Hugot babe

Hugot babe Progress not perfection

* Sachzna Laparan * CLEOPATRA challenge  ゚
08/06/2025

* Sachzna Laparan * CLEOPATRA challenge

A true blessing from God. **May you keep it.**❤️🌹     ゚
08/06/2025

A true blessing from God.
**May you keep it.**❤️🌹

07/06/2025

Simpleng Buhay sa Probinsya 🌳🌹💞

Selfie time..♥️💕🌹
25/05/2025

Selfie time..♥️💕🌹

Yung Mayaman ka ngunit nag sideline ka bilang delivery rider kasi Wala ka choice need mo income. 😅☺️
21/05/2025

Yung Mayaman ka ngunit nag sideline ka bilang delivery rider kasi Wala ka choice need mo income. 😅☺️

Bakit humantong sa ganitong sitwasyon na nagawa ng isang Ina ang hindi dapat ..😔Ang pagiging magulang ay maaaring isa sa...
21/05/2025

Bakit humantong sa ganitong sitwasyon na nagawa ng isang Ina ang hindi dapat ..😔

Ang pagiging magulang ay maaaring isa sa pinakamahirap na hamon sa isang mananampalataya, ngunit ito rin ay maaaring ang pinakamapagpala at pinakamatagumpay na bagay na ating magagawa. Ang Bibliya ay nagtataglay ng maraming katuruan kung paano tayo magiging matagumpay sa pagpapalaki sa ang ating mga anak upang sila ay maging mga lalaki at babae ng Diyos. Ang pinakaunang bagay na kailangan nating ituro sa kanila ay ang katotohanan patungkol sa Salita ng Diyos.
--Ang bawat tao ay may mahalagang bahagi sa kanyang pamilya. Sa pamamagitan ng mga propeta ipinaliwanag ng Panginoon kung ano ang dapat maging asal at damdamin sa isa’t isa ng mga ama, ina, at mga anak. Bilang mga mag-asawa at mga anak, kailangan nating malaman kung ano ang inaasahan ng Panginoon na gagawin natin upang magampanan ang ating layunin bilang isang pamilya. Kung gagampanan nating lahat ang ating bahagi, walang hanggan tayong magkakasama-sama.

--Siyempre, ang unang pamantayan para sa mga miyembro ng isang Kristiyanong pamilya ay Kristiyano silang lahat at may tunay na relasyon sa Panginoong Jesu Cristo bilang kanilang Panginoon at Tagapagligtas. Ibinigay sa Efeso 5:22–33 ang mga alituntunin para sa asawang lalaki at asawang babae sa isang Kristiyanong pamilya. Hinihingi sa isang lalaking asawa na ibigin ang kanyang asawa gaya ng pag-ibig ni Kristo sa iglesya at kailangan namang igalang ng asawang babae ang kanyang asawa at pasakop sa kanyang pangunguna sa pamilya. Ang pangunguna ng asawang lalaki ay dapat na magsimula sa kanyang sariling relasyon sa Diyos at pagkatapos ay dumaloy ito sa pagtuturo sa kanyang asawa at mga anak ng mga pagpapahalagang espiritwal at pinangungunahan ang kanyang pamilya patungo sa mga biblikal na katotohanan. Inutusan ang mga ama na palakihin ang kanilang mga anak sa "disiplina at aral ng Panginoon" (Efeso 6:4). Dapat din na ipagkaloob ng ama ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Kung hindi, parang tumalikod na siya sa pananampalataya, "at mas masama pa kaysa sa isang di-mananampalataya" (1 Timoteo 5:8). Kaya nga, ang isang ama ng tahanan na hindi nagsisikap para maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya ay walang karapatang tawagin ang kanyang sarili na isang Kristiyano. Hindi ito nangangahulugan na hindi dapat na tumulong ang kanyang asawang babae sa pagsuporta sa pamilya — ipinapakita sa Kawikaan 31 ang ginagawa ng isang mabuting asawa—ngunit hindi niya pangunahing responsibilidad ang pagbibigay ng pangangailangan ng kanyang pamilya. Responsibilidad ito ng kanyang asawa.

