Bleu Wolf Media

Bleu Wolf Media Partnering with 97.10 Spring FM and Bleu Wolf Media, we craft tailored solutions for businesses, organizations, and political campaigns.
(11)

LISTEN LIVE:
https://bwmedia.lovable.app

⚠️ THIS NEWS FB PAGE IS FOR FUN & ENTERTAINMENT ONLY! 🐺

📰Latest news, breaking updates, and community stories from Nueva Vizcaya and across the Philippines


🇮🇹19INC14🇮🇹
🦅TFOE-PE.Inc🦅 Amigoz Advertising Services

Head Office:
97.10 Spring FM, Tubod, Lanao del Norte, Philippines


Regional Partner:
Bleu Wolf Media, Bayombong, Nueva Vizcaya, Philippines

Co

ntact Information:

Phone: 09083233430
Email: [email protected]
Website: www.amigozadservices.com
Social Media Pages:

Amigoz Advertising Services
Bleu Wolf Media
97.10 Spring FM
About Us:
Established in 2020, Amigoz Advertising Services specializes in Radio Advertising, Social Media Management, LED Wall Advertising, Standee Promotions, and Political Public Relations (PR). Our services include:

Radio campaigns for local and regional outreach. Social media optimization for increased visibility. LED wall and standee advertisements for maximum impact. Ethical political PR strategies for successful campaigns. Legal Disclaimer:
We ensure accuracy in all content but disclaim liability for any misuse by third parties. Copyright Notice:
All materials by Amigoz Advertising Services are copyrighted. Reproduction requires prior consent. Data Protection:
We comply with the Philippines’ Data Privacy Act, safeguarding all personal and client data. Terms of Service:
Engaging with Amigoz Advertising Services implies agreement with our terms, available upon request. For inquiries, contact us through the provided channels. Let’s achieve your advertising goals together!

20/08/2026

Hi all

TRENDING: G**O NA NAGSABING "VALUES SA BAHAY, REINFORCE SA SCHOOL" VIRALViral ngayon ang video ni Teacher Karla sa isang...
20/08/2026

TRENDING: G**O NA NAGSABING "VALUES SA BAHAY, REINFORCE SA SCHOOL" VIRAL

Viral ngayon ang video ni Teacher Karla sa isang PTA meeting kung saan sinabi niya:

"Ang values po, kayo ang magtuturo sa bahay — kami pong teachers ang mag re-reinforce sa school. Mahirap pong i-reinforce ang value kung hindi ito naturo sa bahay. It takes a village to raise a child — partners po tayo, we have to work together."

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens, lalo na sa comment section na ikinagulat ng maraming g**o at magulang.

Narito ang ilan sa mga komento ng ilang magulang na binatikos ng netizens:

"Dapat ikaw magturo kc siniswelduhan ng gov."
"Pano naman yong mga magulang na walang pinag aralan, ano ang maituturo kung walang alam ang magulang."
"Dapat di nalang nag teacher kung ganyan ang complain. Halatang may beef sa mga bata."
"Okay ma'am, pashare din po ng sahod mo ma'am partners po tayo..."

Ayon sa uploader, basic human decency dapat ay nagsisimula sa loob ng bahay at hindi lang dapat iasa sa g**o. Dagdag pa niya, paano nga ba maituturo ang values kung maging ang ilang magulang mismo ay tila kulang dito.

Sa ngayon patuloy na pinag-uusapan ang video — hati ang opinyon: may mga kampi kay Teacher Karla at may mga magulang na nasaktan sa sinabi nito.

Ikaw, anong masasabi mo? Dapat ba talagang sa bahay magsimula ang values?

STUDY: GEN Z MAS KAUNTI ANG S*X KUMPARA SA NAKARAANG HENERASYONAyon sa mga pag-aaral, mas bihira nang makipagtalik ang G...
20/08/2026

STUDY: GEN Z MAS KAUNTI ANG S*X KUMPARA SA NAKARAANG HENERASYON

Ayon sa mga pag-aaral, mas bihira nang makipagtalik ang Generation Z kumpara sa mga naunang henerasyon sa kaparehong edad — tinawag ng researchers na "s*x recession."

