02/08/2025
𝐇𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐢𝐠, 𝐤𝐮𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚𝐭𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨?
Sa pagdiriwang ng 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟓, muling aangat at binibigyang-tinig ang damdamin, saloobin, at maging ang paninindigan ng kabataang Pilipino sa pamamagitan ng 𝐒𝐩𝐨𝐤𝐞𝐧 𝐖𝐨𝐫𝐝 𝐏𝐨𝐞𝐭𝐫𝐲!
📌 Bukas ito sa lahat ng mga mag-aaral ng Baitang 8.
📝 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐧𝐭𝐚𝐛𝐥𝐚𝐝𝐨. 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐨𝐬𝐞𝐬. 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐞𝐧𝐬𝐚𝐡𝐞. 𝐊𝐚𝐲𝐚 𝐦𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐦𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧?
𝐒𝐮𝐦𝐚𝐥𝐢 𝐧𝐚!
𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐔𝐍𝐓𝐔𝐍𝐀𝐍 (Guidelines)
𝐓𝐞𝐦𝐚: 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚: 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐬𝐚
𝟏. 𝐋𝐚𝐡𝐨𝐤 𝐚𝐭 𝐋𝐚𝐲𝐮𝐧𝐢𝐧
Bukas sa lahat ng mag-aaral sa Baitang 8 ng Bautista National High School.
Layunin ng patimpalak na maipamalas ang kasanayan sa malikhaing pagpapahayag ng damdamin, pananaw, at paninindigan kaugnay ng tema ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng isang orihinal na tula.
𝟐. 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐥𝐚
Ang kalahok ay gagawa ng sariling tula (Spoken Word Poetry) na nakabatay sa pambansang tema:
“𝐏𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚: 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐬𝐚”
Ang tula ay kailangang tugma sa tema, tumatalakay sa papel ng wika sa paghubog ng pagkakaisa, kasaysayan, at kultura ng sambayanang Pilipino.
Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng AI, ChatGPT, Google Translate, at anumang automated tool sa pagsulat ng tula. Kailangang orihinal na gawa ng mag-aaral.
𝟑. 𝐀𝐧𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐍𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧
Dapat ang tula ay may 3 hanggang 5 saknong, malinaw ang mensahe, at may makabayang damdamin.
Maaaring gumamit ng talinghaga, simbolismo, tayutay, at iba pang masining na paraan ng pagpapahayag.
𝟒. 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐡𝐚𝐥
Live performance lamang ang pinapayagan. Kailangang itanghal nang harapan ang tula sa takdang araw ng kompetisyon.
Ang kalahok ay maaaring basahin ang tula ngunit kailangang ipadama pa rin ang damdamin sa pamamagitan ng malinaw na bigkas, ekspresyon, at emosyon.
Ang kopya ng tula ay kailangang ipasa sa mismong araw ng pagtatanghal, naka-print sa A4 size na coupon bond.
Hindi maaaring ilagay sa kopya ng tula ang pangalan ng kalahok, seksyon, o anumang palatandaan ng pagkakakilanlan.
𝟓. 𝐎𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐡𝐚𝐥
Ang pagtatanghal ay dapat tumagal ng 2 hanggang 4 na minuto lamang.
Hinihikayat ang malinaw na bigkas, damdaming taglay, at wastong pagbuo ng mensahe sa tula.
----------------
𝐏𝐀𝐍𝐔𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍 (Criteria for Judging)
Kategorya Porsyento
Kaisahan ng Tema at Nilalaman 25%
𝐏𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠: Tumatalima sa tema, malinaw ang mensahe at layunin ng tula.
Pagkamalikhain at Estilo 20%
𝐏𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠: Orihinal at masining ang pagbuo ng tula (tayutay, talinghaga, simbolismo).
Gamit ng Wika 20%
𝐏𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠: Wasto ang balarila, ortograpiya, at malikhain ang paggamit ng wikang Filipino.
Pagbigkas at Damdamin 20%
𝐏𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠: May ekspresyon, tamang bigkas, at damdaming akma sa mensahe.
Kabuoang Presentasyon 15%
𝐏𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠: Kaangkupan ng kilos, tindig, at impact sa tagapakinig.
Kabuoang Porsyento: 100%