
20/02/2025
Ito ang ALAGAW, isang native tree species sa Pilipinas. Ang Alagaw, na kilala rin bilang Abgau at Aggau sa ibang mga lugar, ay may maraming gamit. Ang mga dahon nito ay kadalasang ginagamit na pambalot sa sinaing na isda upang mabawasan ang lansa. Maaari rin itong idagdag sa adobong karneng baka upang ma-mask ang anggo ng karne. Sa probinsya, ang mga dahon ay pinapatuyo at inilalagay sa mga kulungan ng manok, baboy, at kambing bilang isang natural na paraan ng pag-fumigate at pagtanggal ng mga kuto at surot.
Sa ibang lugar, ang pinainitan o dinikdik na dahon ay itinatapal sa noo para sa sakit ng ulo.
May ilang tao na nagsasabi na nakakain ang hinog na bunga ng Alagaw, ngunit hindi ko pa ito nasusubukan. Wala din mga reliable sources masyado tayong makikita tungkol sa kanyang edibility pero paborito iyan ng mga ibon. Kayo ba, nasubukan niyo na?
Scientific name: Premna odorata
Family name: Lamiaceae