30/11/2025
Isang lalaki, 7 years na kulong dahil sa pagnanakaw ng sandaang milyones 🥹💔
After 2 years niya sa loob, may sulat siyang natanggap galing sa Tatay niya:
“Anak, matanda na ako at may sakit. Ito na ang taniman, wala akong kasama mag-araro at magtanim ng mais. Sana nandito ka para tulungan ako. Ingat ka palagi.”
Sumagot ang anak:
“Tay, WAG na WAG po muna kayong maghukay sa bukid. Doon ko po tinago lahat ng perang ninakaw ko. Hintayin niyo na lang po akong lumabas.”
Siyempre, binabasa ng mga guard ang lahat ng sulat sa kulungan.
Kaya kinabukasan, more than 100 na pulis at guard ang dumating sa farm ng Tatay! Hinukay nila BAWAT SULOK ng lupa, pero WALANG NAKITA.
Sumulat ulit ang anak:
“Dear Tatay, sana nag-enjoy ka sa tulong na pinadala ko. Puwede na po kayong magtanim ng mais ngayon.” 😂 🤣