Napansin ang trend na ito sa ilang developed countries kasabay ng pagbabago sa dating, cohabitation, marriage at family formation. Data mula sa General Social Survey ay nagpakita ng pagbaba sa bilang ng young adults na kasal o nakikitira sa partner.

Ayon sa sociologists at psychologists, maraming dahilan:
mas maraming oras sa social media at digital entertainment
delayed marriage at long-term relationships
academic at financial pressures
mas matagal na paninirahan kasama ang magulang
pagbabago sa pananaw sa dating at s*xuality

May pag-aaral ding nagsasabi na mas tumaas ang s*xual inactivity lalo na sa young men. Kasabay nito, mas mulat din ang Gen Z sa consent, contraception, STIs at healthy relationships.

Pero babala ng researchers, hindi ibig sabihin na mas malungkot o unhealthy ang Gen Z dahil lang mas kaunti ang s*x. Hindi reliable na sukatan ng wellbeing ang s*xual frequency. Para sa scientists, salamin ito kung paano binabago ng teknolohiya, ekonomiya at kultura ang relasyon ng kabataan ngayon.

Photo Courtesy: STAR / Miguel De Guzman
Source: Science Department

HABAGAT POSIBLENG TUMAGAL HANGGANG UNANG LINGGO NG SETYEMBRE SA WESTERN LUZONPosibleng tumagal pa hanggang sa unang ling...
20/08/2026

HABAGAT POSIBLENG TUMAGAL HANGGANG UNANG LINGGO NG SETYEMBRE SA WESTERN LUZON

Posibleng tumagal pa hanggang sa unang linggo ng Setyembre ang epekto ng Habagat partikular sa Western Luzon, ayon sa Philippine Weather System/Pacific Storm Update.

Patuloy na pinag-iingat ang publiko sa banta ng malalakas na pag-ulan, pagbaha at landslide.

Source: PWS/PSU

ALAM MO BA? ANG MISTERYOSO NAMPA FIGURINE NA 2 MILYONG TAON DAW NA NAKALIBINGNoong 1889, habang nag-drill ang mga mangga...
20/08/2026

ALAM MO BA? ANG MISTERYOSO NAMPA FIGURINE NA 2 MILYONG TAON DAW NA NAKALIBING

Noong 1889, habang nag-drill ang mga manggagawa sa Nampa, Idaho, may nahukay silang maliit na clay figurine sa lalim na 295 feet sa ilalim ng lupa.

Ang kakaiba, mukha itong tao na may damit at sinasabing mula sa geological layer na 2 milyong taong gulang. Kung totoo ang edad at lokasyon nito, malaking gulo ito sa kasaysayan ng tao sa North America — ibig sabihin may sibilisasyon na noon pa.

Pero hanggang ngayon, walang siyentipikong makapagpatunay na talagang 2 million years old ang figurine mismo. Ayon sa mga skeptics, posibleng nahulog lang ito sa butas ng drill o sinadyang ilagay bilang hoax.

Mahigit isang siglo na ang nakalipas, nananatili pa ring kontrobersyal at misteryo ang Nampa Figurine.

Ano sa tingin mo — totoong ancient artifact o hoax lang?

WR POLL: 55% DISSATISFIED KAY PBBM, 55% SATISFIED KAY VP SARALumabas sa WR National Poll June 2026 Issue 10 ang magkasal...
20/08/2026

WR POLL: 55% DISSATISFIED KAY PBBM, 55% SATISFIED KAY VP SARA

Lumabas sa WR National Poll June 2026 Issue 10 ang magkasalungat na performance rating nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Kay Pangulong Bongbong Marcos, 55% ang nagsabing dissatisfied sila sa kanyang pamumuno, habang 36% ang satisfied at 10% ang unsure. Tumaas ito ng 8 puntos sa dissatisfaction at 7 puntos sa satisfaction kumpara noong Marso 2026.