Maging sensitibo sa damdamin ng mga taong hindi maganda ang situwasyon ng pamilya sa tahanan. Bigyang-diin na sa patnubay na nagmumula sa Panginoon at sa tulong ng mga miyembro ng pamilya at ng Simbahan, matagumpay na mapalalaki ng mga magulang na mag-isang nagtataguyod sa kanilang pamilya ang kanilang mga anak.
Kailangan muna nating kilalanin ang mga tungkuling iniatang ng Diyos sa atin. Ang asawang lalaki at asawang babae ay dapat na may paggalang at pagpapasakop sa isa't isa (Efeso 5:21). Kaugnay nito, itinatag ng Dios ang linya ng pamamahala upang mapanatili ang kaayusan sa tahanan. "Ngunit nais kong maunawaan ninyo na si Kristo ang nakakasakop sa bawat lalaki, ang lalaki ang nakakasakop sa kanyang asawa, at ang Diyos naman ang nakakasakop kay Kristo" (1 Corinto 11:3). Nalalaman natin na si Kristo ay hindi mas mababa kaysa Diyos, tulad sa asawang babae na hindi mas mababa kaysa asawang lalaki. Gayunman, kinikilala ng Diyos na kung walang pagpapasakop sa namamahala ang tahanan ay walang kaayusan. Ang tungkulin ng asawang lalaki bilang ulo ng sambahayan ay ibigin ang asawang babae tulad ng pag-ibig niya sa kanyang sarili tulad ng paghahandog ni Kristo ng kanyang sariling buhay dahil sa Kanyang pagibig sa iglesia (Efeso 5: 25-29).

Bilang tugon sa mapagmahal na pangunguna, hindi mahirap para sa asawang babae na magpasakop sa pamamahala ng kanyang asawang lalaki (Efeso 5:24; Colosas 3:18). Ang kanyang pangunahing tungkulin ay ibigin at igalang ang kanyang asawang lalaki, mamuhay sa karunungan at kahinhinan at pangalagaang mabuti ang kanyang tahanan (Tito 2: 4-5). Ang mga kababaihan ay likas na mas mapag-alaga kaysa kalalakihan dahil sila ay nilikha upang maging pangunahing tagapangalaga ng kanilang mga anak.

Sa mga banal na tungkulin ng pagiging magulang, “ang mga ama at ina ay may pananagutang magtulungan bilang magkasama na may pantay na pananagutan” (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,”). Dapat silang magtulungan upang matustusan ang espirituwal, emosyonal, intelektuwal, at pisikal na mga pangangailangan ng pamilya.

May mga responsibilidad na kailangang pagtulungang gampanan ng mag-asawa. Dapat ituro ng mga magulang ang ebanghelyo sa kanilang mga anak. Nagbabala ang Panginoon na kung hindi itinuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak ang pananampalataya, pagsisisi, binyag, at kaloob na Espiritu Santo, ang kasalanan ay mapupunta sa ulo ng mga magulang. Dapat ding turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magdasal at sundin ang mga kautusan ng Panginoon..
--Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan na matuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak ay sa pamamagitan ng halimbawa. Ang mga mag-asawa ay dapat magpakita ng pagmamahal at paggalang sa isa’t isa at sa kanilang mga anak kapwa sa salita at gawa. Mahalagang tandaan na bawat miyembro ng pamilya ay anak ng Diyos. Dapat pakitunguhan ng mga magulang ang kanilang mga anak nang may pagmamahal at paggalang, matatag ang pasiya ngunit mabait sa kanila.

