13/11/2025
#๐๐๐ฒ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ | ๐๐ป๐๐ฟ๐ ๐ก๐ผ. ๐ฌ๐ฌ๐ญ: โ๐๐๐ง๐ช๐จ๐โ
ni Mariah Shacille Jade Montesclaros | Amaranth
Noong bata pa ako, akala koโy galit lang ang langit sa tuwing bumabahaโt bumabagyo.
Labingdalawang taon na ang nakalipas at alalang-alala ko pa rin ang araw na โyon. Habang pinagmamasdan ang aliwalas ng umaga sa paanan ng aming bintana, takam na takam lang sana akong maglaro sa labas noon. Subalit nag-iba ang ihip ng hangin nang inutusan ako ni Mama na buksan ang radyo.
โ๐๐จ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ, ๐ช๐ฏ๐ข๐ข๐ด๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฎ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ข๐ด๐ต๐ฆ๐ณ๐ฏ ๐๐ช๐ด๐ข๐บ๐ข๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฑ๐ฆ๐ณ ๐๐บ๐ฑ๐ฉ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ ๐ฐ๐ญ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข ๐ฏ๐จ๐ข๐บ๐ฐโโ
Agad na naputol ang istasyon ng radyo, at โdi naglaon ay sumunod ang dagungdong ng kulog na tila hudyat ng unang mga patak ng ulan. Sa musmos kong utak, tinuring ko pang parusa ang mga bagyong ito dahil bad-trip na bad-trip lang ako noon kasi hindi na ako makakapaglaro sa labas.
โYun pala, ang โdi ko alam ay hindi lang laro ang mawawala sa akin, kundi ay halos lahat ng kung anumang meron kami. At alam kong wala ni sinuman ang naging handa para rito.
Ang sunod ko na lamang nalaman ay sinampal na ni ๐ ๐ฐ๐ญ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข ang aming mga bubong. Sa loob ng ilang segundo, kinalbo nito ang mga bahay, tinumba lahat ng posteng dinaanan, at nilamon ng baha ang buong baryo. Habang lubosan ang pagsulong ni Papa sa baha at bitbit naman ako ni Mama na pilit tinatawid ang nakalubog na kalsada makarating lamang sa ๐ฆ๐ท๐ข๐ค๐ถ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ค๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฆ๐ณ, dinig na dinig ko ang hagulgol ng mga taong hawak ang mahal nila sa buhay, may buhay man o wala.
Sa murang isip ko noon, wala akong mahanap na sagot kung bakit kami pa ang napiling parusahan ng kalikasanโ kung bakit ang mga mahihirap pa ang mas pinapahirapan.
Subalit ngayon, habang inaalala ko ang araw na ito, dito ko napagtanto: paano kung mali ang batang ako? Paano kung hindi naman pala mula sa kalikasan ang parusa?
Sapagkat kamakailan lang, halos sa parehong petsa, bumisita na naman ang isang nagbabadyang delubyoโsi ๐๐ช๐ฏ๐ฐ. Sa pagkakataong ito, puspusan na ang paghahanda ng bawat isa. Nakaimpake na ang mga go bag, listahan ng mga ๐ฆ๐ท๐ข๐ค๐ถ๐ฆ๐ฆ๐ด, at delataโt kandila sa bawat bahay. Handa na kami.
Ngunit nang bumuhos ang ulan, walang pinagbago. Tumba muli ang lahat ng poste, lumubog ulit ang parehong kalsada, at bumalik muli ang iyakan. Bakit kahit handa na ang lahat, parehong parusa pa rin ang naging wakas?
Isa lang ang sagot: ang mga trahedyang ito ay โdi na parusa ng kalikasan, kundi ng kapabayaan. Dahil pabago-bago na ang mga pangalan ng bagyo, pero pare-parehong mga pangalan pa rin ang nasa puwesto. Mga pangalan at mukhang nakaplastar sa mga taurpauling inaanod ng baha, gaya ng paanong inaanod nila sa limot ang mga proyektong kanilang ipinanumpa.
Kaya ngayon, habang pinapakinggan ko ang pagpatak ng ulan sa gitna ng gabi, hindi ko maiwasang isipinโ paano kung ang parusa ay โdi naman nagmula sa kalikasan, kundi ay sa katiwalian ng ating kalakaran.
=====
Litrato ni Lennon | Amaranth
Dibuho ni Eulo Rod Coting | Amaranth