya lumipat ako sa sahig kinuha ko ung higaan ko at nilatag ko tapos nahiga na ako maya maya pa narinig ko nanaman ung boses madami na sila bumubulong sa taenga ,Ang Sabi "hayop ka Juan hayop ka"paulit ulit un at nag init nanaman Ang katawan ko na para bang sinusunog .
Maslalo akong natakot noon Kaya kinuha ko ung higaan ko at lumipat sa tabi ng higaan nila mama at papa ganon parin naririnig ko parin ung mga boses nila at umiinit nanaman ung katawan ko Kaya panay Ang galaw ko napansin nila mama na Doon na ako nakahiga at di mapakali sa higaan minsan nahiga minsan naman naupo sa sobrang init at pagkabalisa .
Kaya tinanong nila ako Kung bakit daw ako nagkakaganon ,Kaya sinabi ko sa kanila ung kanina pang bumubulong saakin at para bang ako'y sinusunog sa sobrang init ..

Kinuha ni mama ung rosary at pinsuot sa leeg tapos Sabi niya magdasal daw ako .
Pagkasuot ko ng rosary nahiga na at nagdasal ng ama namin at hail Mary tapos pumikit na ako at natulog na .mga ilang minuto Lang Ang nakakalipas bilga nanaman akong nagising naririnig ko nanaman kc ung mga bumubulong sa taenga ko at nag iinit nanaman ung katawan ko maslalo akong natakot at nabalisa sobrang likot ko sa higaan . napansin nila un Kaya tinanong nila ako bakit daw an likot matulog nalang daw ako kc buksan babalik ulit kami don sa albularyo para ipatingin ulit ako ..
Kaya pinipilit ko nalang matulog kahit maraming bumubulong sa taenga pero Wala ayaw talaga nila akong tigilan hangang sumapit Ang umaga na ganon madami silang sinabi at lagi nila akong minumura ng pabulong sa taenga ko hangang umaga..
Kaya kinabukasan pinasya Kung magtungo na ulit sa albularyo ng araw na un para magpagamot at itanong Kung bakit may mga naririnig akong nagbubulongan na hindi naman naririnig ng mga kasama ko sa bahay...

Itutuloy...

Address

Bato
4801

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LeXcene Padilla posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category