
30/06/2025
DTI BINIGYANG-DIIN ANG PAGPAPAUNLAD NG ENTERPRISE SA NUEVA VIZCAYA AGRI-TOURISM CONGRESS
Bagabag, Nueva Vizcaya โ Mahigit na 100 kinatawan mula sa mga lokal na pamahalaan, maliliit na negosyante, at mga magsasaka ang dumalo sa Nueva Vizcaya Agri-Tourism Congress noong Hunyo 24, 2025, kung saan tampok ang aktibong partisipasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) Nueva Vizcaya sa pangunguna ni Acting Provincial Director Ramil D. Garcia. Isa si PD Garcia sa mga keynote speakers at tinalakay niya ang temang โTransforming Farm Tourism Sites into Sustainable Business Enterprises,โ gamit ang Business Model Canvas upang gabayan ang mga kalahok sa pagbuo ng matatag at pangmatagalang negosyo mula sa agritourism.
Binigyang pansin din ni Garcia ang mga pangunahing serbisyong iniaalok ng DTI gaya ng business registration, marketing support, teknolohiya at inobasyon, at financing assistance. Sa Q&A session, ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng Barangay Micro Business Enterprise (BMBE) Law at hinikayat ang mga negosyante na magparehistro upang makinabang sa mga benepisyo tulad ng income tax exemption. Aniya, mahalaga ang papel ng LGUs sa pagpapatibay ng mga ordinansang sumusuporta sa MSMEs: โWe are working hand-in-hand with LGUs to encourage the passage of BMBE ordinances that significantly strengthen incentives and grant access to support services.โ Katuwang ni PD Garcia sa pagtitipon sina TIDS Robelyn Mae Lising at TIDA-SBC Jannyn Lafeguera ng DTI Nueva Vizcaya.
Source: DTI R2 Nueva Vizcaya