08/04/2026
Muling aabante patungo sa NSPC 2026
Matapos ang masusing pagsusuri sa School Paper Category ng Regional Schools Press Conference (RSPC) 2026, opisyal nang idineklara noong ika-pito ng Abril ang mga pahayagang nangibabaw sa buong Rehiyon VIII, kung saan nagtala ng samuโt saring parangal ang The Landmark/Ang Bakas.
Idinaos ang RSPC 2026 sa Sogod, Southern Leyte noong Enero 19โ23, 2026 kung saan nakamit ang ikalawang puwesto sa pagsulat ng Balitang Isports (Filipino) ni Juliette Marie Peรฑaflor, at ikatlong puwesto sa Online Publishing (English) na kinabibilangan nina Rosana Mae Baronda, Atleah Espina, Daniel Mepieza, Camela Cajefe, at Lea Abante.
Ang mga sumusunod ay ang mga espesyal na karangalang nakamit ng The Landmark/Ang Bakas School Paper:
Ang Bakas
Pangkalahatang Kampeon sa Rehiyon VIII
1st Place - Pahinang Editoryal
2nd Place - Pahinang Lathalain
3rd Place - Pahinang Pampalakasan/Isports
3rd Place - Pag-aanyo at Disenyo ng Pahina
2nd Place - Pahinang Agham at Teknolohiya
The Landmark
3rd Place - Science and Technology Section
4th Place - Editorial Section
5th Place - Layout and Page Design
Ang nasabing tagumpay ay naisakatuparan sa ilalim ng pangunguna ng mga tagapayo na sina G. Donnel Jay Tambis, Gng. Erlyn Ocasla, Bb. Melisa Balloso, at G. Rogelio Dimakiling Jr..
Pagbati sa lahat sa napakahalagang tagumpay na ito, na sumasalamin sa husay, tiyaga, at dedikasyon ng mga batang mamamahayag.