“Sa plano ng Diyos, ang mga ama ang mangungulo sa kanilang mga mag-anak sa pagmamahal at kabutihan at ang may tungkuling maglaan ng mga pangangailangan sa buhay at kaligtasan ng kanilang mga mag-anak.. Ang isang karapat-dapat na ama na miyembro ng Simbahan ay may pagkakataong magtaglay ng priesthood, kaya’t siya ang nagiging lider ng priesthood sa kanyang pamilya. Dapat niyang gabayan ang kanyang pamilya nang may pagpapakumbaba at kabaitan sa halip na gumamit ng puwersa o kalupitan. Itinuturo ng mga banal na kasulatan na dapat akayin ng mga maytaglay ng priesthood ang iba sa pamamagitan ng pagpapahinuhod, kahinahunan, pagmamahal, at kabaitan (tingnan sa; Mga Taga Efeso 6:4).

👉Ang ama ay dapat mag-ukol ng panahon sa bawat isa sa kanyang mga anak. Dapat niyang turuan ang kanyang mga anak ng mga wastong alituntunin, kausapin sila tungkol sa kanilang mga problema at alalahanin, at payuhan sila nang buong pagmamahal.
👉Tungkulin din ng ama na tustusan ang pisikal na mga pangangailangan ng kanyang pamilya, tinitiyak na mayroon sila ng kinakailangang pagkain, tirahan, damit, at edukasyon. Kahit hindi niya kayang tustusan ang lahat ng ito nang mag-isa, hindi niya isinusuko ang responsibilidad na pangalagaan ang kanyang pamilya.

Mga Responsibilidad ng Ina
Anong magagandang halimbawa ang nakita ninyo sa mga ina na nagpapalaki ng kanilang mga anak?
👉Ang pagiging ina ang pinakamarangal na katungkulan. Ito ay sagradong tungkulin, isang pakikipagtuwang sa Diyos sa pagluluwal ng Kanyang mga espiritung anak sa mundo. Ang pagsisilang ng mga anak ay isa sa mga pinakadakila sa lahat ng mga pagpapala. Kung walang ama sa tahanan, ang ina ang namumuno sa pamilya.
--Pinupuri ang kababaihan na hindi nagkaroon ng sarili nilang mga anak ngunit sinikap na alagaan ang mga anak ng iba. “Kapag binabanggit ko ang tungkol sa mga ina, hindi lamang ang mga babaing nagsilang ng mga anak ang tinutukoy ko, kundi ang mga ina rin na nag-alaga ng mga anak ng iba, at ang maraming kababaihan na, dahil walang sariling mga anak, ay naging ina sa mga anak ng ibang tao.

Mga Responsibilidad ng mga Anak
Paano tinutulungan ng mga anak ang kanilang mga magulang sa pagkakaroon ng maligayang tahanan?

Ang mga anak ay kabalikat ng kanilang mga magulang sa mga responsibilidad ng pagkakaroon ng maligayang tahanan. Dapat nilang sundin ang mga kautusan at makipagtulungan sa iba pang mga miyembro ng pamilya. Ang Panginoon ay hindi natutuwa kapag nag-aaway-away ang mga anak (tingnan sa Mosias 4:14).

Iniutos ng Panginoon sa mga anak na igalang ang kanilang mga magulang. Sabi Niya, “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa” (Exodo 20:12). Ang ibig sabihin ng igalang ang mga magulang ay mahalin sila at magpitagan sa kanila. Ang ibig sabihin din nito ay sundin sila. Sinasabi ng mga banal na kasulatan sa mga bata na “magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka’t ito’y matuwid” (Mga Taga Efeso 6:1).

Ang Pagtanggap ng mga Responsibilidad ay Nagdudulot ng mga Pagpapala
Ano ang maaaring gawin ng bawat miyembro ng pamilya upang maging maligaya ang tahanan?

Ang isang pamilyang nagmamahalan at maligaya ay hindi nagkakataon lamang. Kailangang gawin ng bawat tao sa pamilya ang kanyang bahagi. Ang Panginoon ay nagbigay ng mga responsibilidad kapwa sa mga magulang at mga anak. Itinuturo ng mga banal na kasulatan na kailangan nating alalahanin, pasayahin, at isaalang-alang ang iba. Sa ating pagsasalita, pagdarasal, pagkanta, o sama-samang paggawa, matatamasa natin ang mga pagpapalang dulot ng pagkakasundo sa ating mga pamilya. (Tingnan sa Mga Taga Colosas 3.)

