30/10/2025
                                            Eto po pala yung new story animation ko dapat iupload last October 18 kaso sobra dami nangyari na di ko talaga inaasahan. Until now sobrang sakit at sobrang bigat padin pakiramdam ko sa biglaang pagkawala ng anak kong Skyler.
Alam kong magiging masaya sya kung san man sya naroroon ngayon kung ipagpapatuloy ko ang pangarap naming dalawa sa Youtube. 
So kahit sobrang nagdadalamhati po ako ngayon sisikapin ko padin magdrawing at gumawa ng animation para sa anak ko. Pag natapos ko editing at voice record mamayang gabi upload ko na tong bagong animation bukas sa Youtube. Salamat po sa lahat ng sumusuporta at nakikiramay.