Kay Vice President Sara Duterte naman, 55% ang satisfied, 35% ang dissatisfied at 10% ang unsure. Tumaas ng 11 puntos ang satisfaction rating niya mula Marso.

Isinagawa ang nationwide survey noong Hunyo 9-16, 2026 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,432 Filipino adults na may ±2.6% margin of error.

Source: WR Numero Philippine Public Opinion Monitor

AT 68, LOLA BUMALIK SA SENIOR HIGH SCHOOL SA NAGA CITYNAGA CITY - Hindi hadlang ang edad para kay Erlinda Ringor, 68-any...
20/08/2026

AT 68, LOLA BUMALIK SA SENIOR HIGH SCHOOL SA NAGA CITY

NAGA CITY - Hindi hadlang ang edad para kay Erlinda Ringor, 68-anyos, na muling pumasok sa Grade 11 sa AMA Computer Learning Center - Naga City kasama ang mga kaklaseng halos apo na niya ang edad.

Tinawag na "Nanay" sa paaralan, matagal nang pangarap ni Ringor na makatapos. Dati ay nag-aral siya sa Metro Manila sa tulong ng kanyang employer, pero nahinto nang pumanaw ito. Lumipat siya sa Bicol at doon nanirahan ng 30 taon, nagkapamilya, pero dala pa rin ang pangarap makatapos.

Sa tulong ng Alternative Learning System (ALS), nakabalik siya sa pag-aaral at ngayon ay kumukuha ng Cookery strand bilang Senior High. Gamit ang bahagi ng kanyang pensyon, binabayaran niya ang tuition, pamasahe at school requirements.

Mahilig si Nanay magluto ng paella at puchero at nais pa niyang hasain ang skills at gawing negosyo ito balang araw. At hindi lang doon nagtatapos - plano pa niyang mag-college pagkatapos ng Grade 12.

Ayon kay School Director Adrian C. Litam, first time nilang magkaroon ng 68-anyos na estudyante. "Impressed ako na dai naging hadlang itong mga inagihan niya, tiyaka gusto niya talaga magtapos," ani Litam. Handa pa raw siyang tumulong sa tuition kung kakailanganin.

Para kay Nanay Erlinda, inspirasyon siya na hindi pa huli ang lahat. Ang payo niya sa kabataan: "Magtapos din kayo ng pag-aaral."

Source: BicoldotPH / John Benedict Banday - Aug 18, 2026

APAT NA BOARDING HOUSE AT ISANG SARI-SARI STORE PINATIGIL SA TUGUEGARAOTUGUEGARAO CITY - Ipinatigil ng City Joint Inspec...
20/08/2026

APAT NA BOARDING HOUSE AT ISANG SARI-SARI STORE PINATIGIL SA TUGUEGARAO

TUGUEGARAO CITY - Ipinatigil ng City Joint Inspectorate Team ang operasyon ng apat na boarding house at isang sari-sari store sa Barangay Caritan Norte matapos isilbihan ng cease and desist order ngayong araw.

Nakita sa inspeksyon na wala silang kinakailangang business permit at iba pang dokumento. Binigyan na sila ng mahigit isang buwan para ayusin ang papeles pero nabigo pa rin silang makumpleto ito.

Bibigyan naman ng sapat na panahon ang mga kasalukuyang boarders para matapos ang kanilang pananatili pero bawal muna tumanggap ng bagong boarder habang may order.

Maaaring magbukas muli ang mga establishment kapag nakumpleto na ang mga permit ayon sa City Government. Tuloy-tuloy pa ang inspeksyon sa iba't ibang barangay sa Tuguegarao.

Source: City Government of Tuguegarao

Mga pasaway!
20/08/2026

Mga pasaway!

Address

Henry Bayag Residence Purok 1 Castriciones, La Torre North
Bayombong

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bleu Wolf Media posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share