Ano ang ilang tradisyon at gawi na makapagpapaligaya sa tahanan?
Karagdagang mga Banal na Kasulatan at Iba Pang mga Mapagkukunan
Mga Kawikaan 22:6 (turuan ang bata)
Mga Taga Efeso 6:1–3 (kailangang sumunod ang mga anak sa mga magulang)
Mga Taga Efeso 6:4 (mga responsibilidad ng mga magulang)

Mahirap ang pinagdadaanan ng Ina lalo na kung sobrang depressed na ito at mag isang nag aalaga sa mga anak, drain na utak sa Dami ng problemang iniisip lalo na sa financial. Worst kung nagkaroon kapa ng partner na hindi marunong umunawa, umiintindi at madamot sa pamilyang binuo niya.. Kung may magagawa lang ang isang Ina na akoin lahat ng responsibilidad at makapgtrabaho na may mapag iiawanan sa mga anak..magagawa niya kung may tutulong na pamilya o kamag anak pero sa sitwasyon na walang may pakialam dahil kung hihingi ng tulong sa iba puro tanggi maririnig, kaya wala Siya choice kundi akoin responsibilidad.

Sa mga Mister dyan o partner .. Sana naman kung mag asawa kayo, sana manindigan sa pinasok niyo na relasyon. Responsibilidad niyo bilang Ama, na haligi ng tahanan na protektahan ang iyong mag-iina, suportahan ang iyong asawa at mga anak.. Huwag niyo antayin na masira ang tiwala ng asawa mo sa mga bagay na pinapakita mong pagkawalan ng importansya. Ang mga babae ay may ibat-ibang emosyon na makatrigger magkaroon emotional depression lalo na kung nag overthink ng mga problema kung paano ito masulosyunan. Hindi basta-basta ang aming pinagdadaanan.

Ibinigay ng Diyos ang babae sa lalaki upang kanyang maging katuwang sa buhay (Genesis 2:18–20) at upang magdala ng kanyang anak sa kanyang sinapupunan. Dapat na manatiling tapat sa isa't isa ang magasawa habang buhay. Idineklara ng Diyos ang pagkakapantay sa halaga ng babae at lalaki dahil pareho silang nilkha ayon sa Kanyang wangis at parehong mahalaga sa mata ng Diyos. Gayunman, hindi ito nangangahulugan na magkapantay sila ng papel na ginagampanan. Sa pangkalahatan, mas naaangkop ang babae sa pagaaruga at pangangalaga sa mga bata, habang ang lalaki naman ay mas naaangkop sa pagbibigay ng pangangailangan at sa pangangalaga sa kanyang pamilya. Kaya nga pantay sila sa estado, ngunit may magkaibang papel na ginagampanan ang bawat isa sa isang Kristiyanong pagaasawa.

Kung gagampanan ng ama, ina at mga anak ang papel na ibinigay sa kanila ng Diyos, maghahari ang kapayapaan at pagkakaisa sa tahanan.

God bless to all..🙏♥️

May the soul of the 3 little angels and mother rest in peace 🕊️





..🌷🕊️🌷🕊️🌷...

   ゚
11/05/2025



"Life doesn't come with a manual; it comes with a mother." “When you are looking at your mother, you are looking at the ...
11/05/2025

"Life doesn't come with a manual; it comes with a mother."

“When you are looking at your mother, you are looking at the purest love you will ever know.” —

"If at first you don't succeed, try doing it the way mom told you to in the beginning."

Happy Mother's day to all mother's 💕🌻💐🫂🌹







❤️‍🩹🫂
04/04/2025

❤️‍🩹🫂




Address

Naval
Biliran
6560

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hugot babe posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Hugot babe:

Share