25/08/2025
'KAILANGAN MONG PATIGILIN ANG TALINO MO PARA 'DI MA-OFFEND 'YUNG MGA HINDI MATALINO'
Sa naganap na renewal of contract niya sa GMA Network, naghayag ng saloobin ang tinaguriang Comedy Genius na si Michael V kaugnay sa mga challenge na kinakaharap ngayon ng mga komedyante.
"We have to find that fine line, barely touch it, but never cross it. Itong self-censorship na ginagawa namin (sa Bubble Gang), matagal na. And through the years mas natutunan pa namin dahil nga sa mga pleasant at unpleasant na pangyayari like naba-bash kami, nadedemanda... Ayaw naman namin na gano'n na gano'n ang mangyayari.
As much as it will create controversy, buzz e kung in negative way naman parang 'di naman... Tsaka 'yun nga ang mahirap ngayon, kailangan mong patigilin o patahimikin 'yung talino mo para 'di ma-offend 'yung mga hindi matalino."